Chapter 5

15 0 0
                                    

Chapter 5

Name: Ronalyn Bautista

Age: 16

Features: Matangkad, maitim, mahaba ang buhok, chinita

Skills: Singing, Dancing

Characteristics: Tahimik, "Di makabasag pinggan",taklesa (nambabara pero kapag nakausap mo lang ng personal)

Kaklase ko si Ronalyn Bautista. Di siya masyadong napapansin sa klase kasi di naman siya ganun kaingay, kakulit at nagpaparticipate sa klase. Malaki ang impact ng babaeng ito sa buhay ko. Malalaman niyo rin mamaya kung bakit.Dahil sa tahimik si Ronalyn, bihira lang kami nagkakausap. Mahiyain kasi talaga to. Bakit siya may profile dito? Eh kasi niligawan ko to.

Minsan kaming nagkausap ni Ronalyn. At sa tuwing kinakausap ko siya ito ang maririnig mo sa isa kong kaklase, "Hoy Cass! Mukhang dikit ka ng dikit kay Ronalyn ah! Maganda naman siya ah! Ligawan mo na!" After nun mahihiya kaming dalawa.

Nagkakatext naman kami lagi. Nagkakamabutihan naman kami. Ok naman daw siya sa akin. Until one day, I ended up asking her what type of guy is she looking for. For short, yung standards nya tinanong ko. TIP #6: Girls, if a guy asks for your standards, minsan... Take note MINSAN, all caps with bold letters, isang sign yan na gusto ka nyang ligawan at maging girlfriend.

To: Ronalyn Bautista (7:11pm)

Message:

Ahmmm... Ronalyn... Alam mo kasi...

From: Ronalyn Bautista (7:12pm)

Message:

Ano?

To: Ronalyn Bautista (7:13pm)

Message:

May gusto ako sa iyo. Matagal na. Alam mo naman yun siguro kasi nahahalata mo sa pinagsasasabi ng mga kaklase natin. Tanong ko lang sana sa iyo kung pwede ba kitang ligawan.

From: Ronalyn Bautista (8:00pm)

Message:

Cass. Ok lang sa akin. Kaso...

To: Ronalyn Bautista (8:01pm)

Message:

Kaso ano?

From: Ronalyn Bautista (8:12pm)

Message:

Bigyan mo ko ng time. Di ko kasi alam kung sasagutin ba kita or what. Tsaka gusto ko kapag nanligaw ka, yung effort kung effort. Tsaka kailangan mo ring magpaalam sa parents ko na liligawan mo ko. Yun kasi ang gusto nila.

To: Ronalyn Bautista (8:13pm)

Message:

Ok. Walang problema. Take your time. Kailan mo ba gustong kausapin ko parents mo?

From: Ronalyn Bautista (8:14pm)

Message:

Sa Sabado. Punta ka dito sa bahay. :)

Gumala muna kami bago kami pumunta sa bahay nila. That Saturday night was the most horrifying night of my life. First time ko kayang kumausap sa parents ng nililigawan ko. Pero at the end of the night, naging maayos naman ang lahat. Ok naman sa parents nya na manligaw ako pero yun nga, wala sa kanila ang desisyon kung magiging girlfriend ko ba si Ronalyn.

Ronalyn and I had an awesome and smooth courtship stage... nung una. At simula ng ligawan ko si Ronalyn, lagi na siyang napapansin sa klase. Marami na ring nagkakagusto sa kanya. Naging crush ng bayan nga to sa school namin eh... In fact, after a few days na niligawan ko siya nagkaroon ng rumor sa klase na may gusto din daw ang bestfriend ko na si Jay kay Ronalyn. And it so happens na totoo ang rumor. Di lang siya basta rumor. Nang tanungin ko mismo sa kanya, umamin siya. But it doesn't matter. Because nakasaad sa "rulebook" ng panliligaw ng mga lalaki na, bawal mong ligawan ang babaeng gusto/nililigawan ng bestfriend mo and vice-versa. Ginagawa to ng mga lalaki para di masira ang pagkakaibigan nila. Halos pareho lang to sa ginagawa ng girls na pangfifriend zone sa mga manliligaw nilang close friend nila para masalba ang closeness/friendship nila for any disaster that might happen to it. Dahil sa "rule" na yun ng mga lalaki kaya may tiwala ako kay Jay na di niya liligawan si Ronalyn.It so happens na gusto rin ni Ronalyn si Jay. Di lang yun. Ang nagpapagulo pa dito, ang buong tropa ni Ronalyn boto kay Jay. Buong klase pa nga namin eh... Di na rin ako nagtaka kung bakit nagustuhan din ni Ronalyn si Jay. Si Jay kasi ang Top 1 sa klase namin. Talagang matalino itong lalaking to. Mabait at di pa barumbado katulad ko.

Three RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon