The due date of the letter of confirmation came and I immediately passed mine the moment I woke up.
I don't know if this is a great idea or a stupid one. Whatever happens, come what may.
Sinabi ko na rin sa moderators na sasama ako sa contest sa Tagaytay.
Nakita ko kasi sa letter na may kasama rin palang cash prize iyon kaya talagang naengganyo akong sumali. Iniisip ko rin syempre yung kapatid ko.
Speaking of, na-discharge na siya sa ospital kahapon at nagdecide ako na umabsent muna ngayon para maalagaan siya lalo na't wala siyang kasama dito sa bahay.
Pero sa kasamaang palad, nagkabaliktad kami ng sitwasyon. Siya iyong nag-aalaga sa akin imbis na ako ang nag-aalaga sa kanya. Nilalagnat kasi ako. Umulan kasi kahapon at medyo nabasa ako nung sumakay ako ng jeep papuntang bistro.
"Magpahinga ka muna, Ate. Tatawagan ko si Ate Barbs at sasabihan ko lang na magdala dito ng pagkain natin galing sa bistro. Uuwi naman iyon siguro ng maaga dahil parehas tayong may sakit."
Kahit na nakakahiya kay Ate Barbs iyong gagawin ni Maki ah wala akong ibang nagawa kundi tumango. Naprito ko na rin kasi yung huling tuyo at itlog kaninang tanghali.
Itinaas ko ang kumot sa may leeg ko at umidlip.
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Sinilip ko kung sino iyon at nang makita ko ang pangalan ni Dianne ay mabilis akong sumagot.
"Hello?"
"Wow, Shai, record mo ah? Walong missed call bago sumagot." Bati niya.
"Sorry, I was sleeping." My voice was kinda husky.
"Yeah, yeah. Anyway, di ka nagrereply sa text ko kung bakit ka absent kaya si Maki tinanong ko. Nilalagnat ka daw?"
"Mmm, yup. 38.4." Sagot ko at pinatong ko yung braso ko sa noo ko.
"Ah. I'm on my way papunta dyan sa inyo. I brought food. Pasalamat ka at Wednesday ngayon, maaga uwi ko."
I chucked, "thanks, Dianne."
Matapos niyang magpaalam ay pinatay ko na yong tawag at tumayo para magbihis ng medyo mas maayos na pambahay.
Medyo nahihilo pa ako habang naglalakad. Lumingon ako sa orasan sa tabi ng aking kama at nakitang alas kwatro na pala.
I pulled out a black floral boxer shorts from my drawer and a black pull over with a while calligraphy writing that says 'queen'.
Nagsipilyo ako at nagsuklay ng buhok. Sinilip ko kung nasaan si Maki at naabutan ko siyang natutulog sa kwarto niya.
Nakarinig ako ng katok kaya agad akong lumabas para daluhan ang aking bisita.
I was shocked that she wasn't alone. There, standing right in front of my door was Dianne, with some take out bags in one hand and her bag with the other, and Kairo, who was casually chewing a bubble gum while hanging a strap of his backpack in one shoulder.
"I hope you don't mind..... Gusto niya daw sumama, e." Ani Danica.
I unconsciously nodded and gestured them in. Kinakapatid ni Dianne si Kairo.
"Pasok kayo."
Nakita kong bumaba ang lingin ni Kairo sa katawan ko.
"Shorts too short, Shai, go change." Bulong niya.
Kahit na medyo nahihilo ako ay mabilis akong nagpalit ng boxer. I wore a plain grey leggings instead. He's right, anyway.
"Better," he said when I walked out.
Nakita kong nilalabas ni Dianne iyong mga take outs na dala niya kaya tinulungan ko siya doon. Narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan ni Maki at nakita ko siyang kinukusot pa ang mga mata.
Nang makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa akin at humawak sa leeg ko.
"Lagpas ka na sa oras. You were supposed to drink your meds an hour ago, did you?" Nakasimangot siya.
"Sorry," sabi ko at nagkamot ng batok. "Nakatulog kasi ako."
He nodded, "My fault, then."
Magsasalita pa sana ako nang iniluwa ng pintuan namin si Ate Barbs. Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya nang makita niyang maraming tao sa hapag.
Lumapit ako sa kanya at mabilis na lumipat sa akin ang atensyon niya.
"Sorry, Ate. Mga kaibigan ko sila, dinalaw ako."
She smiled, "Ah. Kumusta ka na?"
Sinabi kong may lagnat pa rin ako. Sumimangot siya at hinawakan ang leeg ko. Pinagsabihan pa niya ako nang sabihin ni Maki na nalipasan ako ng gamot.
Ngunit para mabaling ang atensyon niya ay pinakilala ko sa kanya si Dianne at si Kairo. Maliksing nakipagbeso si Dianne sa kanya samantalang si Kairo ay tumango lamang.
Sinama niya sa mga nakahain iyong mga pagkaing dinala niya galing sa bistro. Ayan, ang dami tuloy masyadong pagkain para sa aming lima.
Umupo na kami sa bilog na hapag para kumain. Katabi ko si Dianne at si Maki. Katabi ni Maki si Ate Barbs at katabi naman ni Dianne si Kairo. Walang nakaupo sa tapat ko.
Maingay kami habang kumakain. Bukod sa tunog ng aming mga kubyertos na tumatama sa plato ay nakabukas din ang telebisyon.
May sariling kwentuhan si Ate Barbs at si Maki at paminsan minsan ay tinatanong nila ako. Kami naman ni Dianne ay may sariling usapan rin. Madalas ay sinusubukan ni Dianne na isali si Kairo sa usapan ngunit nananatili siyang tahimik.
Pina inom ako ni Ate ng gamot pagkatapos at pinagpahinga na sa kwarto. Si Dianne naman ay tumulong sa kanya sa pagliligpit, habang si Maki ay pinagpahinga na rin niya.
Sumunod si Kairo sa aking kwarto at binuksan niya ang electric fan at ang mga bintana ngunit pinanatili niyang naka sara ang screen nito para walang insektong makapasok.
"I got this from Dianne, notes at lectures." Aniya at inabot sa akin ang ilang pirasong papel.
Nagpasalamat ako at tinago iyon sa bag ko. Nagpaalam siyang lalabas siya sandali para kumuha ng tuwalya at tubig.
I lied down at reached my phone. Nakita kong mayroong iilang kumusta at tanong ng aking mga kaklase sa iba't ibang subjects doon. Isa isa ko itong sinagot.
Pumasok si Kairo dala dala ang mga ipinagpaalam niya. Umupo siya sa tabi ng kama ko at binasa iyog tuwalya bago piniga at ipinatong sa ulo ko. I felt the cold towel in my forehead. He just smiled.
Nakita kong may isa pang mensahe sa aking cellphone.
From: Genoah
Can I call?
To: Genoah
Okay.
Nang magring ang cellphone ko ay nagpaalam si Kairo sa akin dahil uuwi na raw sila. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya bago kumaway bilang pamamaalam. Tumango lang siya at ngumiti bago lumabas ng kwarto. I stared at my phone for a few seconds before I answered Genoah's call.
"Hey....." Malamig kong sabi.
"Hi."
None of us spoke for more than a minute. There was pure silence on the line. Akala ko pa nga ay pinatay na niya yung tawag. Kaya naman nang magsalita ulit siya ay halos mabitawan ko ang phone ko sa gulat.
"Akala ko pa naman ay kailangan mo ako ngayong may sakit ka," he said in a soft voice as he let out a small chuckle.
Magsasalita na sana ako nang bigla ulit siyang magsalita.
"Well, he's been taking care of you properly so I guess you don't need me there. Good night, Shai."
And there I was, left dumbly looking at the screen that was flashing Genoah's name, stating that he's calling me.
I have a habit, and it's called trying to play scenes inside my head that could possibly happen before I do something.
BINABASA MO ANG
Game Of Love
RomanceShaira Veronica Santos lived as an orphan together with her younger brother, Maki, and her cousin, Barbie. Their parents died in a car accident on their way home after celebrating their golden anniversary. She worked hard on her cousin's bistro to l...