Violet's POV
"Vy ang gaspang ata ng kamay mo parang steel brush try ding palambutin yan hah??"
paulit ulit sa utak ko yan...diko alam kung bakit nagrereplay sa utak ko baka trip niya??
boooog!
may nahulog at napatingin ako sa nahulog...STEEL BRUSH =_= nak ng teteng nang aasar lang??? makapang inis naman yung tadhana yung steel brush pa yung nahulog!!
"matry nga" sabay hawak sa kamay ko...haplos haplos haplos...ok wala akong maramdaman ganun na ba kagaspang para wala na akong maramdaman??
"no choice"sabay takbo ko palabas..pupunta ako kina Niks...tatakbuhin ko yung bahay nila kahit labag sa kalooban ko
pigil hininga yung ginawa ko..grabe at sa wakas narating ko na din yung destinasyon ko...
*dingdong* *dingdong*
walang awa kong pindot sa doorbell nila..paki niya ba
"hala ma'am!anjan na po!!itigil niyo na yang pagpindot sa doorbell maawa po kayo!!!" sigaw ng katiwala ng bahay nila Niks at dahil wala sa bokobularyo ko ang itigil....walang awa pa din ang pagpindot ko sa doorbell nila..
"ma'am pasok na po" hingal na sabi ng katiwala feel ko tinakbo niya yung pagbukas ng gate whahahha ansama ko
"manang teka"pigil ko sa katiwala..wala may tatanungin lang ako
"ano po iyun?" nagtatakang tanong niya
"manang haplusin mo nga tong kamay ko" sabay lahad ko sa kamay ko..walang nagawa si manang at nagtataka niyang hinaplos yung kamay ko...
1
2
3
4
5.........
hindi ko maipinta yung pagmumukha ng katiwala nila Niks
"ah.eh.ma'am pasok na po kayo"sabay takbo niya...ganun na ba kagaspang ng kamay ko hah??
matapos ang walang karumaldumal na pinagawa ko sa katiwala ay tinakbo ko ulit yung bahay nila Niks...pabukas na ako sa pinto anjan na anjan na konti nalang slow motion na yung paligid pabagal ng pabagal ayan na mahahawakan ko na yung doorknob 1 pulgada nalang mahahawakan ko na!!!
"aray ko po!!!" sigaw ng nabangga ko...kasi naman bubuksan ko na sana ang kaso biglang bumukas yung pinto kaya nagkauntugan kami...
tumayo ako at hinimas yung pwet kong bumagasak
"hoy Violet!maghunusdili ka nga!!kung makatakbo ka parang may laban ng MNLF ah!!!" sabay takip sa tenga ko kasi kung makasigaw naman kasi
"ehe sorry naman!!"sabay peace sa harap niya (n_n)v
"pasok ka nga muna.....oh bat napunta ka dito???"
"ahmm..(_ _ ,)\ may itatanong lang" kamot pa ako sa ulo kasi naman nakakahiya kaya
"ano naman yun??" tanong niya...ayan na sasabihin ko ba??wag na kaya pero joke lang nagpakahirap kaya akong tumakbo kaya sasabihin ko na
"ahmmm.paki haplos naman ng kamay ko _\(^_^)"sabay abot ng kamay ko sakanya...nakakahiya talaga
at dahil sa gulat siya sa inasta ko..wala na siyang nagawa at hinaplos ito
pagkahaplos niya
"ahhhhhhhhhh!!!yung kamay ko!!!nasugat na ata!!!!ajujuju!!demonyo ang kamay mo Vy!!nakakasugat!!kamay pa ba yan???parang steel brush!!!"ngumangawa siya dun sabay padyak ng paa ganun nalang ba kagaspang?? >3> nakakasakit ng ego!!
"tulungan mo naman akong palambutin to please!! (/3\)" desperada na kung desperada!! eh sa gusto ko eh!!
napatigil si Niks sa kakapadyak nung sinabi ko yun...tiningnan niya ako *0* sabay palakpak
"whahahhahahah ikaw?seryoso???hahahha grabe!!!history yun!!!o sige na nga follow me!!" sabay punas kuno daw niya sa luha niya..tapos pababa na kami pero nagpipigil pa rin siya ng tawa seryoso libre tumawa!!!
pumunta kami sa wala akong pakealam na salon...di na ako nag atubiling tignan yung pangalan ng salon o kung ano man tong pinasukan namin
"palambutin niyo nga kamay niyan"sabay turo sakin ni Niks at yun nga kung ano anong eklabu ang linagay sa kamay ko and then woooosssshhhh!!!matapos ang napakatagal na kuskos sa kamay ko natapos din..nangawit pwet ko dun!!
"tapos na ma'am" sabi nung babae at tiningnan ako ni Niks
"patingin nga" sabay hablot niya sa kamay ko at
"waaaaahhh!!ang lambot!!!mas malambot pa to kesa sa kamay ko...!!!!" sabay pinahid yung palad ko sa mukha niya...correction siya ang gumawa niyan
"salamat Niks" sabi ko sakanya...itinigil na niya yung ginagawa niya sa kamay ko at tumayo sa harap ko....
"ano ka sinuswerte????hoyyyy babae!!!may bayad yan!!!ang mahal ng bayad niyan!!!" sigaw niya sa harap ko at dinuru duro niya ako...kung ang kamay ko STEEL BRUSH siya naman ugali na kasing gaspang ng STEEL BRUSH dahil sa kakuriputan niya...dakilang KURIPOT!!!grrrrr!!!
BINABASA MO ANG
Bagyong Lovestory:))
Humor"Bakit pag nagpapakilala ako bumabagyo?!grabe na yan!dumadami nadin ang nag Isleep over sa bahay!hustisya please!"-Violet