#3: A Writer
Being a Writer is not easy! Halos syotain ko na ang aking Laptop, dahil palagi kaming mag-kaharap nito. Pumapagitan din saamin ang isang Tasa ng kape, Tila ito ang aking kasama at kasangga, Siya ang nag-sisilbing energy ko kapag ako ay inaantok na.
Sinasadya kong gumawa ng Draft sa Dis oras ng gabi.. Because there is so many thoughts in my head! Mas gumagana ang imahinasyon kapag ganitong 12 am at matatapos lang ako sa pakikipag-usap saaking mahal na Laptop kapag ako ay napagod na o Nawala na ang bisa nitong Kape.
Since iam a child, nasabi ko na talaga sa sarili ko na "I want to be a Writer someday!" Then sinunod ko ang aking pangarap at Piniling lumakad sa Liko-liko at medyo malubak na landas. Bakit ko nasabing liko-liko at Malubak? Because Being a writer is not a joke!
Kailangan mong maging seryoso dito. Bawat kwento na iyong gagawin ay dapat mong pag-isipang mabuti.. From the Title, The cover of a book To the contents of a story. Before mas pinipili kong mag-publish ng Story sa pamamagitan ng isang Website sa Computer. Until.. May nag-message saakin na bakit hindi ko daw hindi ako mag-pasa ng Entry ng isa sa mga Story ko at Ibigay ito sa isang Book Company like Summit Books.
Like what? Isa sa mga malalaking Publisher ang Summit, At nahihiya akong mag-pasa ng Soft copy sa kanila. Baka kasi mareject lang ito at gawing basura. Pero.. Nag-kamali ako! Bakit? Dahil tinanggap nila ako at ang mga gawa ko.. At ngayon Part na ako ng Kompanya nila.
---- --- ----
"Grace, May ilang stories akong ibibigay sayo. Ikaw na ang bahalang mag-edit ha?" Rinig kong sabi ng EIC namin.
"Yes Ma'am. What genre po ba?" Tanong ko.
"Paranormal." Plain niyang pag-kakasabi.
"Pasensya na kung lately, puro Paranormal stories ang ibinibigay ko sayo. Yun kasi ang madalas dumating dito e. Alam ko namang ayaw mo nang ganitong klase ng Kwento." Ngumiti ito saakin.
"It's Okay ma'am. Kailangan ko rin naman pong labanan ang takot ko para mawala ito." Ginantihan ko lang rin siya ng ngiti.
"Basta sabihin mo saakin kung hindi mo kaya." Aniya at lumapit pa ito saakin.
"Kakayanin po." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"O sige, Dalawang istorya na muna ang ibibigay ko sayo. Yung isa diyan Mini Series."
"You can do it!" Aniya at itinaas pa ang isang kamay bilang pag-chicheer up saakin.
"Thank you, Ma'am."
Nag-umpisa na akong I-edit yung sinasabing Mini Series dahil mabilis lang naman yun. Isinet ko na rin yun sa Monitor at sinimulan nang basahin.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mababasa ko. Bukod kasi sa Paranormal ang genre nito medyo brutal din ang ilang scenes. Ang gagaling nang mga ganitong klase ng Writer dahil nakakaya nilang mag-sulat ng ganitong klase ng kwento.
I mean nag-susulat din naman ako ng Paranormal stories pero hindi ganito katindi, Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko yun kakayanin.
Mini series lang ito pero grabe yung mga nilalaman. Saksakan, Patayan eme sa mga Engkanto at lamang lupa. Lamang lupa laban sa isang Mangkukulam? Masyadong madugo ang ganitong klase ng kwento. Kaya ko pa naman siyang basahin detailed by detailed pero ang hindi ko lang makaya is yung mga talagang Horror na alam niyo na yun.
Natapos akong iedit itong Mini series ng mga tatlong oras. Hindi pala ito madali! Medyo madami din kasi akong errors na nakita. kaya marami-rami akong idinagdag at ibinawas.
Matapos kong Iedit yung Una sunod ko namang inilagay ang kopya sa Monitor.
Binasa ko yun nang unti-unti para malaman at makita ko yung mga Typographically Errors kung meron man.
At ito na yung klase ng Paranormal Stories na ayaw kong matapat saakin.
Tinry kong makipag-palit sa Co-Editors ko pero halos pare pareho lang kami ng Ineedit. E yung iba naman tapos na."Leo, Pwede bang ito muna ang Ayusin mo?" Ipinakita ko sa kanya yung Kopya na Ineedit ko.
"Pasensya kana. Tapos na kasi itong Iedit. So Cover na lang ang gagawin ko."
"Ganon ba? Wala na bang iba diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala na e."
"O sige, Salamat na lang."
"Welcome" Aniya.
Bumalik na ako sa pag-kakaupo ko. Wala akong ibang Choice kung hindi ang Iedit ito.
Haay! Goodluck saakin. Kaya mo yan Grace. Fighting lang! *Sigh*
***
Nakakakalahati na ako sa pag-sscan ng istoryang ito. At halos lahat ng Errors ay naayos ko na.
Wala nang dapat ayusin dito.
"Attention, Everyone!" Rinig kong sabi ng EIC namin.
Kaya naman nag-silabasan kami sa kanya kanya naming Cubicle
"Come on! Alam naman nating lahat na palagi tayong inaabot ng dis oras ng gabi. So lahat naman ata kayo e tapos na sa mga ginagawa niyo? Kung mayroon pang hindi tapos. Bukas niyo na lang ituloy. Okay ba yun?"
"Yes Ma'am!" We said in Chorus
"You may now go!" Aniya.
Hindi ko napansin yung oras. Gabi na pala! eedit. Kaya ito.. Wala rin kasi akong tigil sa pag-babasa at hindi ko na napansin ang oras.
Iniayos ko na lahat ng gamit ko at lumabas na nitong Building. Agad naman akong nakakuha ng Jeep na masasakyan pauwi.
"Bayad po."
---- ---- ----
Sa pagod ko hindi ko na nagawang pumunta sa Kwarto ko. Maging ang pag-papalit ng damit hindi ko na rin nagawa at Dumiretso na ng higa doon sa Sofa. Grabe kasi talaga ang antok, Mag-iilang araw na rin kasi akong walang maayos na tulog.
Hindi na ako nag-atubiling kumuha ng Unan at Kumot dahil meron nanaman akong magagamit dito.
~~~ ~~~ ~~~
Nanlaki na lang ang mga mata ko sa nakikita kong nakapa-Ibabaw saakin.
Hindi malinaw saakin kung Lalaki man siya o Babae. Basta ang malinaw lang na.. Nakikita ko ay nakatingin lang siya saakin ng masama at tila nanlilisik ang mga mata.
Ang tanging nakikita ko lang ay isang Kulay itim na para bang Anino ng isang tao.
Ramdam na ramdam ko yung malalamig niyang palad na nakahawak saakin. Pakiramdam ko nakagapos ako kahit kitang-kita ko naman na hindi. Tila nakabusal din ang aking mga labi at hindi ako makapag-salita. Gustuhin ko man na sumigaw ay hindi ko magawa.
Sa isip-isip ko sumisigaw na ako at humihingi ng tulong pero hindi ko nararamdaman ang pag-bukas ng mga bibig ko. Pilit kong inaangat ang mga Braso at mga Paa ko pero walang nangyayari.
Mas lalo ko lang naramdam ang pag-higpit nang pag-kakahawak niya saakin. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang mga kamay ko. Unti unti na rin akong nakaramdam ng Hirap sa pag-hinga.
Pinag-papawisan ako pero.. Hindi ito mainit kundi malamig na pawis ang tumatagaktak mula saaking mukha.
***
Epekto ata nito yung pag-babasa ko noong nakaraang araw. Paano ba naman dalawang Istorya ng Paranormal Genre ang Inedit ko.
Binuksan ko na muna ang ilaw dito sa Sala saka ako nag-ipon ng tubig doon sa Banyo.
Yung pakiramdam na parang Totoong totoo yung nangyari saakin. Hindi kaya may iba pang dahilan para mangyari at maranasan ko ang mga bagay na yon?
BINABASA MO ANG
Sleep Paralysis [COMPLETED✔] #Wattys2016
ParanormaalSleep Paralysis One shots ©KiteeKitty All Rights Reserved 2016