Chapter 2 TRAVIS' GIRLFRIEND

51 3 3
                                    

Her POV

"Good morning, Roni." bati sakin ni Hannah, bestfriend ko.

"Good morning din"

Ang aga aga ang ingay ingay na ng mga babae sa covered court, hindi tuloy ako makapagconcentrate sa binabasa ko. Ano ba kasing meron?

"Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Hannah.

"Ano ka ba, diba tuwing monday kumpleto talaga ang basketball players dyan, at nagpapraktis?" oo nga pala nakalimutan ko.

"Ahhh.. Oo nga"

"At syempre, nandyan din si Travis mo,"

"Yan ka na naman,"

"Bakit ba? Gwapo gwapo nun eh, swerte mo nga dyan eh, kaw talaga!"

"Tara na nga, maglibrary nalang tayo," yaya ko.

"Ayoko nga, dito lang tayo,"

Iilan lang ang nakakaalam ng tungkol samin, friends nya at friends ko. By the way, Travis is my "boyfriend", sabi ng parents namin, kami na. Nung araw na 'yon, sa isang iglap, may instant boyfriend na 'ko. At wala akong naramdaman nang oras na yon kundi gulat at pagkahinayang.

First boyfriend ko? Di man lang dumaan sa ligaw?

Sobrang pinangarap ko yun ah, yung may isang lalakeng liligawan ka at papatunayan sayo kung gaano ka kamahal. 'Yung hindi magtatanong ng "kelan mo ba ko sasagutin?" pero sasabihin nya, "hihintayin ko ang matamis mong 'oo', at kahit gaano katagal, hindi ako magsasawang maghintay para sayo".. Baduy ba? Eh sa yun yung gusto ko eh.

Wala man lang akong naramdamang romantic feelings, kahit na magkasama kami, wala. Kahit gaano pa sya kagwapo daw, wala. Ewan ko ba kung posibleng mag-iba ang pakiramdam namin sa isa't isa isang araw.

"Roni! papunta dito si Travis mo," pagkatingin ko, tama si Hannah, papunta nga sya sa pwesto namin at nakasunod parin sa kanya ang tatlong babaeng yon.

"Hi, Roni," bati nya.

"H-hello?" ano bang ginagawa nito? Sabi ko naman sa kanya wag ako masyadong pansinin pag nandito sa school, dahil ayoko ng gulo. Kung nakikita nyo lang ang tingin sakin ng mga babae sa likod nya.

"Tara kain tayo," sabi nya nang naka-smile parin.

"Masyado pa maaga para magluch,"

"E 'di, agahan"

"Tapos na,"

"E di, kain ulit, tara," pagkasabi nya nun, hinawakan nya ang kamay ko at napasunod nalang ako sa kanya kung san man sya papunta.

Habang papalayo kami, nakita ko yung mga babae, nakatigin parin sa 'min, ang tatalas ng tingin, parang... galit? Hay, sabi ko naman 'wag syang gagawa ng mga ganitong eksena, dahil alam kong magkakagulo.

Ano kayang iniisip nila? Na pumatol ang heartthrob nasi Travis sa isang gaya ko? Bakit? Maayos naman ako tingnan ah, mukha bang lugi si Travis sa 'kin? Ako pa nga lugi eh!

***

Narito kami ngayon sa isang fast food sa labas ng school namin, eto ang pinakamalapit, so dito nalang.

At heto, um-order sya ng pagkain para saming dalawa.

Lakas nya kumain, di man lang ako pansinin dito.

"Hoy, ano ba ginagawa mo?" tanong ko.

"Ha? Kumakain?"

"No, I mean, yung kanina, kung nakita mo lang yung mga yun, parang kakain na ng tao dahil sa ginawa mo. Ipapahamak mo talaga ko no,"

"Ah, sorry ah.." pagkasabi nya nun, huminto sya sa pagkain nya at sumeryoso ang mukha, "'Yung mga babae kasing yun, ayoko nang sinusundan nila ako palagi, ayoko kasi ng ganun, so naisip ko kung malaman nilang, may girlfriend na ko, baka tigilan na nila ko," paliwanang nya.

"Dapat dineretso mo nalang sa kanila na ayaw mo silang sunod nang sunod sayo,"

"'Di effective eh, sige na kumain ka na dyan,"

Ganun ba talaga kagwapo 'tong si Travis? Para sakin kasi, ayos lang, sige gwapo. Pero depende narin siguro yan sa titingin. Naisip ko tuloy bigla, parang ang palad ko, kasi... Ay ano ba 'yan! Muntik na ko makapag-isip ng masama.

***

Pagbalik namin sa school, naghiwalay din kami bigla ng daan, magkaiba rin kasi kami ng klase, syempre psychology ang kinukuha ko, sya naman architecture.

Dumaan muna 'ko ng cr para mag-ayos, at di ko inaasahan ang nakita ko, yung tatlong babae kanina na sunod ng sunod kay Travis, at parang ako ang pinag-uusapan nila.

"I can't believe na yun ang girlfriend ni Travis, di ako naniniwala sa Hannah na 'yon," sabi ng isa sa kanila. Buti di ako napansin, lalabas nalang ako, dahan-dahan.

"Yeah, and speaking of the ugly girl.." pagkarinig ko, napalingon ako sa kanila at napansin na pala nila 'ko bago lumabas.

"Ikaw pala ah, totoo ba yun?" taas kilay na tanong sakin ng isa sa kanila.

"Ha? Ano ba sinasabi nyo? Pasensya na ha, mauna na 'ko," lumabas na ko at nagmamadali. Pero ang kukulit nga talaga nila, hinabol pa nila ko hanggang sa labas. At hinila nila ang braso ko, syempre masakit!

"Ano ba? Bitiwan nyo nga 'ko?" bakit ba walang dumadaang ibang tao dito ngayon?

"Sabihin mong hindi ikaw ang girlfriend ni Travis, hindi kami papayag na isang katulad mo lang ang mapansin nya, masyado na kaming maraming ginawang effort! At di kami papayag na masayang yon lahat," nakakatakot sya tumingin, napakadesperada. Kahit sino, tulungan nyo ko!

Bago pa sila may magawa sakin, may humawak pang isa sa braso ko, hindi ko na sya napansin, pero parang pamilyar ang boses nya.

"Bitiwan nyo nga sya," si Travis!

"T-Travis?" sabay sabay naming react.

"Totoo yon, ok? Ako na mismoang nagsabi, so please, pwede ba? Tigilan nyo na ko at si Roni, pag nalaman ko'ng ginawa nyo pa ulit to sa kanya, lagot kayo sakin, maliwanag?"

"O-ok.. Sorry Travis," halatang napahiya sila sa harap ni Travis, pero hindi naman ako natuwa dun, natuwa ako dahil wala na sila, at sa mga sinabi ni Travis..

Sa totoo lang, pinangarap ko talaga, na isang araw, may magpoprotekta sakin at sasabihin ang mga ganun. Masarap pala sa pakiramdam.. Parang bumilis ang tibok ng puso ko. Hay, ano ba 'to?

***

Sinamahan ako sandali ni Travis dito sa Cafeteria. Medyo nakamove on narin ako sa nangyari kanina, naniniwala akong di na ko guguluhan pa ng mga yon.

"Ok ka na ba?" tanong nya na parang concern talaga sa kin.

"Oo, salamat ah," 

"Ako rin naman may kasalanan, buti nalang naiwan mo tong panyo mo kaya sinundan kita," sabay abot sakin ng panyo ko.

"Thanks."

"Grabe, hindi ko alam gagawin ko pag may nangyaring masama sayo kanina," sabi nya. Ganito nalang ba talaga sya kaconcern sakin? Hindi kaya?....

"Lagot ako kila Dad pag nalaman nila 'to, buti nalang talaga dumating ako," dugtong nya.

Ah, ok, gets. Muntik ko nang paniwalain ang sarili ko na totoo ang mga narinig ko kanina, kahit kailan siguro hindi magwowork tong relationship na to. Hindi namin mahal ang isa't isa, at mukhang hindi namin mamahalin ang isa't isa..

"HIS GIRL" by IchBinYeen

HIS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon