"Wow! Ang ganda-ganda mo naman Mike!"
Ngumiti naman ang pinuri at lumapit."Salamat Jan ha, oh ikaw ba't di ka pa nagbihis?"
Parang nais nang yakapin at hagkan ni Jannah si Michaella. Bakit parang nahe-hepnotze na naman siya ngayon tulad nung una niyang makita si Michaella?
Siya na itong nagkakagusto sa dalaga. Samantalang siya'y dalaga rin?Ipinilig niya ang ulo, ayaw niyang isipin ang kung anu-ano. Kaya isinuot na rin niya ang para sa kaniya. Isang mint green na V-shape sa likod at harap ang tabas.
Tumingin siya sa salamin upang mapagmasdan ang sarili.
Si Michaella naman ay mas lalong humanga sa alindog ng dalaga."Wow! Youre the one of hot babes Jan! Ang ganda-ganda moh! Bagay na bagay sa'yo!"
Nagningning naman na parang bituin ang kislap ng mata ni Jannah."I'm sure, pagkakaguluhan ka ng mga boys sa labas, pati na nga siguro mga girls ay maiinlove sa'yo... isa na ako, " ngunit 'di iyun isinatinig ni Mike.
Totoo naman eh.
Perfect Vital Statistic siya! /36-24-36/!
Kahit pa na maliksi ang kilos niya pagdating sa kurso niya. Binibining-binibini pa rin ang kilos niya.Sabay silang lumabas. Lahat ay isa ang nasa-isip. Paghanga, pagnanais, pagnanasa at kung anu-ano pa.
Nagtoast ng champagne ang lahat bilang hudyat ng pagsisimula ng kasiyahan.
'Di nagtagal ay tumugtog na ang orchestra.
Pumagitna ang ilan.
Nanatili lang sa upuan sina Jannah at Michaella.
Ang binata naman ay umiinom habang may ka-kwentuhan.
Nang sumunod ang isang sonata, sweet ang pumailanlang.
Niyaya ng binata si Jannah.
Sumunod sya.
Nang nasa gitna na ng bulwagan, hinapit agad ang dalaga sa bewang. Naamoy nito ang alak na ininom ng lalaki.
Inaamoy-amoy ng binata ang buhok nito, at every moment she sway her hair, langhap na langhap ang aroma vitality. From head to toe, perpekto!
Nang mapalingon ang dalaga sa gawi ni Mike, panay ang tungga ng alak.
Natapos ang tugtog.
Ibinalik ng binata ang dalaga sa pwesto.Nagsalita si Jannah.
"Mike, tama na iyan, namumungay na ang mga mata mo oh. Kasisimula palang ng party, baka malasing ka na niyan.""Paborito ko kasi ang champagne na'to. Don't worry Jan, I'm fine."
Ngunit iba ang hinuha ni Jannah.Nagseselos kaya siya kanina ng isayaw ako ni Sir Emmanuel?
Tumugtog uli ang disco music. Lahat ay sumayaw. Tapos, sunod-sunod na ang mga hot music.
Wala namang sumuko para umupo. Laging kapareha ni Mike si Jannah.
Tila ayaw yata ipareha sa iba.
Nakaramdam naman ng kakaibang ligaya si Jannah.
Ayaw nya rin yata na magkahiwalay sila. Kaya wala ng naglakas-loob na makapareha ang sino man sa dalawa.Nang magkasawaan na sa pagsasayaw, nagkakayayaan naman na mag-night swimming sa beach. Kaya change wear ang lahat.
May kanya-kanya namang baon ng swimwear ang bawat-isa.
One piece swim suit ang isinuot ni Jannah na kulay silk yellow.
Kulay mandarin naman ang suot ni Michaella. Gaya ng inaasahan, halos maluwa ang mata ng ilan sa kasama.
Ngayon, litaw na litaw ang angking ganda ng dalaga.Nagsipaligo na ang lahat sa beach. Merong naghahabulan sa dalampasigan. May nakadapa sa buhanginan. May nagsasabunutan dahil sa kalasingan, pero wala lang katuwaan lang.
Meron ding nagsasabuyan ng tubig.Maaliwalas ang gabi. Medyo malamig ang simoy ng hangin,, pero maligamgam sa balat ang tubig alat. Nakatunghay ang makulamlam na liwanag ng buwan na medyo natatabunan ng ulap.
Nang magkasawaan na sa paglalangoy, nagspag-ahon na ang lahat.
Mag-aalas diyes na ng gabi ng mga oras na iyon.
Napansin ni Jannah na parang nag-iisa lang siya. Kinabahan siya.
Bumalik uli siya sa dagat para tiyakin kng nandoon parin si Michaella.
Tama nga ang hinala niya.
Paroo't-parito ang ginawang paglangoy.
Lmusong sa dagat si Jannah."Mike' ba't di ka pa umaahon? anong nangyari sa'yo ha?"
Pero tila yatang walang narinig si Michaella. Sumisid pa ito pailalim.
Sumisid na rin si Jannah, papunta sa kinaroroonan nya.
Tinanong ulit ni Jannah si Michaella satunay na pangalan nito."Michaella, ano bang nangyari sa'yo ha? Ba't ganyan ka?"
Sumagot si Michaella na nakahawak sa dalawang balikat ng dalaga.
"Ikaw ang dahilan Jan, kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Makinig ka saki'n Jan. Ito na marahl ang pagkakataon para malaman mo ang katotohanan. Ang tnay kong pagkatao. Aaminin ko na sa'yo 'to, dahil 'di ko na mapigilan ang nararamdaman ko.
Lesbian ako Jannah.""Sa simula pa lang iba na ang nararamdaman ko para sa'yo. Kaya Mike ang gusto kong itawag mo sa'kin, para maisip mo na lalaki ako. Jan, I want you since the first I saw you."
Napanganga naman si Jannah sa turan ni Michaella. 'Di makapaniwala sa mga sinasabi ni Michaella.
Ngayon, malinaw na sa kaniya ang lahat.Unti-unting inilapit ni Michaella ang mukha nito sa dalaga. Tila yata hindi tumututol si Jannah, bagkus hinihintay nito na makalapit ang labi nito.
Nang maamoy ni Jannah ang init ng hininga ni Mike, pumikit siya.Bigla, pinagsalikop ng labi ni Mike ang labi ng dalaga, na medyo nakaawang na.
Mapusok, pinagsisip-sip na wari mo'y kinukuha ang katas ng tamis.
Nakaramda ng kakaibang sensasyon si Jannah. Kay alab ng mga halik ni Mike sa kanya.
Langhap ang amoy alak na hininga ni Mike.Nagustuhan ito ng dalaga. Hindi na naisip ni Jannah na mali ang ginagawa nila.
Ang nasa isip lang ay ang kakaibang ligayang hatid ni Mike sa kanya.
Katunayan, tintgon na nya ang halik nito.Nang magkahiwalay sila, kapwa humahangos na parang nalulunod. Tiningnan siya ni Mike.
Tinanong siya nito.
"Jan you mean you want me too?"Tango lang ang isinagot ng dalaga.
Kaya naman, muling inangkin ang mapanuksong mga labi niya.
Banayad, maingat na may kalakip na pagmamahal.
Nang magkahiwalay uli, napansin nila na nasa tubig pa pala sila.