Chapter 22 (First Road)

5 0 0
                                    


FIRST ROAD

Chapter 22

After a lot of thinking, I made my decision. Tinawagan ko si Melanie. I grabbed my phone. "Huh? Panglima na to ah... Di nya sinasagot? She never misses my calls. Makapunta na nga lang nga sa kanila" It was one weird day. Pagdating ko sa kanila, walang tao sa bahay nila. "Kung wala siya... Ah! Alam ko na kung saan ko matatagpuan itong bansot na to. Hahaha..." I thought I have it when I went to her bestfriend's place. Si Mona.

*knocks at the door*

Ako: Mona! Nandyan ka ba?

Mona: *binuksan yung pinto ng dahandahan* Oh! Cass. Napadaan ka.

Ako: Nandyan ba si Melanie?

Mona: Wala. Pero kausap ko lang siya kahapon. Akala ko ba wala na kayo?

Ako: Yeah. That's the point. Makikipagbalikan ako.

Mona: Oh. Di mo pinuntahan sa kanila?

Ako: Dun nga ako galling. Wala siya.

After ko siya makumbinsi na wala nga si Melanie sa kanila, sinamahan niya na ako pabalik kila Melanie. Tawag kami ng tawag kay Melanie nang sabihin ng kapitbahay nila ito: "Walang tao dyan. Kanina umalis sila. Nagmamadali. Naospital si Melanie." Nagulat kaming dalawa kaya tumakbo agad kami sa PGH. Kaso wala sya dun nasa Manila Doctors' Hospital daw so lipad naman kami dun at true enough, naconfine nga si Melanie. Kumatok kami sa pinto at tumuloy sa kwarto kung nasaan si Melanie. Namumutla sya nang madatnan namin.

Mona: Anong nangyari sa yo?! Kamusta ka? Ok ka pa kahapon ah...

Melanie: Hahaha... Oo nga. Ewan ko ba.

Ako: Ahem! ANONG NANGYARI SA YO AT NAOSPITAL KA?! NAG AALALA AKO SA YO KANINA PA. KANINA PA KITA HINAHANAP.

Melanie: Ano problema nito? *pabirong sabi kay Mona*

Mona: Di kinayang wala ka. Nakikipagbalikan sa yo. Ano ba problema mo Cass?

Melanie: Sssshhh... Mona. Kalma. Parang di mo naman kilala ugali ng boyfriend ko. Tapos nasa ospital pa tayo. Nagpapahinga ako di ba? Pahinga? Babe, napag isipan mo na ba yan? *hawak sa braso ko*

Ako: *ngumiti sa kanya* Oo naman Babe. Di ko kayang wala ka no?

Mona: Oh since kayo na naman, sabihin mo na.

Ako: Sabihin? Alin yun? Ano yung sasabihin mo? May alam kayong di ko alam?

Melanie: Mona. 5 minutes.

Mona: Ok. Maiwanan ko na muna kayo

Melanie: Salamat. Babe, upo ka muna.

Ako: *umupo sa kama niya* Ano yung sasabihin mo? Kailangan ba talagang nakaupo ako at wala si Mona?

Melanie: Oo. Seryoso to eh...

Ako: Ok. Eh di simulan mo na.

Melanie: May sakit ako.

Ako: Malamang. Kaya ka nga nasa ospital eh...

Melanie: Oo nga. Pero iba to babe. Di lang basta sakit.

Ako: Malamang. Nasa ospital ka nga di ba?

Melanie: ANO BA CASS?!

Babatuhin nya na sana ako ng mansanas na nasa tabi ng kama nya ng biglang may kumatok. Tumayo ako at binuksan ko ang pinto. Yung doktor nya mangangamusta sa kalagayan nya. Hindi ko na marinig yung mga susunod nila na usapan kasi pakiramdam ko na wala naman akong business dun. Umupo na lamang ako at naglaro sa PSP ko. After how many minutes, tinawag ako ng doktor. Kailangan nya pa ngang magsalita ng malakas para marinig ko kasi nakaearphones ako.

Doktor: *kinamayan ako* nice to meet you Cass. (Tingin ko pinakilala na ako ni Melanie sa doktor nya) Alagaan mo si Melanie ah...

Ako: Opo Dok. Lagi nga po akong nandito para may utusan sya, may makakain sya at may magiging stand up comedian nya.

Doktor: Hahaha... Kailangan nya yan. Alam mo naman ang leukemia.

Tila huminto ang mundo ko ng marinig ko ang salitang leukemia na kasama ang pangalan ni Melanie. Di ko alam kung maaawa ako sa kanya o magagalit dahil nilihim nya sa akin ang lahat. Pero nanaig ang galit ko dahil tinago nya yun sa akin. Pagpasok ko sa loob ng kwarto nya, ang lakas ng pagkakasara ko ng pinto at nasigawan ko siya.

Ako: ANONG KALOKOHAN TO?! BAKIT HINDI MO SINABI AGAD SA AKIN NA MAY LEUKEMIA KA?! BAKIT KAILANGANG SA DOKTOR KO PA MALAMAN HA?

Melanie: Sasabihin ko nga sa yo ngayon kaya nga pinalabas ko si Mona di ba?

Ako: EH BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?

Melanie: Tsumitsempo ako.

Ako: EH NUNG BAGO TAYO MAGHIWALAY?

Melanie: Ayoko namang magstay ka dahil lang may sakit ako no.

Ako: Sadlit lang. Lalabas muna ako. Magpapahingin ako.

Melanie: CASS!

Pumunta ako sa tuktok ng ospital para makahinga hinga. Since di naman ako umiinom ng alak, madami akong ininom na kape na nasa can. At para makarelease ng stress, pinipisat ko yung mga can sa kamay ko at binabato.

Mona: Cass.

Ako: Isa ka pa. Bakit di mo sinabi sa akin?

Mona: Cass. Kaibigan ko si Melanie. Nirerespeto ko lahat ng desisyon nya. Cass. Siya ang klase ng babae na ayaw na kinakaawaan. Hindi yun ang kailangan nya ngayon. Lalong lalo na hindi ang galit. Alaga at saya ang kailangan nya Cass. Ibigay mo yun sa kanya ngayon.

Tama nga naman si Mona. Pagkatapos ng sinabi ni Mona, kumalma na ako

Ako: Kamusta na siya?

Mona: Hindi mapakali. Akala iniwan mo na. Nandun. Hinahanap ka. Pinapahanap ka sa akin. Buti nahanap kita sa first try ko. Hahaha... Bumalik ka na dun. Nag aalala na yun.

Pagkabalik naming ni Mona, nakatayo na si Melanie at mukhang nagtitmpla ng kape. Naging girlfriend ko si Melanie, so I think I know what she does when she is very anxious. And yup. Mona is anxious. Nagtitimpla siya ng kape eh... Buti na lang first palang yung titimplahin nya. I hugged her from behind and hold her right hand tight. Binulungan ko siya "Tama na yan. Nandito na ako. I'm sorry. Starting today I will take care of you because if I were in your condition, I am sure that you will never fail to take care of me." She turned to me and smiled and whispered back "I love you"

ODf94w]9

Three RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon