Chapter: 21

4 0 0
                                    

Break

Nakatitig lang ako sa isang item at hindi alam ang isasagot. Ang iba ay tapos na at nagsisimula ng magsilabasan habang ako, tulala at di alam ang gagawin. Ano yun? Magkakilala sila?

"Ms. Mendoza ayos ka lang?" Tawag ng prof na nagbabantay sa amin ngayon.

"Ah sorry po." Yumuko ako at nagsimula sa pagsagot.

Parang isang puzzle na hindi mabuo-buo ang buhay ko. Palaging may kulang, palaging may mali.

I let out a deep sigh and passed my paper. Hindi ako sigurado sa sagot ko pero hindi din naman ako grade conscious. Nagaaral ako pero hindi dadating sa point na di na ko matutulog.

Kinuha ko na ang bag ko at dumiretso sa cafeteria.

"Liana!" Someone shouted from behind. Lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw at napangiti. Si Jayvee na may dalang pagkain at papalapit na sakin ngayon.

"Oh Jayvee, san punta mo?"

"Ah ano kasi. Gusto ko sanang sabayan ka. Kung pwede?"

"Sure!" I pulled his wrist and started to walk. Habang nasa hallway ay halos napapatingin ang lahat. Ano ba talagang meron sa mga tao ngayon?

Ng napansin na napapatingin sila pababa sa kamay namin ay duon ko lang narealize na nakahawak pa din pala ako sakanya.

"S-sorry." Agad kong tinanggal ang kamay ko at mabilis na naglakad. Pero bago yon ay naabutan ko pa siyang ngumisi.

**

"Seline, si Jayvee nga pala kapatid ni Jade. Yung kinukwento ko sayo." Nginitian siya ni Seline at nakipag shake hands. Nasa cafeteria na kami ngayon at nagmamadaling kumain dahil malapit na daw ang susunod na exam ni Seline.

"So pano kayo nagkakilala?"

"Sa ate niya."
"Sa ate ko." Sabay naming sagot at napatingin sa isa't isa. Ngumiti siya at ganon din ako sakanya. Awkward.

"I see." Tumango tango pa siya at kumain ulit.

"So Jayvee ano na ba kayo?" Biglang tanong nito kaya bigla akong nasamid.

"Seline!" Sigaw ko para awatin siya. Intrigera talaga.

"Ano? Nagtatanong lang ako." Tinaasan niya ko ng kilay at bumaling ulit kay Jayvee na seryoso ang tingin sakin.

"We're friends." He said and started eating again. Nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Ang akala ko ipapahiya niya lang ako at sasabihing, "wala lang gusto ko lang." Banatan ko 'to pag ganon.

"Alis na ko lovers ah? Bye!" Paalam ni Seline at kumindat pa sakin.

Napabuntong hininga ako at hinarap si Jayvee, "Pasensya ka na ah? Makaulkt talaga yon. Hayaan mo walang malisya." Sabi ko at nginitian siya. Pagkatapos ay pumunta na kami sa library para makapagreview.

Habang naglalakad sa hallway ay nagtatawanan pa kami pero napawi ito ng nakita ang kumpulan ng estudyante sa tapat ng vacant room sa tabi ng library.

"Stay here okay? Wag kang aalis." Sabi ni Jayvee at tumakbo patungo roon. Sinundan ko siya at nagulat sa tumambad sa harapan ko.

Someone's lying on the floor with blood on his face. Habang si Chandler naman ay nakakwelyo pa rin dito.

"Chan!" Sigaw ko at agad na tinanggal ang kamay niya sa kwelyo. Sa pagkakaalam ko ay pinsan ito ni Kysler.

"Liana!" Sigaw naman ni Jayvee pero hindi ako natinag. Hinila ko paalis si Chandler at huminto na rin.

"Ano bang problema mo ha! Bakit basagulero ka na?!" Dirediretso kong sabi pero napangisi lang siya. What the hell!

"Anong pakealam mo? Diba kinalimutan mo na ko? Pinagpalit mo na nga ko eh. Quits lang Jas."

Kinilabutan ako sa pangalang tinawag niya sakin. Nakakairita sa tenga na marinig iyon sakanya.

"Wow! Who left first? Ako ba? Wag mong isumbat ang bagay na ikaw mismo ang naunang gumawa! Tandaan mo yan ha? Dahil hinding hindi ko yun makakalimutan." I turned my back at him at agad na nakita si Jayvee. Hinila niya na din ako kaya nagpadala nalang ako.

Binigay niya sakin ang bag ng makarating sa tapat ng classroom. "Sorry." Yumuko ako at hinintay ang kanyang sasabihin.

"Ayos lang naiintindihan ko. Usap nalang tayo mamaya." Tumango ako at pumasok na loob. Agad din itong nagstart.

Tinuon ko ang buong pansin ko sa exam. Medyo nadidistract pero nasasagutan ko naman ng maigi. Kung kanina ay ako ang nahuli, ngayon naman ako ang nauna. Confident ako sa sagot ko kaya lumabas na ako.

Ng nasa hallway ay tinext ko si Jade na sabihin kay Jayvee na nasa likod lang ako ng campus maghihintay sakanya.

Pagdating ako umupo ako doon at pumikit. Nagunahang tumulo ang luha ko kaya di ko na rin pinigilan. Para saan pa ba?

"Sorry late. Katatapos lang." Naramdaman ko ng umupo siya sa tabi ko kaya pinunasan ko na ang luha ko at awkward na ngumiti sakanya.

"Pwede ka bang magkwento? About sainyo?"

"3 years old ng nagsimula kaming magkakilala ni Chandler." Panimula ko. "Siya palagi ang kalaro ko at kasama. We always imagine that he's the father and I'm the mother. Ang sabi niya pa nga hindi niya ako iiwan. Pero di nagtagal ay nabali din yung pangako niya. Dumating si Zydrell at duon na nagsimula yung di namin pagsasama madalas. Lipat lang nuon sina Zydrell pero mabilis silang nagkakilala ni Chandler samantalang ako, di ko siya nilalapitan dahil masungit siya saakin." Nilingon ko siya at sumenyas naman na ituloy ko.

"Madalas magisa nalang akong maglaro at yung yaya ko nalang ang kasama ko. Hanggang isang araw, 10 years old kami non. Inaya ako ni Chandler at sinabing may sasabihin daw siya. Pero hindi iyon natuloy dahil umextra na naman si Zydrell. Hindi ko alam na iyon na ang huli naming pagkikita. Araw araw tinatanong ko sina mommy kung asan sina Zydrell at Chandler pero ang sinasabi nila andyan lang. Naghihintay ako sa park non palagi. Hanggang sa natauhan ako na nawala na talaga sila. Na hindi na babalik yung best friend ko. Ang baduy no? Ang corny."

Ngumiti lang siya kaya nagpatuloy ulit ako. "And that's the start of hate between me and reality. Hindi ko kasi matanggap. Ang palagi kong iniisip ay babalik siya. Maglalaro pa kami at tutuparin niya pa yung pangako niya. Pero hindi eh. Feeling ko bigla nalang akong sinampal ng katotohanan at bigla akong nagising. When in reality, there's no nerd that will turn into a princess. There's no ordinary girl who would marry a big star. Walang boyfriend na artista at ikaw ay isang nobody, walang lalaking sobrang obsess sayo na hindi ka kayang iwan, at walang badboy na magbabago para sayo. Kasi lahat yan nagbabago. Ang badboy anytime pwede yan. Kaya feeling ko minsan ang weweird ng nainiwala sa ganon. Pero naalala ko ganon din pala ako."

Inakbayan niya ko at hinimashimas ang likod ko.

"Past belong there. And present is here in front of you and asking for another chance. Kailangang mong maniwala ulit dahil hindi ka magiging masaya kung nakakulong ka lang diyan." Payo niya. Napangiti naman ako ay tumulala.

"Reality sucks and it breaks my heart."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One Who Left Me BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon