Quotes/Lines from the hugot movie of the century
~
Mace: Paano ba makalimot?
Anthony: Hindi ko rin alam. Nagising na lang ako isang araw, wala na siya. Nakalimutan ko na siya.
~
"Para sa'kin kung mahal mo, habulin mo. Dapat ipaglaban mo, 'wag mo hintayin na may magtulak sa kanya pabalik sa'yo. Hilahin mo. Hangga't kaya mo 'wag kang susuko, 'wag kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh."
~
"Wala naman pala 'yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya mahal."
~
"There are all kinds of love in this world but never the same love twice." - F. Scott Fitzgerald
~
"Sabi nga nila diba kapag kayo, kayo talaga. Dadalin ka nalang ng tadhana ng kung sinuman, yun ay tanga. Tanga."
~
"Tulad nga ng sabi ni John Lloyd, pa'no ba 'yun? Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi may paparating pa, yung magmamahal sa'tin at magpaparealize sa'tin kung bakit naging mali yung dati. Paparealize sa'tin kung pa'no tayo dapat mahalin."
~
"Kasi yung ganyang kalaking magmahal, ganyang overwhelming love, imposibleng walang pupuntahan eh. May mababalik sa'yong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik 'yan sa'yo."
~
Anthony: Kapag may dumaang shooting star, anong iwi-wish mo?
Mace: Na sana... sana hindi ko na siya mahalin.
~
Mace: Paano ba makalimot?
Anthony: Pwede kang uminom gabi gabi, pwede kang umiyak gabi gabi, pwede kang makipagdate kung kani-kanino, o pwede ka ring makahanap ng new love.
~
"Hindi na kita mahal makakaalis ka na. 7 words. Yung 8 years namin nagawa niyang tapusin sa 7 words."
~
Anthony: Sa'n mo gustong pumunta? May Burnham Park, Mines View Park. Pwede tayong maglakad. Pwede tayong kumain. Pwede tayong matulog. Anong gusto mo?
Mace: Makalimot.
~
Mace: Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?
Anthony: Matagal.
Mace: Gaano nga katagal? 1 year? 2? 3? 4? 5?
Anthony: Importante pa ba 'yun? Ang mahalaga, nakalimutan.
BINABASA MO ANG
Words Unspoken
RandomThere are things better left unsaid - especially those that doesn't matter anymore, something better off not knowing. This is a collection of quotes, stories via blog-like posts, etc... about love, heartache, moving on and many more.