Chapter 23 (First Road)

2 0 0
                                    

Chapter 23

"Bakit ngayon pa?!" May mga taong nag iiyakan sa isang kwarto. Lahat sila nakaputi. Yung iba nakaitim. Nang tignan kong mabuti, isa palang lamay. Pero kanino? Sa akin ba? Namatay na ba ako?

"Cass" nakita ako ng isa sa mga nakikiluksa sa namatay. Di pwedeng ako. Nakita nila ako eh... Sino yung namatay? Nang maglakad pa ako at nakita ko sa dulo, may kabaong at nandun yung picture ni Melanie. Hindi pwede. Hindi pwedeng siya to. Ang bilis naman ng mga pangyayari. Nang lumapit pa ako. Biglang may tumawag sa akin nag alit na galit. "CASS! KASALANAN MO TO. IKAW MAY KASALANAN NITO!" Si Mona. Kung ano ano ang sinasabi nya sa akin na ako daw ang may sala sa pagkamatay ni Melanie. Tumingin ako sa kabaong nya. Wala na. Wala na ang taong nagtiyagang magmahal sa akin kahit na loko loko ako. Biglang bumukas ang mga mata ni Melanie at sinabing "Babe". Natakot ako at napasigaw.

"Waaaaaahhhhh!!!" napasigaw ako ng napakalakas. "Babe... Babe... Babe!", ginigising ako ni Melanie. Whoo... Panaginip lang pala. Now that wasn't a nice dream to dream of. Nakatulog pala ako sa sofa sa kwarto ni Melanie habang binabantayan siya. "Babe, ginigising lang kita. Kanina ka pa kasi parang binabangungot. Napasigaw ka pa nga. Ano ba napapanaginipan mo?", tanong ng malambing kong girlfriend. "Ah! Wala. Wala. Kinagat daw ako ng aso. Oh! Mukhang bihis na bihis ka ah... Eh dito lang naman tayo sa ospital. Wag ka mag alala di kita iiwan dito sa dog pound." Binatukan nya ako, "Tungak ka talaga eh no! Hahaha... Dyan ka nagkakamali. Makakauwi na raw ako sabi ng doktor." "So magaling ka na?" Sa wakas. Nakakabagot dito eh... "Titignan pa nila kung completely healed na ako. For now, makakauwi raw muna ako. Wag daw ako masyadong magpapagodat maiistress. Pero paano trabaho ko? Bahala na. Half day muna ako ngayon." "Hoy! Hoy! Hoy!" Nakangiti ko sa kanyang sinabi, "Tumawag ako sa work mo. Sabi ko mag sick leave ka ng 1 week kasi sinugod ka sa ospital" Nakasimangot pa rin siya ng sinabi niyang "Ganun din. Boring naman kasi sa bahay eh... Ay! Alam ko na! May mga papeles pa ako sa bahay na di ko pa tapos gawin. Next month na deadline nun. Irereport ko pa yun sa boss ko next month" (Nakakainis talaga itong girlfriend ko. Workaholic. Mana sa boyfriend. Hahaha...) "Tsk. Tsk. Tsk. Ang kulit. Nakausap ko na boss mo. He said his giving you one week extention para sa report mo na yun." I just said that with a wide smile. "Aba. Aba. Planado ah... Eh ganun din gagawin ko pa rin may trabaho ka eh...Gabi ka pa makakapunta sa bahay" Nailabas ko na yung mukha ko na bwisit na. "Sino nagsabi nyan? Syempre nakaleave din ako para alagaan kma no? Hindi naman pwedeng iwanan ko ang girlfriend ko na naboboring. So..." "Bibilhan mo ako ng aso?" Nakangiting aso nyang sabi. "Pasalamat ka nagpapagaling ka pa. Naku! Kung magaling ka na... Babatukan na talaga kita eh... Nakaleave ako. So I will take care of you and spend time with you. Sayang nga lang di tayo makakapunta sa favorite place mo (na ayoko) which is Enchanted Kingdom." "Oo nga eh... Hay..."

Drinive ko siya papunta sa bahay niya.

Ako: Kamusta pakiramdam mo?

Melanie: Babe, normal ako. Wala na akong sakit nyan ok? Kalma lang. Marami pa tayong kailangan planuhin. Sa monthsary natin. Sa birthday mo.

Ako: Hay... Opo. Opo. Pero paano kapag hindi ka pa rin ok.

Melanie: Hay naku babe. Ang drama mo. Kalma lang. Baka nga mauna ka pa sa akin eh... Hahaha...

Ako: Ano ba yan! Hindi nga babe. Seryosong tanong. Paano kung di ka pa ok? Takot ka bang mamatay?

Melanie: Nakakainis ka na Castillo ah... Napanuod mo na to sa mga movies eh... Hindi ako takot mamatay. Matagal ko ng napaghandaan to eh... Ang takot lang naman ako ay iwan ka. *napaluha sya habang sinasabi yun kaya habang nagsasalita siya, pinupunasan niya mga luha niya* Oh di ba? Pang movie ang sagot ko. Hahaha... Magmaneho ka na nga lang. Iba na lang pag-usapan natin. Wag na ito. Wala na tayong ibang pinag usapan kung hindi ito simula nung nalaman mo eh... Hahaha...

Binuksan nya yung radyo at nagkantahan kami. Ikinanta na lang naming yung mga problema namin. Sabi nya wag na raw namin pag-usapan eh... Eh di wag. Hahaha... Pero syempre habang nagdadrive ako hindi pa rin mawala sa isipan ko kung anong mangyayari sa akin kapag nawala siya. Hindi lang "wala" ito na hiwalay sa relasyon. Yung "wala" ito na tipong wala na talaga siya. Hindi ko na siya mapapatawa. Hindi ko na siya maririnig na tumatawa. Hindi ko na mahahawakan. Hindi ko na siya makikita. She has been with me all of my life. And now it is my turn to be there at the end of hers. Anyway... Ano bay an puro drama na. Pagkarating namin sa bahay niya nilapag agad namin yung gamit nya.

Ako: Oh babe. Tulog ka na. Pahinga daw di ba?

Melanie: Babe. Buong araw na ako natutulog kung hindi pa tayo magkukwentuhan at magkakantahan kanina sa kotse ay malamang papatulugin mo ko. Kumain na lang muna tayo.

So as she commanded pinagluto ko siya ng isang bagay lang na kaya kong lutuin. Tinola. Hahaha... Pasensya na. Yun lang ang alam kong lutuin eh... Madalas akong nagpapadeliver ng pagkain sa fastfood eh... Habang siya nanunuod lang ng TV. Three weeks na lang at monthsary na namin. Kailangan ko ng magplano.

Three RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon