Chapter 15

9 0 0
                                    

Chapter 15

Name: Melanie Velasco (version 2.0)

Age: 19

Features: Maliit, maitim, mas maikli ang buhok kaysa last time, bilugan ang mata

Skills: Singing, Dancing, Acting (lalo na comedy. Magaling na sya dyan. Nahawa ata sa akin)

Characteristics: Madaldal, friendly, jolly, God-loving, caring

*bukas ng pinto* "Pasensya na po babe. Di tumunog yung alarm ko"

"Ano ba yan Castillo! Late ka na naman! Di ka pa naliligo. Ang baho mo pa! Oh! Maligo ka na nga at nang makaalis na tayo malilate na tayo. Ano usapan? 11:30am di ba?!" Namumula yung mukha nya sa galit habang sinasabi nya sa akin yan sabay bato sa akin ng tuwalya ko. Eh sino nga ba namang di magagalit sa taong late di ba?

"Maka Castillo naman to! Alam mo babe mas maganda kang alarm clock. Ganda kaya ng boses mo. Wag ka na magalit" Syempre sinabayan ko to ng yakap sa likod nya habang sya naman nagkukunwari na nagtatampo pa rin. Hihihi... Cute nyang tignan kapag ganun sya.

"Ewan ko sa yo! Maligo ka na!"

And here we are. Back to the present time. Opo. Siya po ang "babe" ko. Si Melanie. Paano? Bakit siya? Ito na po magkukwento na.

After ng usapan namin ni Rochelle, nawalan na kami ng communication. Kaming apat. Di ko alam ngayon kung nasan na sila o kamusta na sila or what. I mean c'mon! It's been over a year na walang communication. Di ko alam ang mga ganap sa kanila. So habang di ko alam, let's focus muna dito sa present ko. Ok? So paano? Ganito yan...

After a month of lack of communication naming apat na tropa, Melanie became my companion. She went with me through my hard times na wala sila Rochelle, Victor, at Joyce. We got back together and one year na kami. Actually, celebration namin ni Melanie ng first anniversary namin as a couple. Side note lang. For guys... (uy, sampu na pala to!) TIP #10: (All caps and bold letters para malinaw tayo guys ah... Guilty din naman ako dito. Hehehe... Most of the time) NEVER. EVER. EVER. EVER. EVER. EVER. EVER. EVER. EVER. EVEEEEEEER na malilate sa lakad nyo ng girlfriend mo LALO NA KUNG ANNIVERSARY NYO. Mortal na kasalanan po natin yang mga lalaki. If you do, make sure that it is a valid excuse.

Ano ang valid excuse sa mga girls? Ito ang mga sumusunod:

1. May sakit, may naospital or namatayan ka ng isa mong family member

Kaso guys, kapag ito ang ginamit nyong excuse, make sure na totoo ah... Mayayari ka kapag nalaman nya na wala. Plus, kapag ito ang ginamit mo, ito ang sasabihin nya "Sana man lang nagtext ka kaagad. Sige. San yan? Puntahan kita" So ingat ingat po sa pag gamit nito

2. May sakit ka

Ito ang mostly na ginagamit ng mga lalaki. Why? It is convenient, madaling mapeke, and it is the best excuse evah! Pero ito ang pinakarisky na move. Pano iexecute? Una, maglagay ka ng benda sa braso mo tapos kunwari sabihin mo na pagkatapos mo maligo, nadulas ka at napilayan ka. And boom! Bibisitahin ka na nga, aasikasuhin at lalambingin ka pa. Be careful. Risky to. Kapag nahuli ka it could lead to a major fight

3. Nalate yung gumagawa ng surprise mo

Makakalusot to kasi iisipin ng girlfriend mo na di mo kontrolado ang sitwasyon ngunit, subalit at datapwat kailangang maganda talaga ang surprise mo as in dapat malagpasan mo ang expectations niya.

Sorry po di po excuse ang work. Ang sagot po nila dyan is "Bakit di ka nagfile ng leave?" Di rin po pwede ang requirements. "Bakit di mo tinapos ng maaga? Sana man lang tinulungan kita." Kung sakali mang nasa biyahe na kayo at late kayo, di nyo po pwedeng sabihin na traffic. Maglilead po yan dito: "Sana umalis ka ng maaga. Alam mo namang laging traffic dyan sa lugar na yan." Ganito po ang paraan: Alamin nyo ang sentro ng place pagkikitaan nyo at ng bahay nyo. Kapag tinanong ka nya kung nasaan ka na, yun ang sabihin mo. Bakit gitna? Para hindi siya umangal na kakaalis mo lang at di rin siya masyadong mag expect na malapit ka na. Plus, di nya macocompute agad ang minutes ng ETA mo.

So... Yes. Sa sobrang bilis ng pangyayari, wala akong nagamit na excuse sa tatlo. Kulang ang time para iexecute ang #2 at mataas ang standards ni Melanie para gawin ko ang #3.

Going back sa story namin ni Melanie, since may pinagsamahan na rin naman kami, yung dating pagiging M.U. namin, pinush na namin sa official. Simula ng naging kami, aba ang kwarto ng bruha ay napuno ng mga stuff toy. Eh nagturo ba naman ng nagturo eh... With her I was fun. I enjoyed every minute being with her. Siya ang nag aalaga sa akin kapag may sakit ako. Lagi nya rin akong pinaaalalahanan kapag may sakit ako, "Babe, ayan kasi. Over fatigue ka na naman. Uso ang tinatawag na day off." She always made me happy. And now its my turn to make her happy.

"Babe! Ano ba?! Malilate tayo sa sine! Nag arkila ka pa ng kotse para lang pumunta sa sinehan"

"Babe, tapos na ako. Tara na!"

Hindi nya alam ang mga magaganap. Hindi naman talaga kami manunuod ng sine eh... Hahaha... Excuse lang yun

"Ahhhmmm... Babe. Parang mali ata yung daan mo."

"Tama yan! Magrelax ka na lang dyan"

0333062y6u'


Three RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon