Chapter 9: Lady Police Officer.

6 0 0
                                    


----

"Itaas nyo ang kamay nyo"

Sigaw ng mga papasok na pulis.
Sila rin ang nagpaputok ng baril kanina sa tatlong lalaki sa binti ng mga ito.

Nakapalibot sila sa buong abandonadong gusali.


Buti naman.

Napabuntong hininga nalang ako.

At least di ko na kailangang mag aksaya ng lakas kung lalabanan ko tong mga kumag na to.

"Posasan yang mga yan! PO2 Miss Sandoval. Protect the victim"

Utos ng lalaking nasa pinaka gitna nila.

Sya ata ang Head Officer.

Nakita ko pang pinoposasan na nung ibang pulis yung iba pang lokong mga lalaki.

Buti nga sa inyo yan!
Mga tigang!

Dali dali namang lumapit sakin ang isang Pulis na babae.

Whoah. Babaeng Pulis ?
Naks! Ang Wild siguro nito.

Aaahh teka! Bat ba ko nag iisip ng ganto?!

Nakasumbrero sya ng pampulis pero di sya naka uniporme. Katulad nung nasa gitnang lalaki. Na Head ata nila pero di rin ito nakauniporme.

"Miss, nasaktan ka ba? Sinaktan ka na ba nila?" Pagtatanong nito habang tinatanggal ang pagkakatali ng kamay ko.

Humarap sya sakin saka iniangat ang kanyang sombrero.

"Te-teka? I-ikaw yung?"

Parang kilala ko sya kaya bigla akong napasalita.

Inalala ko muna kung san ko sya nakilala.
Teka.

Siya nga.
Siya yung babaeng kasama nung Tiffany sa Mini stop. Yung humablot sa bibilhin kong libro dapat. Yung boyish look na babae. Yung tinawag na 'Van' nung kasama nya.

Siya nga yun.

"Huh? Bakit?"
Takang tanong nya.

"Ah eh. Wa-wala."
Yun na lang nasabi ko dahil naalala kong nasa babaeng katauhan ako ngayon. Siguradong di naman nya ko makikilala.


"PO2 Miss Sandoval, How's the Victim?"
Papalapit na tanong ng isang lalaki. Yung nag command din kanina.

"Sir,the victim was safe,Sir!"
Matigas na sambit nung Lady Police officer.

Kaya pala ganun sya umasta nung sa Mini stop. Parang di sya babae. Yun pala pulis sya.


Kakaibabe.


"Ako si PO1 Hyuan Carlos, at sya naman si PO2 Vanity Sandoval. Matagal na naming tinutugis yang mga Gang Rapist na yan lalo na ang Boss nilang si Jimmy Collins,53years old na German. Buti na lang at na Corner na namin sila at di ka napahamak" aniya.

"Pero kailangan pa rin namin ng statement mo kaya kung maaari ay sumama ka samin sa presinto." Ani Lady Police Officer or Vanity.


Tumango nalang ako saka nila ko inalalayan papunta sa mobile car nila.

Pagkarating sa presinto ay nilapitan ko muna yung mga lalaking nakaposas saka pinagbibigyan ng tag iisang suntok ang mga ito. Kahit alam kong di masyadong malakas iyun dahil naiilang akong gumalaw ng natural gawa ng nararamdamang kong pag alog sa tapat ng dibdib ko na syang ikinaiilang ko.

Half Of ME.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon