Chapter: 18

7 0 0
                                    

Value

This is it.

Wala ng bawian. Mahirap pero kaya naman siguro. Why not diba? For him I'm just a girl who deserves to be ignored. Yun lang yon.

"Liana, sama ka sakin mamaya? Sa bahay lang naman." Tanong ni Seline habang naglalakad patungong court.

"Sleepover?"

"Well yes. Kung yun ang gusto mo."

"Sure!" Masigla kong sabi.

Gusto ko ng makalimot. Gusto ko ng mawala siya sa sistema ko. 5 months. Sa 5 months ba na yun kakayanin ko? Sa mga panahon ba na yon magiging madali?

"So, kamusta kayo ni the-one-who-left-you-broken?"

"Hahaha really? May pangalan agad?" Natatawa kong sagot. "Just the same. Di na rin naman ako naghihintay ng kahit anong galing sakanya o kung meron man. I just want our closure. Yun lang. I'm letting him go. "

"Wow naman. Kayo ba? Para ilet go mo siya? Wag kang bitter. May forever."

"Forever is just a word. It's for you to prove. Sa kahit na anong bagay. Sandali o pang matagalan. Wala naman akong sinabing wala dahil meron naman siguro. Di din naman ako bitter. At lalong walang kami. Gusto ko lang mag move on."

"Eh si Xianne?"

Kinwento ko sakanya ang nangyari pagkatapos ng party hanggang sa kinabukasan na inaya niya kong mag arcade. Ang sabi pa nga niya eh, mabuti daw yon dahil madaming dahilan para lumayo na talaga ako.

"Be thankful. Minsan lang ang lalaking ganyan." Nag kibit balikat siya at tumayo para bumili ng pagkain sa canteen. Hinintay ko lang siya hanggang sa dumating at kumain.

Umakyat na din ako sa susunod kong class para hindi malate pagkatapos. Dirediretso akong umakyat at may nakabangga pa.

"Sorry." Sabi ko at iniwasan na siya.

"Are you ignoring me?"

Hindi ako lumingon at huminto lang sa paghakbang. Sino pa nga ba? Edi si Chandler lang naman. Tss.

"Bakit hindi? Sino ka ba?"

Pagkasabi ko non ay dumiretso na ko ulit sa paglalakad. Non-sense lang naman makipagusap don. Di manlang humingi ng sorry.

"Oh Jade, bakit nandito ka sa building namin?" Nakasalubong ko kasi siya bago makarating sa mismong pintuan ng next class ko. Mukhang malelate na talaga ko puro nalang salubong ang naganap.

"Uh, hinanap kasi kita. May gusto sana akong ipaalam sayo. Mamaya o bukas nalang siguro. After class o lunch, magkita tayo sa likod kung san mo ko nakita non. May ipakikilala ako sayo." Ngumiti siya nilampsan na ko at hindi manlang naghintay sa sagot ko.

Naglakad ulit ako at finally, nakapasok na din ng classrom. Pagkaupong pagkaupo ay agad na ding dumating ang professor kaya hindi ko na din inisip kung sino ang ipakikilala niya sakin.

Time passed by. Wala manlang ako sa sariling naglakad sa tapat ng university at naghintay ng taxi. Kukuha pa ako ng damit para sa sleepover mamaya kina Seline. Matagal na din akong di nakakapunta sakanila.

"Ma, sleepover lang ako kina Seline ngayon. Dadalin ko na din ang gamit ko para di na umuwi bukas. Okay lang po ba?" Paalam ko ng makauwi sa bahay.

"Okay." Sagot niya at dumiretso na sa kusina. Sinundan ko siya at humilig sa kabinet. "May problema po ba? Okay lang naman po kung ayaw-"

"Hindi, hindi. Pumapayag ako syempre."

"Eh bakit nga po?"

"Di kami gaanong okay ng tita Carie mo ngayon dahil sa nangyari nung birthday mo. Di ka manlang sinipot ni Chandler bilang first dance niya. He doesn't value your friendship! He doesn't value you!"

"Mommy problema niya yun. Hindi satin. Wag mong problemahin dahil for sure, wala lang iyon sakanya. Yes, he doesn't value anything."

The One Who Left Me BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon