Chapter 1 GOODBYE SUMMER

68 4 0
                                    

His POV

Grabe, ang ganda ng tanawin, ng beach, ng buhangin, ng araw na dahan dahang bumababa, at syempre ng mga grupo ng mga babaeng nakaswim suit at nagtatakbuhan sa buhangin. Wow, I can't believe na last day na namin dito, matatapos na ang summer break..

"Sige busugin mo lang yang mga mata mo sa kakatingin d'yan sa mga chicks, at bukas wala na yan." panira naman 'tong si Chad oh.

Ah, he's my bestdude pala since elementary. Palagi syang kasama sa mga bakasyon na ganito, at syempre 'yung iba pa naming mga kaibigan.

Nakadungaw lang kaming dalawa ni Chad sa bintana at nakatingin sa magagandang view. Wala pa 'tong girlfriend si Chad, kaya he's free, na tumingin-tingin kahit kanino, samantalang ako, si Travis Zamora..na gwapo, matangkad, lapitin ng girls, varsity player, may killer smile, pero gentleman parin..

"Dude, parating girlfriend mo, yung mata mo," bulong nya sa 'kin.

Hay.. like what he said, may girlfreind na 'ko, si Veronica Ong, Roni ang tawag sa kanya for short.

Kagustuhan ng mga parents namin ng ngayon palang dapat mag-on na kami, because after we finished college, we will get married.

Well, that's life. Minsan talaga kailangan mong gawin ang ayaw mo para sa "ikabubuti".

Hindi ko kayang suwayin ang parents ko, lalo na bawal madisappoint sakin si Dad, may sakit sya sa puso. I remember the last time I disappointed him, sinugod sya sa Hospital. That's why, I promised to him and to myself that I will obey him since that day. Mahirap kapag only child ka lang, malaki ang expectation sayo ng mga magulang mo. Kaya I have to do my best para 'di naman masayang ang mga expectations nila.

Pero hindi naman sa ayaw ko kay Roni, I feel safe nga 'pag kasama sya eh, kasi alam kong di nya ko gagawan ng masama. I mean, di sya katulad ng mga babaeng nakapalibot sa akin, baka isipin nyo mayabang ako, pero 'yun ang totoo no.

She's not sweet, or malambing, 'di rin masyadong interesting kausap, pero she's kinda cute, and conservative.

Buti nalang 2nd year college palang kami, matagal tagal pa, malay mo, magbago ang isip ng parents namin, finger crossed. Or baka naman, kami ang magbago ng isip, I mean, kami naman ang mahulog sa isa't isa din. Pero ngayon, I think that's impossible.

Ni hindi ko nga maalala kung kelan kami naging kami, di ko na maalala yung araw na 'yun, nung pinatawag kami ng mga parents namin at sinabing kami na. Sa tingin ko, mga 5 months narin 'yun nakakalipas.

"Kakain na raw" sabi ni Roni.

"Ok, susunod na kami," pagkasabi ko nun, umalis din sya kaagad, minsan naweweirdohan talaga ko sa kanya. Hay.. that girl, nasa beach tapos nakaT-shirt at shorts lang. Ni hindi nga sya nagtampisaw sa beach mula nang dumating kami dito.

Baka naman napilitan lang talaga sya sumama sa 'min? Sabi kasi nila Dad dapat daw lagi ko syang isama sa mga lakad ko with my friends.

"Kinikilig ako sa inyo ah," si Chad nang-aasar.

"Hay naku, kung ikaw lang nasa sitwasyon ko, baka mamatay ka na sa kilig."

"Bakit di mo sya kilalanin? Alam mo yun, getting to know each other, di man lang kayo masyadong nagpapansinan, pero pag kaharap nyo sila uncle sobrang sweet nyo kunwari.."

That's true, nagkukunwari kami sa harap ng parents namin na sweet kami sa isa't isa.. 'Di ko alam kung hanggang kelan to.. Bahala na..

***

After dinner with my friends, I went outside para magpahangin at sulitin ang natitirang oras ng bakasyon, habang sila nagreready ng mga gamit for tomorrow. Pasukan na naman..

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng babae sa likod ko, pagkalingon ko, si Roni pala.

"Ah wala, nagpapahangin lang, ikaw?"

"Ganun din," sandaling tumahimik ang paligid pati sya.. "Salamat pala sa pagsama mo sakin dito ah, nag-enjoy ako," sabay ngiti.

"Talaga? Parang di nga kita nakitang nag-enjoy eh"

"'Di rin kasi ako marunong lumangoy,"

"Ganun ba? Dapat sinabi mo agad, e 'di sana marunong ka na lumangoy ngayon,"

"Ha? Bakit?"

"Ah-eh, wala," ano ba sinabi ko? Ibig ko bang sabihin dun, tuturuan ko sana sya lumangoy? Ay ewan.

Pagtingin ko sa kaya, nakatingin lang sya sakin at parang nagtatanong ang mga mata. Bakit ang cute nya sa angle na 'to?

"Sige next time, turuan mo 'ko lumangoy.. Good night," sabay ngiti ulit.

Minsan ko lang sya nakakausap ng ganun. Maayos naman pala sya kausap minsan..

"HIS GIRL" by IchBinYeen

HIS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon