Dumating kami sa office ng Inked, ang official publication ng University namin. Ewan, pinapatawag daw ako eh. I am a photojournalist, baka naman may event silang ipapa-cover sa'kin.
This is where I got my scholarship from. Hindi ako ganong katalino para makakuha ng academic scholarship kaya sinigurado ko nung highschool ako na lahat ng contests tungkol sa photography ay nasalihan ko at naipanalo ko. At dahil hindi naman ako bobo, nabigyan ako ng fifty percent scholarship grant pagtungtong ko ng college.
"Good afternoon po, Sir, Ma'am," bati ko nang makita ang mga moderator namin doon sa loob.
"Upo ka, Ms. Santos," ani Sir kaya naman sumunod ako at umupo sa swivel chair na nasa tapat nila.
Sa gitna namin ay mayroong table at nakapatong doon ang iilang mga papeles.
Inabot sa akin ni Ma'am ang isa doon at nakita kong isa itong sulat.
"Magkakaroon ng contest sa Tagaytay. Radio broadcasting, feature writing, editorial writing, at photojournalism. Hindi makakasama 'yong pambato natin sa seniors dahil ng NCAA kaya nagdecide kami na ikaw na lang ang ipadala," ani Sir.
Nang makita ko ang date ay agad akong umiling at nagsalita, "Pero three weeks na lang po bago magfinals. One week pa po ang nakalagay dito. Ano pong ipapasa ko kung buong week next next week ay wala ako?"
Ngumiti sila sa akin bago hinawakan ni Ma'am ang kamay ko ay sinabing, "Take that bacon home and you're exempted from all your subjects. Perfect ka na, dean's lister ka pa, nakapunta ka pa ng Tagaytay."
Nanlaki ang mata ko doon. Talagang nakapanghihikayat ngang pumunta kung ganoon!
"Paano po kung talo? Or second or third place? Or basta may place lang?" Tanong ko. It's a national competition, ayokong makampanteng mananalo nga ako!
"Second place means exempted ka na sa lahat ng requirements that week, pero kailangan mo pa rin i-take ang finals mo. 'Pag naman may place ka lang, additional points sa final grade mo ang idadagdag, depending sa nakuha mong place. Pero 'pag talo ka, your profs will give you consideration sa deadlines pero kailangan mo pa ring i-take at ipasa lahat ng na-miss mo."
Binabasa ko ang nakasulat doon sa papel habang nag-iisip.
May inabo pa sa akin si Ma'am na isa pang papel pero makapal ito. Guidelines ata at procedures at kung ano-ano.
"Drop by here tomorrow at nine and tell us if you're interested, you may go," ani Sir at tumayo na ako at umalis.
Mayroon akong pasok tuwing Sabado. Alas diez iyon hanggang alas dose ng tanghali. Papasok na lang ako ng maaga para sumipot.
Bumalik ako ng classroom at nakita kong konti na lang ang tao doon. Tapos na kasi ang klase kaya siguro ay nag-uwian na yung iba at lumipat naman ng classrooms ang iba.
Nilagay ko sa loob ng filecase ko yung sulat nang patihaya para nababasa ko pa rin ito. Lumabas ako para mag-iwan ng mga libro sa locker at tinira lang 'yong kailangan ko bukas.
Medyo maraming estudyante sa block. Ang ilan ay pauwi na, ang iba naman ay nakatambay pa. Mayroon pang bumati sa akin kaya tumango na lang ako bago ko binalikan ang bag ko.
Tinali ko muna ang buhok ko bago nagpasyang pumunta na sa bistro.
"Hi Shai!"
BINABASA MO ANG
Game Of Love
RomanceShaira Veronica Santos lived as an orphan together with her younger brother, Maki, and her cousin, Barbie. Their parents died in a car accident on their way home after celebrating their golden anniversary. She worked hard on her cousin's bistro to l...