Chapter: 16

7 0 0
                                    

The Final Event

5 days later...

"Oh ano Liana, yung gown mo? Yung sapatos na isusuot mo? Yung ipamamalit mo after performance? Yung gusto mong hairtsyle? Yung-"

"Ma tama na. Okay na ang lahat at bahala na ang stylist na buhok ko."

"Mabuti ng handa. In thirty minutes dadating na din ang mag aayos sayo. Nga pala, it is recommended by Zydrell. Dun ka daw kasi niya pinaayusan."

Pagkatapos non ay lumabas na din si mommy para dumiretso sa venue. Four o'clock magsisimula ang party, three hours from now.

Kinakabahan pa din ako syempre. Ilang araw din akong pabalik balik sa studio para magpaturo. Same situation, awkward, irapan, iwasan, strangers.

*bzzzt bzzzt*

Kinuha ko naman ang cellphone ko na nagvibrate at tiningnan ang text messages.

114 unread messages...

Binuksan ko lahat ito at puro greeting galing sa kablock at high school classmates. Lahat sila ay inimbita ko dahil matagal tagal na din simula ng di kami magkita. Two years na yon sa tingin ko.

May kumatok na sa pinto ko kaya tumayo na ako para pagbuksan. Si Tita Venna kasama ang glam team niya na magaayos sakin. Nakakaexciteeeeee. Ngayon nalang ulit ako magpapamake up.

"Pasok po." Sabi ko saknila at binuksan ng mas malaki ang pinto. Ang dami nilang dala dala. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagaayos sakin.

Nilabas na nila ang isang katutak na make ups. Sobrang nakakaamaze makakita ng iba't ibang klase ng make up. Di kasi ako fan ng ganyang make up make up. Misan pag aalis pero madalas ay lipstick lang at powder okay na.

"Pikit ka." Sabi ng baklang make up artist at may kung anong nilagay dito.

Sinunod ko lang lahat ng sinabi nila. Mukhang namang magandang talaga ito dahil sa tuwing mahahagip ng slamin ang itsura ko ay namamangha talaga ako sa magic na ginawa nila.

"Tapos na!" Sabi ni Tita Venna na pumapalakpak pa. Agad naman akong tumingin sa salamin at ngumiti.

Ang perfect lang ng pagkakaayos dito. Mula sa blush on, kilay, eye shadow at maging sa pagkakalagay ng false eye lashes ay perfect. Mapapangiti ka nalang talaga.

Parang naging touch of brown ang naging make up ko. Ang sabi kasi nila mas okay na neutral lang ang color para kahit saan bagay. Bawat bihis o exposure ko naman daw ay ireretouch nila ako.

Ang sumunod naman nilang inayusan ay ang buhok ko. Eto yung pinaka exciting part para sakin.

"Sure ka ba Liana na wala kang gustong ipagaya o idea?" Tanong ni tita Venna habang sinasaksak ang curler.

"Wala po. Di ko din po kasi alam kung anong hairstyle ang bagay sa damit ko kaya kayo na pong bahala."

Ng medyo uminit na ang curler ay kinulot na nila ang dulo ng buhok ko. Pagkatapos ay binuhaghag nila ito ng bahagya tsaka nagsimulang ayusin. Kinlip nila ang buhok ko kung saan saan. Naglabas din ng bulaklak ang assistant at nilagay sa harapan ko para pumili ng kulay. White ang pinili ko para bagay naman.

The One Who Left Me BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon