Chapter 2

42 4 1
                                    

"Sige, Dianne! Thank you, uuna na ako." Nagbeso ako sa kanya at naglakad na paalis ng bahay nila


Kakatapos lang namin sa pagpractice ng report para sa isang araw at ako ang pinaka huling umalis. Nagkwentuhan pa kasi kaming dalawa sa kwarto niya.

Madilim na at wala nang masyadong mga sasakyan na dumadaan.

Si Genoah ang naghatid sa akin papunta kina Dianne kanina. Maghihintay pa dapat siya na matapos kami para maihatid ako pauwi pero tumanggi na ako kasi unang una, hindi ko naman siya driver at tama lang na kahiyaan ko ang ginagawa niya at pangalawa, dalawang kanto lang naman at nandoon na ako.

Narinig kong tumunog ang aking phone mula sa bag ko, hudyat na mayroong tumatawag, kaya naman tumigil muna ako sa tabi ng isang street light para kunin iyon at sagutin.

Nang makita kong si Ate Barbs iyon ay mabilis ko 'tong sinagot.


"Hello, Ate?"

"Hello, Shai? Shai! Shai, yung kapatid mo, si Maki," nagpapanic na pagbungad sa akin ni Ate Barbs.


Agad akong kinabahan na marinig ko 'yon.


"Bakit, Ate? A-anong nangyari kay Maki?" Nauutal kong sabi.


Sobra-sobra ang pag-aalala ko nang biglang natapos ang tawag. Hindi ako mapakali.

Nagulat ako nang magvibrate ang phone ko. Isang mensahe ang natanggap ko mula kay Ate Barbs.

Natataranta ko itong binuksan at nanlamig ako nang mabasa ko ito.

Nakalagay doon a mensahe na nasa ospital sila at kung saang ospital iyon.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Pupunta ba muna ako sa bahay para magbihis, maghihintay ba ako dito ng tricycle, pupunta ba ako sa sakayan ng jeep para mas mabilis, kung ano man ay hindi ko na alam.

The next thing I knew, I was dialing Genoah's number.


"Hmm?"

"H-hey, uhm, can you, uhm, p-pick me up?"


Sasabihin ko pa lang kung nasaan ako ay nagulat ako nang makita ko ang kanyang sasakyan na tumigil sa harap ko.


"Hop in," he said on the phone.


Mabilis kong pinatay ang tawag at pumasok sa harap.

Sinabi ko agad sa kanya ang ospital at mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan papunta doon.


"Oh thank God, you're a life saver," I mumbled.


My mind was easily fogged up of thoughts I'd rather not think of.

Nawala lang ang mga iyon nang maramdaman ko ang kanyang kamay na nakapatong sa kamay ko na nagpapahinga sa aking hita.


"Look at me, Shai," he said and so I did.

Lumingon siya sa akin bago nagsalita, "Relax, okay?"


Sandali pang nagtagal ang tingin ko sa kanya bago ako tumango.

Sana nga.

Nang ibinalik niya ang tingin niya sa daan ay napahawak ako sa aking upuan nang magswerve siya.


"What the hell, Genoah?" Sigaw ko.

"There was a dog!" He reasoned out.


Naka kunot ang noo kong umiling na lamang at tumitig sa labas.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon