Chapter: 11

12 0 1
                                    

Forgiven

Bumangon na ako at mabilis na nagshower. 7:30 na at ang first class ko ay 8. Medyo malayo pa naman yung university mula dito sa subdivision namin kaya sobrang nagmadali pa ko.

"Go home early!" Sigaw ni mommy habang palabas na ako. Nag 'okay' sign lang ako at lumabas na para makarating on time.

Habang nagdadrive si manong ay nakatingin lang ako sa labas at nagiisip-isip. Hindi ko alam kung para saan yung dinner na magaganap mamaya. Sana, sana ito na yung time. At kung hindi man, acceptance is the first step.

Nakarating na kami at agad naman akong bumaba. Naaninag ko din si Seline na nagbabasa ng libro sa garden.

"Hi Liana!" Masiglang bati nito. Umupo naman ako sa katabi niyang upuan at tiningnan ang binabasa.

"Binabasa mo pa yan may movie na." Sabi ko.

"Sabi kasi nila, mas madaming nilalaman ang libro kaysa sa movie na pinalabas. Anyway, ano ng balita?"

"Wala naman. Sige bye na. Malelate na ko. See you around!" Niyakap niya ko at nagpaalam na din.

Habang naglalakad sa hallway ay may kumpulan sa bandang dulo nito. Balak ko sanang puntahan kaya lang malelate na talaga ko.

Pagkaupo sa pwesto ko ay agad ding dumating si Prof Martinez at nagstart na ang klase. Kahit papano naman ay may naiintindihan ako yun nga lang nawala ang focus ko ng makita siya sa hallway na nakatulala. Wala kayang klase yon?

"For tomorrow, you need to pass me a trivia about having a past. Alam naman nating lahat ay meron non. You need to give me to sides which is the good and bad or pwede din kayong magbigay ng opinion na hindi included sa mismong karanasan niyo." Paliwanag nito.

"Class dismissed."

Pagakasabi ni prof ay agad ko ng niligpit ang mga gamit ko at  bumaba na para makapag lunch. Early lunch dahil tatlong sunod na ang natitira kong sched ngayong araw kaya sure na makakauwi ako ng maaga.

"Liana right?" Sabi ng babae habang naglalakad ako.

"Yes," I said. "Anong kailangan mo?"

"Wala naman. Sige nice seeing you." She smiled at me and bid goodbye. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at dumiretso na sa cafeteria.

Nilapag ko ang bag ko sa isang vacant table at dumiretso na sa cashier para makapagorder. Halos one and a half hour din ang vacant ko kaya okay lang na medyo maglibot libot muna.

Ng makuha ko na ang order ko ay dumiretso na ako sa table at nagsimula ng kumain.

"Nakita mo yung kanina friend?"

"Oo naman! Kakilig in fairness."

"Oo nga eh. Swerte nung girl no?"

Yun lang ang mga narinig ko sa usapan ng gossip girls dahil umalis na sila. Di talaga mawalan ng chismis dito sa university na to. Daily basis na ba talaga ang chumismis?

-----

Nakasalubong ko sina Tita Carie at Tito Lex sa daan papasok sa subdivision namin. Ang sabi nila ay magkita nalang kami mamaya dahil magkakaroon daw ng importanteng dinner.

"Ma sila Tita Carie pala ang kasama natin mamaya?" Tanong ko kay mommy ng makapasok na samin.

"Ah oo. Actually tatlo tayo mamayang family sa dinner kaya ayusin mo ang sarili mo ha?"

Inilingan ko nalang si mommy at umakyat na para magbihis. Mukhang importante nga ang bisita at kailangan pa talagang ayusin ang sarili ko. Maayos naman ako, di lang obvious hehe.

The One Who Left Me BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon