CHAPTER FIVE

1 1 0
                                    

Umaga, ginambala nang sunod-sunod na katok ang dorm niya. Saka lang niya naisip na ngayon na pala ang alis nila patungo sa Wonder Island, na kung saan sa Resort ni Michaella gaganapin ang nasabing okasyon.
Daig pa niya sa bilis si SPEED, sa kaniyang pagkilos. Hindi tuloy siya nakainom ng kahit mainit na tubig manlang.
Buti nalang, Boy Scout din ang trainor nila. May dalang cup noodles at mini thermos, kaya habang nasa daan, kumakain siya.

Tanghali na nang makarating sila sa Wonder Island. Sari-saring menu ang nakahain na sa long table. Tsibugan na!!
Habang kumakain panay ang kwentuhan ng grupo. Mataman lang na nakinig si Jannah.
Paminsan-minsan tinutukso siya ng ga kasamahan, pero binabale-wala lang.
Napagitnaan siya nina Michaella at Emmanuel.
Nakikiramdam lang siya sa kilos ng dalawa.
Inaabutan siya ng kanin ni Michaella at ulam naman kay Emmanel. Minsan magkasabay pa sa paghawak ng plato ang kamay nina Jannah at ng binata.
Parang naiinis dili si Mike ngnit 'di lang nagpapahalata.

Pagkatapos kumain, ang iba sa grupo ay nagpahinga, ang iba naman ay nagsing-along, ang iba naman ay namasyal.
25 silang lahat sa outing.

Apat na malalaking kwarto ang ipina-ukopa ni Michaella sa grupo. Kasama ang binata sa mga namasyal. Si Jannah naman ay sa guest room, dalawa sila ni Michaella.
Nag-uusap ang dalawa ng ga oras na 'yun.

"Jan, alam mo masaya ako para sa'yo. Congratulations nga pala. 'Di kita nabati noong nanalo ka, kasi busy din ako dito."

"Salamat Mike. Ala mo Mike, isa ka sa mga naging inspirasyon ko, kaya naipanalo namin ang competition."

Sa narinig ni Mike, tumabi siya kay Jannah. Hinawakan niya sa magkabilang balikat at sinabi;
"Jan, may ipagtatapat ako sa'yo.''

Nang ay biglang kuatok. Si Allyna na sekretarya ni Michaella.

"Ah, excuse me Ma'am, may bisita po kayo sa labas. Investor daw po."

"Oh sige, susunod na ako."
Nagpaalam muna si Michaella sa dalaga.

"Teka muna Mike, may sasabihin ka kamo?"

"Ahh, saka nalang Jan ha."
Lumabas na ng silid si Mike.

Nahulog na naman sa malalim na pag-iisip si Jannah.

"Ano kaya ang dapat sana'y sasabihin ni Mike? Nahihiwagaan na ako sa kaniya. Pakiramdam ko, may gusto siya sa akin. Pero pa'pano namang mangyari eh ang seksi-seksi niya. Babaeng-babae naman kung manamit. Pinapantasya ng mga lalaki.
Pero, bakit wala pa syang ipinakilalang boyfriend niya sa'kin? Tomboy ba siya?"

Nakaidlip ang dalaga sa kakaisp. Gabi na ng magising siya. Nang lumabas, ang mga kasama niya ay nasa hapag-kainan na.

"Oh! Gising kana pala Jannah."
Ang sabi ni Emanuel subalit hindi pinansin ang sinabi nito.
May hinahanap siya sa paligid, pero 'di mahagilap ng paningin.

"Sinong hinahanap mo, narito naman kaming lahat ah?!! Walang isa mang nawawala." sabi ni Ora Mismo.

"Tara na kumain na tayo, gutom na ako eh." Segunda naan ni Segndo.

"Si Michaella ba ang hinahanap mo?" tanong ni Jolina.

"Oo, asan na siya?"

"May inaasikaso pa, dahil pagkatapos daw ng hapunan, may sayawan, may kantahan. Ang saya! Alam mo Jannah, ngayon ko lang naranasan ang ganitong okasyon!" litanya parin ni Jolina.

Nagsikainan na nga ang lahat. Nang makatapos, nagsibihis na ang grupo. Nanatiling nasa hapag si Jannah. Nag-iisip na naman siya.

"Ito kaya sana ang nais sabihin sa'kin ni kanina ni Mike? Eh saan ako kukuha ng maisusuot ko?"

Nang magsilabas ang mga kasamahan, nagulat si Jannah.

"Saan kayo kumuha ng mga gown niyo?"

Si Mariana ang sumagot.
"Oh! Ba't di ka pa nakabihis diyan kaibigan? Itong mga suot-suot namin ay galing sa isang designer na kaibigan ni Michaella. Tayo ang ginawa na modelo! Look friend oh! Ang ko anohh?!''

atsaka nagpaikot-ikot itong si Mariana.
Napahanga rin si Jannah dahil ang husay ng pagkagawa, at bagay din kay Mariana, at sa iba pa nyang mga kasama.

Tangi siya lamang ang hindi nakabihis.
"Oh ano? Ikaw ba ang magiging hurado namin, para alamin kung sino ang mas mahusay kuminding-kinding?"
Napatawa ang kasamahan

"Sige na isot mo na ang para sayo. Andun lang yun sa room nyo. Baka 'di mo lang napansin kanina."

Tumayo na nga ang dalaga at pumasok na sa kwarto.
Pagbukas ng pinto, napatda sya sa nakita. Isang dilag na nakatalikod na nakasuot din ng night gown.
Nang pumihit paharap sa kaniya, napahanga siya sa ganda.
At walang iba kundi si Michaella.

Kasalanang KasarianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon