Chapter 6 RONI VS. CHANEL

33 2 0
                                    

Her POV

    Pagtapos kong ikwento lahat kay Hannah ang nangyari kagabi, sobrang pinalakas nya ang loob ko. Hindi ko namalayan na andami ko na palang nasabi sa kanya. Sinabi nya sakin na kailangan kong lumaban, kailangan kong harapin ang Chanel na yon. Hindi pwedeng pabayaan ko nalang syang dumikit dikit kay Travis at sa harapan ko pa.

    Kaya ngayon, nandito ako sa school, hindi ko pa sya makausap kasi hanggang ngayon kasama parin nya si Travis, grabe talaga sya makapag make up, kala mo wala nang bukas!

    Actually, wala naman talaga sa personality ko 'to, ang makipagtalo sa tao, hindi ko kayang gawin 'to, ayoko kasi talaga ng away, pero ngayon, ginagawa ko sya, dahil... Kay Travis.

    "Bakit mo tinitingnan si Travis mula dito?" tanong sakin ng isang lalake mula sa likod ko. Paglingon ko, si Chad!

    "Ah, Chad ikaw pala, wala, napasulyap lang, napadaan lang naman ako eh, bakit?"

    "Ikaw ah, gusto mo talaga bestfriend ko no?"

    "Ha? Hindi ah, ano bang sinasabi mo? Imposible yun no,"

    "Ok, grabe, di ka ba nagseselos sa nakikita mo? Ang alam ko, sobrang gusto ni Chanel yang si Travis, kung hahayaan mo lang yan, baka bumigay yang kaibigan ko, ang ganda ganda pa naman ni Chanel," sabi ni Chad.

    "Wala naman akong pakelam kung ano pang gawin nya, gawin nya gusto nya, gagawin ko rin ang gusto ko," pagmamatigas ko.

    "Tsk tsk tsk, dapat ipaalam mo sa kanya na nagseselos ka para lumayu-layo rin sya sa mga babae," kulit naman nitong Chad na 'to. Hindi na 'ko magpapadala sa mga sinasabi nya, napaamin na nga ako kay Hannah eh, hindi na yun mauulit pa no.

    "Hoy, anong ginagawa mo sa bestfriend ko?" buti nalang dumating si Hannah, may kakampi na 'ko.

    "Wala. Kaibigan mo ba 'to, Roni?" tanong sakin ni Chad.

    "Oo."

    "Ano yung naririnig kong sinasabi mo?" tanong ni Hannah sa kanya.

    "Wala, wag ka nga makelam sa usapan ng iba, Miss,"

    "Eh ikaw ang dapat hindi makelam sa kanila, wag mo nga tong kinukulit si Roni, alis ka na, alis," parang bata naman 'tong si Hannah, kala mo nagpapaalis lang ng aso.

    "Bestfriend ako ni Travis, ok? At close kami nito ni Roni, wag ka ngang magulo dyan," at kelan pa kami naging close?

    "Alam ko bestfriend ka ni Travis, eh ano ngayon?"

    "Ano ba problema mo?"

    "Wag ka sabing manggulo kay Roni, humahanap sya ng paraan para umalis yang Chanel na yan sa landas ni Travis," sabi ni Hannah. Naku naman, ang ingay talaga ng Hannah na 'to. Pambihira!

    Napangiti tuloy ng malapad 'tong si Chad sakin. Ngiting pang-asar.

    "Alam mo gusto ko tong bestfriend mo," sabi nya sakin.

    "Anong gusto? Ayos ka ah, hindi kita type no," sabi ni Hannah.

    "Manahimik na nga kayo. Chad, wag ka nalang magkwento ng kung ano-ano kahit kanino, ok?" pagkukumbinsi ko.

    "Ok, pero hindi ko mapopromise yun,' pang-aasar nya.

    "Pag nag-ingay ka talaga, pagkakalat ko na crush mo ko, sige lang!" sabi ni Hannah.

    "What! Kilabutan ka nga,"

    "Tama na nga yan, basta Chad, wag ka nalang magkwento kay Travis, please?"

HIS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon