Prologue

93 5 0
                                    

"Class dismissed."

I finished the last sentence of my essay and hurriedly stood up to pass my paper to our professor before he can even step out of our classroom.

"I'm sorry it's late, Sir." I said, bowing my head a little to show sincerity and respect.

He accepted my paper and put it on top of the others on his hand before saying, "This is the last time, Ms. Santos. You may go."

I nodded and went back to my seat to fix my things so I could leave.


"Shaira, may meeting tayo ngayon kina Angela. Pupunta ka ba?" Ani Dianne, and best friend ko.

"Paki sabi na lang kay Angela, sorry. May trabaho ako ngayon kay Ate Barbs, eh. Di bale, babawi na lang ako bukas," pangangatuwiran ko bago ko sinabit ang bag ko sa balikat ko at binitbit ang mga libro na natira sa mesa.



Tumango sa akin si Dianne at kumaway na lang ako bilang senyales ng pagpapaalam at tumungon na papalabas.

Iniwan ko ang mga libro ko sa locker at tinira lang yung mga subjects na may quiz kami bukas.

Nagjeep lang ako papunta sa bistro ni Ate Barbs, 'yong pinsan kong nagpapa-aral sa akin.

Siya rin ang nagpapabahay sa amin ng kapatid ko at siya din ang tumutustos sa pangangailangan namin.

In exchange for all of these, I have to work and help at her bistro.

Buti na nga lang at scholar ako at ang kapatid ko kaya hindi kami masyadong nagiging pabigat sa kanya.

Nang makababa ako ng jeep ay mabilis akong pumasok sa bistro at bumati sa mga katrabaho ko doon.

Agad ko namang nakita si Ate Barbs na kumakaway sa akin, "Ate Barbs!"

Dali-dali akong lumapit sa kanya at bumeso.


"Ano ka ba, Shaira, ang pawis pawis ko tapos pabeso-beso ka pa dyan!" Aniya na mukhang natatawa pa. Ngumiti lamang ako sa kanya.

"Oh, alisin mo na 'yang salamin mo at magbihis ka na doon. Susunod ako para ayusan ka. Bilisan mo at hinihintay ka na ng mga suki natin." Tumango ako at agad na sumunod sa gusto niyang mangyari.


Pumasok ako sa worker's station ng bistro at tinago ko nang maingat ang salamin ko sa bag bago kinuha ang mga contact lens na nakapatong sa mesa.

Mahirap na, baka mabasag ko pa eh wala naman akong pamalit.

Nilagay ko isa-isa yung gray na contact lens sa mga mata ko at tumitig sa salamin.

Lagi talaga akong namamangha sa kung gaano kalaking pagbabago ang nabibigay sa akin ng mga contact lens na 'to.

Pinilig ko ang ulo ko para tigilan ang pagtitig sa salamin kasi hindi naman ako magkakapera doon sa ginagawa kong 'yon.

Isinuot ko yung dress na naka-hanger sa pinto.

It's a floral off-shoulder maxi dress. Below it is a pair of pink stilettos.

Pumasok naman si Ate Barbs at agad na ngumiti nang makita akong suot iyon, "sabi ko na nga ba at babagay sa'yo, eh,"

Ngumiti naman at at sinimulan na niya akong ayusan.

She braided my hair, waterfall style. She applied press powder on my face. A light brush of cinnamon-shaded blush on, some mascara and some lip gloss and I'm ready to go and do my thing.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon