Habang nasa daan, nagtatanong ang isip ni Jannah
"May pagtingin kaya sa akin si Mike?"
Ipinilig niya ang ulo upang maitaboy saglit ang bumabalisa sa kanya.
Ang kailangan sa ngayon ay maka-pokus siya sa gaganaping kompetisyon.
Magkatabi sa upuan si Jannah at Jolina. Nasa kabilang upuan naman ang instructor/trainer nila na si Emmanuel Macho.
Panay ang sulyap nito kay Jannah.
Hindi naman ito napansin ng dalaga.
Nakaidlip si Jannah sa bus.
Nang magising, nakasandal na siya sa isang matipuno at malapad na balikat.
Sigurado siya talaga na Hindi balikat ni Jolina na katabi niya kanina.
Nang magtaas siya ng ulo, nagulat siya!
Katabi na niya si Emmanuel.
"Pa-paanong? ."
"Ssshh.. Matulog ka muna ulit, malayo pa ang byahe natin." sabi ni Emmanuel.
Pinahilig niya ulit ang dalaga sa balikat nito.
Ngunit, sa halip na sumunod, biglang umupo nang tuwid si Jannah.
Di nalang siya pinilit ng binata.
Makalipas ang ilang oras, dumating na sila sa kanilang destinasyon. Dahil sa pagod sa byahe, nagpahinga muna ang grupo.
Tapos naghapunan, naghahanda na ang team.
Training Competitions begin!
Lahat ng mga sumali ay puro mga magaling!
Mababagsik, mabilis ang kilos.
Walang nais magpatalo.
Bawat team, hinahangad ang championship!
Awarding Ceremony! Hawak na ngayon ng Master's of Ceremony ang listahan ng mga nagwaging grupo.
"And now, ladies and gentlemen, this is it! Our over all champion of this event, goes to the team of...
NO REGRETS, NO SURRENDER!"
BRAVO!
Ang umabot ng trophy ay ang leader ng team na si Jannah Baluarte!!
Kaya naman, umaatikabong palakpakan ang sumalubong sa kanya.
May naghiyawan!
Talagang napakaingay sa loob ng bulwagan!
Lalo na sa hanay ng team nina Jannah!
Pinangunahan ito ni Ora Mismo.
Ang sigaw ng grupo, BALUARTE namin to!! Yahooooo!!
Wala namang samaan ng loob ang kinalabasan ng competition. Maliwanag naman na nangungna talaga ang grupo nina Jannah, na pinaumumunuan niya.Niyakap siya ng mahigpit ng trainor nila, at nagsabi
Congratlations!".Tipid naman na ngiti ang isinukli ng dalaga, at pasalamat din syempre sa trainor nila dahil sa walang sawang pag-eensayo sa kanila upang makamit ang goal na hangad ng bawat-isa.
But deep inside tuwang-tuwa ang puso ni Jannah.
But still, she's not open feeling.Dahil sa karangalang natamo ng grupo, napagplanuhan ng staff na mag-celebrate!!
Ang lahat ng gastos ay sagot ng kinauukulan.
Ang nasabing outing ay gaganapin sa Beach Hotel Resort.
Bongga!!
Ipinagbigay alam naman ito ni Jannah kay Michaella. Kaya kalahati ng gastos ay palibre ni Michaella este Mike pala.
Para naring share niya o gift para sa grupo, lalong-lalo na kay Jannah.Nang gabing 'yun hindi makatulog si Jannah. Bumabalik sa isip niya ang nangyari bago ang competition. Pabaling-baling siya sa higaan, mapa-upo, mapatayo, palakad-lakad, balik sa kama, mapa-dapa, mapatihaya ngunit mailap talaga ang antok sa kaniya.
"Ano ba itong nararadaman ko, di ko maintindihan? Ngayon lang ito nangyari sa'kin. Bakit ako hinalikan ni Michaella? Babaeng-babae siya ah? At si Sir Emmanuel may pagtingin din ba siya sa'kin?
Aaaahhh!!
Parang sasabog na ang lo ko! Saan ang lgar ko, sa babae o sa lalaki?
Sa lalaki syempre!"
siya na rin ang sumagot sa kaniyang tanong.Nakatulog siya na malabo ang kasagutan, punong-puno parin ng katanungan.
BINABASA MO ANG
Kasalanang Kasarian
RomantikCan I still be with you, even if our love is forbidden?