Chapter 5

20 3 0
                                    

Buong umaga kong pinag-iisipan ang mga susunod kong gagawin sa buhay ko. Nakaka baba ng digninad bilang isang tao, at lalo na bilang isang babae, ang gagawin kong pag patol sa naka lagay sa sulat ma 'yon. Ngunit hindi ko rin naman pwedeng ipaubaya na lang kay Ate Barbs ang pagbayad sa lahat ng gastusin ni Maki sa ospital. Kung may magagawa akong paraan na pag tulong, kahit ano pa man 'yon ay dapat gawin ko iyon.

Sa ngayon, mas importante ang kapatid ko, at mas importanteng hindi kami lumubog sa utang kesa sa dignidad ko. Kasi pag nangyari 'yon, hindi ko alam kung saan kami pupulutin.

Nawindang pa nga ako nang magprisinta si Genoah sa amin ni Ate Barbs kagabi na sagot na niya iyon.

Baliw ba siya? Syempre tumanggi kami. Pamilya dapat ang sasagot sa pamilya, hindi manliligaw o ano pa man.


"Shai," narinig kong pag tawag sa akin ni Dianne at ang paglapit niya sa upuan ko pagkaalis nung huli naming professor.

"Bakit?"

"Sa last subject na iyong presentation ng grupo natin ng report, diba? Nagsuggest si Chie na magworking lunch daw tayo mamaya para ma-polish natin kung paano tayo magpe-present mamaya, lalo na't may mga invited guests pa daw galing sa ibang course, dapat hindi tayo mapahiya. Tayo pa naman ang una," aniya.

Tumango ako. Magandang ideya nga iyon. "Sige."


Kaya naman pag dating ng alas dose ay mabilis akong nagligpit ng gamit para hindi ako maiwanan ng aking mga kagrupo sa pag-alis.

Kinalabit ko si Dianne at sumenyas sa isa sa mga stall sa canteen para sabihing bibili lang ako.


Tumango naman siya, "Sama ako."


Pumila kami sa bilihan ng fries nang mapansin namin na 'yon ang may pinaka maigsing pila. Syempre, tanghalian, kanin ang dinudumog ngayon.


"So, how's Maki?" Tanong ni Dianne.


Syempre, dahil best friend ko siya, updated siya sa nangyayari sa buhay ko. Alam niya kung anong nangyari kay Maki.


"Successful naman yung operasyon sa kanya," simple kong sagot.


Kahit na best friend ko siya, hindi ko masabi yung mga problema ko sa kanya. Ayoko kasing nagiging pabigat ako sa mga taong naka paligid sa akin.

Fries lang yung binili namin dahil nga magpa-practice kami. Madali lang kainin, hindi masyadong sagabal kung kailangang magsalita.

Bumalik kami sa table at nakita naming naka set up na ang laptop ni Angela, si Chie naman ay nagpa-practice na nang tahimik at si Benjie naman ay nags-scan nung mga auestions na maaring itanong sa amin. Syempre, kailangan naming paghandaan 'yon. Nilista namin iyon nung nagmeeting kami kina Dianne.


"Start na tayo," sabi ni Angela.


Naka upo kaming nagreport kasi nakakahiya naman kun tumayo pa kami dito sa canteen.

Maayos kong naisaad yung linya ko. Ganun din ang mga groupmates ko. Tapos ay ni-review pa namin yung mga isasagot namin sa mga pwede nilang tanong kaya medyo kampante na kami na makakaperfect ang grupo namin. 

Labing-limang minuto na lang bago kami bumalik sa klase nang magpaalam si Angela at si Benjie na bumili ng makakain namin para naman daw hindi kami mga gutom 'pag nagreport mamaya.

Naglalagay ako ng mga animations sa powerpoint namin nang kinalabit ako ni Dianne at nagpaalam na magc-cr lang daw siya.

Tumango ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Si Chie naman ay tahimik na nakatingin sa ginagawa ko.

May narinig akong malakas na tumikhim sa gilid kaya nag-angat ako ng tingin doon. Naabutan ko ang seryosong titig ni Kairo na binaling rin niya agad kay Chie. Kumunot ang noo ko.


"Anong kailangan mo?" Napalingon ako kay Chie nang marinig ko ang galit niyang boses.


I've never seen her angry before, she's usually sweet and girly you could almost imagine rainbows and butterflies appearing behind her wherever she walks.

Kaya naman ay mas lalo akong nagtaka sa kinikilos ng dalawang 'to.

Kaninang umaga ay kaaway ko ang sarili ko dahil ayaw kong sumingit at makigulo sa relasyon ng ibang tao. Malinaw na malinaw sa klase namin na girlfriend ni Kairo si Chie at boyfriend ni Chie si Kairo. Pero ngayon ay nalilito na naman ako.

Just because they're fighting, it doesn't give you the right to enter their relationship, Shaira.


"Chie, let's talk." Kairo's cold voice sent shivers down my spine.


Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Chie na dumapo sa may braso ko na parang humihingi sa akin ng permiso.

Tiningnan ko siya nang mabilis saka ko nilingon ng isang beses si Kairo bago ko muling ibinaling ang tingin ko sa screen ng laptop at lumunok ng isang beses. Tumango na lang ako.

Nasa sulok naman ang lamesa namin at katabi nito ay garden kaya malaya silang nag-usap doon. Kahit na rinig ko ang pag-aaway nila dahil sa pagtataasan nila ng boses ay binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy na lang sa paglalagay ng animations.


"What do we have here?" Sabi ni Dianne nang umupo siya sa tabi ko at kumuha ng ilan sa mga biniling pagkain nina Angela.


Nakatingin sila sa dalawang nag-aaway at para bang nakikinig pa sila sa sagutan ng dalawang 'to.


"Anong nangyari, Shai?" Tanong ni Angela.


Nagkibit balikat ako sa kanya nang hindi inaangat ang tingin mula sa screen. Whatever it is, it's their business.

Natapos ako nang limang minuto na lang bago magsimula ang klase namin. Lumingon ako kay Chie na pulang pula ang mula sa kakaiyak dahil sa pag-aaway nila ni Kairo.

Away lang, iyak na?


"I know it's hard for you, Chie, but please don't let this affect our presentation," ani Dianne.


Tumango siya at tahimik na humikbi. Inaalo naman siya ni Angela.

Naglakad na sila pabalik sa classroom namin at ako naman ay bumili ng tubig bago tumulak papunta doon.



"You do great," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita kong si Kairo 'yon!



Mabilis niya akong nilagpasan at diretso nang pumasok sa classroom namin. Kumunot naman ang noo ko.

Balit siya naroon?

Pumasok ako ng classroom mula sa back door at nakita kong hindi siya nag-iisa.

Naroon din si Genoah.

Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo para lapitan ako.

Anong ginagawa nila dito?

Nagtaas ako ng kilay sa kanya ngunit wala siyang ibang ginawa kundi ang yakapin ako nang mabilis.


"Good luck, Shai," bulong niya at bumalik na sa upuan bago ngumiti sa akin.


Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kairo sa kanya at ang pabiro namang sapak ni Genoah sa balikat nito. Lumingon naman ako sa mga kaklase namin para malaman kung may nakakita ba doon sa ginawa ni Genoah sa akin ngunit parang lahat naman sila ay busy sa paghahanda sa report.

Mayroon pala, isa.

Si Dianne. At sinalubong pa talaga niya ako ng isang mapanuksong ngiti.

Nagtaas na lang ako ng kilay sa kanya at umiling.


"Andyan na si Sir!" Sabi ng isa kong kaklase na siya namang naka upo sa tabi ng pintuan kaya mabilis akong naglakad patungo sa upuan ko at umupo na.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon