Chapter 5 ANG BABAE NI TRAVIS?

27 1 0
                                    

Her POV

Nandito na naman ako ngayon sa school, grabe, antok na antok ako, gabi na kasi ako nakauwi kahapon dahil sa ginawa kong project. At hanggang ngayon, hindi parin sya tapos, bukas na ang pasahan non.

Kaya mamaya, dun ako didiretso sa bahay ni Travis.

"Roni, may balita ako sayo," bungad sakin ni Hannah.

"Ano? Napostpone ba yung pasahan ng project? Talaga? Wow," yun lang naman talaga ang inaasahan kong balita ngayon e.

"Hindi, ano ka ba, si Travis kasi.."

"O anong meron?"

"Nakita ko sya, may kausap syang babae kanina, tapos parang ang sweet sweet ng babae sa kanya, si Travis naman kung makangiti.. Grabe to girl! Don't you think he's cheating on you?"

"Ha? Pakelam ko naman dun?" May pakelam nga ba ko? "Bahala sya," sabi ko ng pabulong.

"Weh? Pero deep inside gusto mo nang manabunot no?" pang-aasar ni Hannah.

"Ikaw kaya sabunutan ko dyan?"

"Hay naku, akala mo ba hindi ko alam na kahit papano, gusto mo rin yang si Travis, bestfriend kita no, nababasa ko ang mga tingin mo sa kanya, ang mga kilos mo pag nandyan sya, pwede mo namang sabihin sakin, mapagkakatiwalaan mo ko," biglang sumeryoso si Hannah ngayon ah. Nakakapanibago. O sige na, sa tingin ko mas maganda yung may napagbubuhusan ako ng saloobin ko..

Hinawakan ko ang kamay ni Hannah at tumingin sa kanya ng diretso.

"Hannah, ano bang gagawin ko sabi ko nang nakapuppy face.

"O tingnan mo, napaamin ka rin sa wakas, alam mo ba, gawa gawa ko lang yung mga sinabi ko kanina? Napanood ko lang yun sa isang palabas, effective pala no, umamin ka bigla," sabay tawa. Nakakainis tong babaeng 'to, biglang nagbago ang expression ng mukha ko, parang gusto ko na talaga syang sabunutan.

"Nakakainis ka ha,"

"Ok lang yun, tutulungan kita, nandito lang ako pag gusto mo ng karamay, back up, masasabihan ng problema, wag mo lang akong utangan, ok?

"Ikaw talaga," napangiti nalang ako at niyakap sya. Mahal na mahal ko talaga tong kalog kong kaibigan. Hindi mo iisiping ganito sya kakulit dahil ang ganda ganda nya, parang inosenteng inosente ang pagmumukha pero pag nakausap mo, hindi ka na titigilang kulitin.

"Ok, Hannah, ano nga pala yung sinasabi mo kanina? Yung tungkol kay Travis? Sa tingin mo ba gusto ni Travis yung babae?" tanong ko.

"Sa tingin ko, yung babae lang yung patay na patay kay Travis,"

"Ganun, anong gagawin ko?"

"Basta, wag kang susuko, ok? Hindi imposibleng magustuhan ka rin ni Travis no, at mas maganda ka dun sa babaeng yun, makapal lang sya magmake-up, yun lang ang panlaban nya, eh ikaw, natural beauty, kahit walang borloloy, bongga!"

"Talaga? Sige, hindi ako susuko, makikita ng Travis na 'yan,"

"That's the spirit!"

***

Nandito na ulit ako sa kwarto ni Travis. Nauna na ko dito, hindi kasi kami magkasabay ng uwian ngayon. Nagpaalam na naman ako sa kanya na didiretso na ko dito.

Ilang minuto lang, dumating narin sya, pagpasok nya, nagulat ako, may kasama syang babae? Nanlaki talaga ang mata ko sa nakita ko. Naisip ko, kung wala ako dito ngayon, ano kayang mga gagawin nila? Bakit sya nag-uwi ng babae dito?!

"Roni, nandyan ka na pala, si Chanel pala, Chanel, si Roni, sya yung sinasabi ko sayo," -Travis.

"Hi," bati sakin ni Chanel na kumakaway pa at nakangiti, di ko alam kung totoong ngiti yun ah.

HIS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon