CHAPTER THREE

9 3 0
                                    

 
    Nasa huling taon na sa kolehiyo si Jannah. Narito pa rin sa Pilipinas si Michaella. Parang walang balak na bumalik sa Amerika. Mas lalong lumalim naman ang pagkakaibigan ng dalawa. Malaki ang naging allowance ni Jannah, kaya nagpapadala siya ng pera sa magulang niya. Dagdag pa ang tulong na ini-offer  ni Michaella sa kanya. Ayaw mang tanggapin ng dalaga ngunit mapilit si Michaella. Walang magawa si Jannah, kundi tanggapin ang offer ni Michaella

     One time tinanong ni Jannah si Michaella.

"Mike, hindi naman sa tinataboy kita no, pero hanggang kelan ka dito sa Pilipinas?"

"As long as I want Jan."

"Ha!? 'di mo ba namimiss ang mga parents mo, o ang mga mahal mo sa buhay?"
lumungkot ang anyo ng kaibigan.

"Ang totoo nyan, bago ako pumunta dito sa Pilipinas, pitong buwan palang ang nakaraan nang mamatay ang mga magulang ko sa laot. Nagbo-boating sila noon ng maabutan ng unos. Di sila nakaligtas sa trahedyang 'yun.
Nasampay sa isla ang bangka na nakatali ang mga katawan sa lubid, para hindi sila makahiwalay sa bangka."

Nakaramdam ng habag si Jannah sa kaibigan. Niyakap niya ito at hinagod-hagod ang likod upang maipaabot ang simpatiya at maipadama na hindi siya nag-iisa.

Maya-maya, kumalas sa pagkakayakap si Michaella at nagpatuloy sa pag kwento.

"Ang sabi ko sa sarili ko, hahanapin ko ang mundo na para sa akin. At dito nga ako dumayo. Laking pasalamat ko nang makilala kita Jan. Dito ko naramdaman na sumaya ang buhay ko."

Habang nagsasalita, panay ang daloy ng mantika este luha ni Michaella.

Ngayon si Jannah naman ang nagpunas ng kanyang luha.

Amanos na sila!

      Matagal na nga dito si Michaella. Isa syang artista. Kaya nung bago pa lang pinagkaguluhan ng fans kung makilala siya.

Tulad ni Jannah nung una nyang makita si Michaella, na ngayon ay si Mike na.

Kalaunan, marami ng artista ang dumadayo sa lungsod. Ang iba nga'y nag-iinvest na ng mapagtatayuang negosyo.

Kaya, normal na sa mga taga-roon ang artista.

Mapa Hollywood Artist man o Local Artist.

Isa sa mga dahilan na 'yan ang ipinagpapasamalamat ni Michaella. Sapagkat namumuhay siya bilang isang ordinaryong mamamayan. Hindi na dudumugin ng tao.

    Nakapagpatayo na rin siya ng sariling negosyo. Isang Beach Hotel Resort. Malaki rin ang income nito.

    Sa kabilang banda, bigay-todo sa pagte-training si Jannah, sapagkat merong isasagawang Training Competition sa susunod na linggo at 25 school of Colleges ang maglalaban-laban. No Regrets no Surrender ang grupo nina Jannah. Nais ng team na makuha ang championship.

     Araw ng pag-alis ng mga grupo, at ang ilang staff ng CRIMINOLOGY. Isa na ang Instructor na hinahangaan ni Jannah,

Emmanuel Macho ang kanyang pangalan at pinapantasya ng mga kababaihan.

Masasabi ng Perfect Physical Attraction.

Ngunit di lang nagpahalata si Jannah. Itinatago nya ang totoong nararamdaman. Itinuturing na lang nya na isang inspirasyon.

Lingid kay Jannah, may pagtingin din pala sa kanya si Emmanuel, ngunit hindi lang din ipinapahalata sa kanya.

At isa pa, magiging immoral kung ang tagapag-turo at ang tinuturuan ay magkaroon ng isang ugnayan.

     Samantala, hinatid ni Michaella si Jannah sa venue na kung saan ay magkikita ang team mates.

At may lihim din palang pag-tingin kay Jannah. Di lang napansin ng dalaga, dahil tutok na tutok sa pag-aaral. Bago umakyat sa Bus si Jannah, biglang niyakap ni Michaella at kanyang hinalikan mismo sa labi nito, at sinabi

"Good Luck Jan, I will miss you!"

"Parang may ibig sabihin ang ginawa at sinabi ni Michaella ah."

Sa loob-loob ni Jannah. Dahil paaLis na ang sinasakyang Bus, kumaway sa kanya si Michaella. Nalilito man si Jannah, napakaway din ito.

Kasalanang KasarianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon