Bago pa man sila makarating sa kainan, sinabi ni Mike kay Jannah na kunyari hindi pa sila magkakilala. Ayaw ni Mike na pagkaguluhan siya. Nagpatiunag lumakad si Jannah. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod si Mike. Mangilan-ngilan pa lang ang mga kumakain doon.
Matapos makapag-order si Jannah, umupo siya sa pandalawahang mesa. After awhile, Mike asked to Jannah,
"Are you solo?"
"Yeah" as Jannah replied.
"Can I join you?"-Mike
"Sure!"
Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti. Pinagtitinginan di sila ng mga kumakain, pati na ang staff ng food chain na kung saan ay nagtatrabaho sina Jannah at Amanda.
Wala si Amanda ng mga oras na'yun sapagkat inutusan siya na mag-deposit ng kita sa bangko.
Si Jannah naman ay day-off niya. Nakita ni Jannah sa mga mata ng mga kasamahan niya ang pagtataka, ang paghanga sa kasama. Ngunit kampante lang ang dalawa.
Matapos kumain, sabay na silang umalis.
Sinabi nalang niya sa mga kasamahan na, naghahanap ng mauupahan ang dayuhang dalaga, at nagpapasama.
Totoo yun. Dahil 'yan ang pinag-uusapan nila habang kumakain.
Sa daan, naalala bigla ni Jannah na may ensayo pala siya. Ngunit sinamahan muna niya si Michaella na makahanap ng mauupahan.
Nakakita agad sila.
"KAPUS PALAD APARTELLE" ang nakatatak.Nangmaka-check-in na si Mike, "Ah, Mike sya nga pala, may ensayo pa ako ngayon, nakalimutan ko. Maiwan na muna kita ha, para makapagpahinga ka." -Jannah
"Ensayo saan?" -Mike
"NAg-aaral kasi ako sa Millenium Courses and Techniques, at Criminology ang kinukuha kong kurso."-Jannah
"WOW! Fantastic Course 'yan ha." sabi ni Mike,
"ilang taon ka na sa kursong iyan?""Nasa ikatlong taon na. Nais ko talaga na maabot ang pangarap ko eh."
"Kahanga-hanga ka naman" turan ni Mike
Ngumiti si Jannah.
"Pwede ko bang panoorin ang ensayo mo"
"Pwede, kaya lang baka mainip ka eh."
"Bakit, ilang oras ba ang ensayo mo?"
"May isang oras at kalahati."
"Oh,di naman pala gaanng matagal eh. Sama mo na ako."
ang pagppumilit ni Mike.