Part V

112 1 0
                                    

Uhm. Araw na 'to? Puno ako ng selos. Pano ba naman yung babaeng yun, nagbreak lang kami e, linandi na agad! tsk tsk. nakaka'asar! Ang sarap sampalin. tsk tsk. Pasalamat siya mabait ako. Hahaha. Jks! :P Walang basagan ng trip po. Hahaha.

2nd subject:

Nagtransfer ako ng seat kasi wala akong book. Pumunta ako kina JR. Nasa harap ko si MDJ.
Tapos may tumabi sa kanya. Yung kasama naman nung babaeng iyon e, tinutulak siya papunta kay MDJ. Nakakainis >___________< Daming malalandi ngayon. Nagbreak lang e, lumandi na. Pero si MDJ, tingin ng tingin sa amin. Yung kasama ng MALANDING BABAE na iyon, napakasama ng tingin. Bakit di niyo tanggap? Na ako parin MAHAL NIYA? Hahaha. UMASA KAYO! Ah. Back na tayo. Ayun nga masama ang tingin nila sa akin dahil dun pero I dont mind them. Nakita ko yung daliri ni MDJ. Ang hahaba ng kuko niya kaya sinabi ko na...

Ang haba ng kuko mo! Magnail-cutter ka nga!

Narinig ni Alliah yung sinabi ko. Syempre magkatabi kami. Hahaha. Kaya ayun sabi niya...

Ba't di niyo na lang ibalik sa dati?

Tumalikod si MDJ at ako rin tumingin sa likod. At humarap ulit kay Alliah sabay sabi...

Di na pwedeng ibalik. (Sabay Fake smile)

Eh. Mas naganda pag kayo ulit! :) Di ba Jan? ~ Alliah

Di na ako makapagsalita -_______- Ish!
Ba't ba kasi kami nagbreak? Hahaha. Joke! :P

4th subject:

May pinasagutan sa amin si Sir dahil busy sila. Share share kami ng book dahil hindi ko nadala. (Sinadya ko lang talaga na hindi dalhin, pabigat sa bag. Hahaha. TAMAD ko noh!) Ako, pumunta sa likod kung saan nandun yung mga Friends ko. Si MDJ naman nandun parin sa upuan niya. Di niya maiwan-iwan eh. Hahaha. Paglingon ko sa kanya nakita ko yung isang malanding babae rin na tumabi kay MDJ. Naiinis talaga ako! Tapos alam niyo ba, para siyang Linta! Dikit siya ng dikit! Nakaka'asar na>________< Nang makita ko yun gusto kong umiyak. Sabay nun, pinakanta nila yung Enough by Julie Anne San Jose. Nkarelate naman ako sa Lyrics niya. Uhmm.

After Lunch.

1st subject:

Tinago niya yung ink ng ballpen ni JR. Inis ako kasi di niya ako pinapansin. Kaya nung nakita ko yung ink sa tabi ng bag niya sa table, kinuha ko ito at itinago. Ibibigay niya na dapat pero napansin niyang wala na yung ink ng ballpen sa tabi ng bag niya..

Alah. Jan! Nawawala yung ink! ~ MDJ

Palihim akong tumatawa. Sama ko rin noh. Hahaha. Urgggg!!

Jan. Wala talaga. Nakalimutan ko kung saan ko inilagay! ~ MDJ

Di ko napansin na tumatawa na pala ako ng medyo malakas kaya napansin nila na nasa akin.

Oh! Jan. Na sakanya ata! Tumatawa eh! ~ MDJ

Halah Jan! Wala sa akin! ~ Ako

Louie! Bigay mo na kasi! ~ Jan

Wala talaga sa akin(Pagsabi nun nagpaseryoso ako kahit gusto kong tumawa. Hahaha)~ Ako

Kinukulit ako ni MDJ kasi pinapagalitan na siya ni JR or Jan. Hinahawakan niya yung kamay ko tsaka yung bewang ko. Hahaha. Nanananching ata sa akin. Hahaha. Ako naman may kiliti sa bewang kaya pag may humahawak nakikiliti agad ako. Hahaha.

Bakit? ~ Ako

Bigay mo na kasi. ~ MDJ

Wala nga sa akin eh! (sabay talikod) ~ Ako

Ayun. Inulit na naman niya yung pangungulit niya sa akin. Hahaha. Syempre natutuwa naman ako. :"> Echos lang! Hahaha. Hanggang sa di ko na nakayanan. Eh kasi nga may kiliti nga ako sa bewang. Hahaha.

Tumayo ako at dun nahulog yung ink ng ballpen at kinuha niya naman. Hahaha. :))) Sana palaging ganun. Hahaha. At sana wala ng malandi dito sa mundo. tsk tsk.

Bestfriend ko ang Ex-BoyFriend Ko :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon