Chapter 11: Vanity.

5 0 0
                                    

----

"Hoy!"

Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa likuran ko.

Paglingon ko ay nakita ko sa may gilid ng Mini Garden si Vanity na nakaupo sa Bench at nakatingin sa akin.


"Ah, a-ako ba? Tinatawag mo?"

Alam ko namang ako nga ang tinatawag nya dahil nakatingin sya sakin pero yun na lang nasabi ko dahil bigla akong nailang sa paraan ng pagtitig nya sakin.


"Shino pa ba?! Oo! Ikaw nga! Halika dito!"
Aniya.


Halata sa boses nya na nakainom siya at mukhang lasing na nga.


Lumapit ako sa kanya at amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya may hawak pa nga syang isang bote ng beer at may mga nakakalat pang bote na nakapaligid sa kanya.


"La-lasing na lasing ka na. Tama na yan!"

Pilit kong kinukuha sa kanya ang hawak nyang beer na halos wala na ring laman.




"Ikaw!". *hiks*
"Ikaw ang may kashalanan *hiks* kung bakit ako nagkakaganito! *hiks*Shobrang landi mo!"

Sigaw nya sakin habang nakikipag agawan nung beer na hinablot ko sa kanya.


Ako daw ang may kasalanan bat sya nagkakaganyan?


"Huh? A-ako? Bakit ako?"

At malandi pa daw ako?
May sira ata to sa ulo eh. Lasing lang sya ako na agad may kasalanan?





"Bingi ka ba?"*hiks*
"Shabi ko,shobrang landi mo!"
*hiks*
Aniyang dinuduro duro na ko.
.



"Ako? Malandi? Inaano ba kita?!"

Loko to ah.
Ni hindi nga ko lumalandi at saka pake ba nya eh parehas namang babae paningin nya sakin.



"At shaka! Mang aagaw ka!"
*hiks*
Sigaw nya habang halos tumumba na sa bench na sinasandalan nya kung di ko lang inalalayan.



Iniangat ko ang ulo nya na muntik ng bumagsak. Saka ko ipinatong ito sa sandalan ng bench. Umupo ako sa may tabi nya para maalalayan sya if ever man na bumagsak ulit ito.


para tuloy kaming mag kapatid na babae. Inaalalayan ang nakababatang kapatid.


Maglalasing ka di mo naman kaya.

"Mang aagaw?"
Ako? Wala naman akong inagaw sa kanya ah. Ni hindi nga sya namamansin sakin kahit babae naman ang itsura ko. Pero kung ipagtanggol nya si Tiffany noon sa akin nung unang meet namin kala mo nakababatang kapatid.




"Ginawa ko ng lahat! *hiks* Halosh magpakababae ako para shakanya! Taposh"*hiks*
Aniyang parang maiiyak na.

"Taposh, *hiks*. Ni hindi man lang nya mapanshin? *hiks*
Shabi pa nya, *hiks*. Sheryoso sya shakin *hiks* taposh makikita ko syang *hiks* nagyaya pa ng ibang babae. *hiks* Di pa nakontento. Lumandi pa ng iba!"*hiks*




Dirediretso syang nagsasalita habang tumutulo ang luha nya. Todo punas din sya ng mukha nya dahilan para magkalat na ang make up nya sa buong mukha nya.




Ramdam ko sa bawat pag iyak niya ang sakit na nararamdaman nya. Ganto siguro talaga pag babae. Medyo sensitive ang feelings.



Kahit di ko naexperience yung nararamdaman nya ay feeling ko masakit nga maloko,paasahin at saktan ng taong mahal mo.




Half Of ME.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon