#1: Student

699 16 3
                                    

#1: Student

Iam a 2nd year College student at kumukuha ng kursong Accountancy. Iam not a typical student that you know, I'm the kind of student who have a very Hectic schedule! But not that hectic.. Keri lang.

 I have so many RESPONSIBILTY. Yes! Capslock kasi ganon siya ka-Intense, Bukod sa pagiging Simpleng mag-aaral.. Iam the President of Our Student Council on the big big College University, A Bread Winner for my Not so young big brother and a Working student as well. 

O diba.. Hindi ako ganoong ka-busy? Pero paano ko nga ba.. Naipag-sasabay-sabay lahat ng iyan? Simple lang.. Isang malaking TIME MANAGEMENT which is natutunan ko din sa aking pag-aaral.

Its so hard for me na maging sobrang Busy na tao, Pero kailangan para masanay ako sa mga ganitong gawain. Besides.. Sobra akong tinatamaan ng pag-kabored sa bahay kaya ito.. Naging busy ako ng bongga! Hindi ko naman pinangarap na maging President ng isang Unibersidad basta na lamang nila binigay saakin, At hindi ko iyong pwedeng tanggihan. 

For my Family Background, Wala na kaming mga magulang. So meaning ulila kaming lubos. My mother died because of the Breast Cancer and yung Father ko? May iba nang family at mas piniling sumama sa iba. Kuntento na rin naman kami sa kung anong meron ako kasama ang kapatid ko. Dumadating ako sa puntong.. Ayoko na! Kasi sawang-sawa na ako, Pagod na pagod na ako at hindi ko na kaya! Pero naisip kong hindi pwede.. Kasi mayroon akong Charles na kailangang pag-tapusin at itaguyod. 


So kahit medyo mahirap sa Part ko.. Tuloy lang sa Agos ng buhay. But lately.. Nakakaranas ako ng Matinding Migraine plus kulang pa ako sa tulog, Dahil sa sobrang hectic na Sched sa School at sa Work ko.

"Charles, Ikaw na muna ang bahala dito. Iiglip lang ako sandali."

"Sige ate. Ako na ang bahala." Aniya at lumapit saakin at ako ay kinumutan. He's so sweet, Napangiti na lamang ako sa kanya.

Mas pinili ko nang matulog sa Sofa at dagliang ipinikit na ang aking dalawang mata. 

Nag-uumpisa pala lang ako sa aking pag-kapikit pero.. 

Tila ako ay nasa ilalim ng masamang panaginip pero malinaw saakin ang mga nakikita ko. Isang babaeng nakadagan saaking ibabaw, Nanlilisik ang mga mata nito at tila gusto akong sakalin. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya naman Pinipilit kong gumalaw. Pero hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko nakatali ang buong katawan ko. Pinipilit kong ibuka ang bibig ko para makasigaw. Umaasa ako na kapag nagawa ko yun e.. Maririnig ako ng kapatid ko!

Pero walang nangyayari! Takot na takot na ako dahil unti-unti nitong inilalapit ang mukha niya saakin.

"Ate, Ate ate! Anong nangyayari sayo?" Niyugyog ako ni Charles.

Daglian akong napabangon at nag-hahabol pa ng aking hininga. Pawis na pawis ako kahit na Naka-Aircon kami dito sa bahay.

"Ate, Okay ka lang?" Tanong nito. Hindi ko na siya nasagot pa.. Saka tumayo at tumakbo papasok ng CR

"Oo. Okay lang ako. Hindi na muna siguro ako matutulog." Sagot ko dito matapos na ako ay mahimasmasan sa aking pag-hihilamos.

"E diba sabi mo pagod ka?"

"Di bale na. Mag-kakape na lang muna ako para hindi ako antukin."

"Gusto mong timplahan kita?" 

***
"Uy, Bakit ganyan ang itsura mo? Mukhang hindi ka nakatulog  ng maayos." Sabi nitong kasamahan ko sa Student Council.

"Nahirapan akong matulog kagabi e."

"O bakit?"

"Ewan ko ba!" Plain kong pag-kakasabi.

Sleep Paralysis [COMPLETED✔] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon