Chapter 3 SWEET GIRL

33 4 0
                                    

His POV

Good morning. It's my parents 20TH wedding anniversary at nandito ako ngayon sa isang jewelry shop para bumili ng gift.

Wala namang bonggang paparty mamaya, just a family dinner with some friends at mga katrabaho nila. And I also invited some of my friends, like Chad, Kristian, and Joseph.

Habang tumitingin-tingin at pumipili ng pwedeng ibigay kila Mom, biglang nagring ang phone ko.

"Hi, son," bati sakin ni Mom.

"Hi, mom, happy anniversary,"

"Oh thanks, tumawag ako para ipaalala sayo na sunduin mo si Roni mamaya ah, para naman safe sya papunta dito, ok?" paalala nya.

Oo nga pala. Buti nalang napaalala sakin ni Mom, dadaan ko pala sya mamaya.

"Ok mom,"

"Sige, ituloy mo na ang pagpipili mo ng gift, don't forget my favorite color," pabiro nyang sabi. Grabe, lakas nya namang manghula.

"Haha, ok po,"

Pinaalalahanan ko na rin si Roni para mamaya, I texted her.

From: Travis

To: Roni

Good morning, 7pm kita susunduin dyan ha :)

Pagsend ko nun, ilang minuto lang, nagreply na sya agad.

From: Roni

To: Travis

Ok.

Hindi na ko nagreply, ano namang marereply ko sa "Ok"?

***

6:45pm, nasa bahay na ako nila Roni, sya lang mag-isa dito, kasama ang mga maids. Ang alam ko minsan lang umuuwi dito ang mga magulang nya, at ang dalawa nyang kuya ay may kanya-kanya naring pamilya. Dalawang beses ko pa nga lang sila namemeet eh.

"Sir, pababa na po si Ma'am," sabi ni manang Lydia.

"Ok po, salamat,"

Habang pababa sya ng hagdan, I saw her outfit. Naka-pink dress at nakakulot ngayon ang buhok nya. Well, anlaki ng pinagbago nya ngayonng gabi, sana ganyan nalang lagi sya pumorma. Ewan ko ba kung bakit lagi nalang sya nakaT-shirt at jeans, kayang kaya naman nya magsuot ng mas magaganda.

Yun naman kasi ang gusto ko sa babae, yung eleganteng tingnan. Baka naman wala syang oras mag-ayos?

"Hello," bati nya

"Ah, hi, let's go?"

"Tara."

Habang nasa sasakyan kami, napag-usapan namin ang magiging set up namin mamaya sa harap ng marami.

"Uhm, Roni, pwede bang maging sweet ulit tayo sa isa't isa mamaya?" you know what, it takes me so much courage to say that. Awkward.

"Ok, sige, no problem," buti nalang madali syang kausap.

Pagtapos nun, tahimik na ulit kami hanggang sa dumating sa venue.

***

"Hi, tita, tito, happy anniversary po," bati ni Roni kila Mom and Dad sabay abot ng regalo nila. Binati ko narin sila at inabot ang gift ko.

"Thank you, you look so pretty tonight, ha," -Mom

"Thank you po," and smiled.

HIS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon