Paano maiiwasan ang Sleep Paralysis?
Ayon saaking pananaliksik, Upang maiwasan ang Sleep Paralysis kinakailangan na ikaw ay iwas sa Stress. Bago ka matulog iwasan ang pag-iisip nang kung anu-anong bagay. Irelax ang isip bago matulog. Kadalasang tinatamaan ng Sleep Paralysis ang mga taong madalas pagod at kulang sa tulog.
Narito ang ilang bagay na maaaring gawin upang ito ay maiwasan.
Kapag ikaw ay nasa sitwasyong ito at nakaramdam na parang may nakadagan o nakapatong saiyo. Huwag nang subukang Sumigaw at Mag-salita dahil wala naman itong maitutulong.
Subukang igalaw ang mga kamay sa pamamagitan ng pag-bukas at pag-sara ng kamay. Kagaya ng ginagawa ng Babies. Close open.
Huminga ng dahan-dahan. Iwasan na ang mag-salita at sumigaw.
Mainam na ipikit din ng dahan-dahan ang iyong mga mata. Mabisa ang pumikit at mag-dasal.
Kapag ikaw ay natuluyan ng nagising. Minabuting huminga ng malalim at ulitin ito ng maraming beses. Huwag na munang subukang matulog ulit. Dahil maaaring mangyari at maulit ito agad.
Mag-hilamos para ikaw ay mahimasmasan.
Kapag ikaw ay nasa ilalim ng Sleep Paralysis huwag nang pilitin pang sumigaw at mag-salita. Huwag na itong labanan para hindi na lumala pa.
BINABASA MO ANG
Sleep Paralysis [COMPLETED✔] #Wattys2016
ParanormalSleep Paralysis One shots ©KiteeKitty All Rights Reserved 2016