Violet's POV
Tumingin ako sa kanilang mga mukha. Ang dumi nila. Ang daming chocolates sa gilid ng lips nila. Hindi talaga sila marunong kumain. Mga PG kasi.
"Hahahahah. Ang dumi nila kumain. Mga PG silang lahat. Pffttt." sabi ko sa isip ko sabay ngisi.
"Hoy babae, anong tinatawa mo diyan?" sabi ni Shaun.
"Nababaliw ka na ba Daphne?" sabi ni Joshua.
"Tara ipagamot ka na namin para hindi lumala." sabi naman ni Cathelina.
"Hindi ako tumatawa. Hindi pa ako baliw pero malapit na. Pfffttt" sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
"Anong hindi tumatawa eh nagpipigil ka ng tawa eh." sabi ni Nica.
Himala nagsalita si bitter girl.
"Daphne hindi kami madumi at patay gutom." sabi ni Anne.
Nakalimutan ko nandito pala si Anne. Sa susunod ibloblocked ko na ang isip ko.
"Bakit ang layo ng sinasabi mo Anne?" tanong ni Nathalie
"Yun kasi ang nabasa ko sa isip niya." sabi ni Anne.
Patay.
"ANO????? Kaya ka ba nakangisi?" sabay sabay na sabi nila.
"Hindi no." pagsisinungaling ko.
"Anong hindi." sabi ni Anne.
Tumango lang ako.
"Wait guys may kukunin lang ako." sabi ko.
Bumalik ako sa room ko at kinuha ang camera ko.
"Ano yang ang dala mo?" tanong ni Yna.
"Hindi niyo alam kong ano ito?" sabi ko sabay turo sa camera.
Umiling silang lahat.
"Magtatanong ba kami kung alam namin." sabi ni Nica.
Sarap sabunutan tong babaeng to. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Sa mortal world ito ay tinatawag na camera. Ito ay ginagamit sa pagtake ng pictures." sabi ko.
Napa 'ahh' naman sila.
"Yan ba ang pang take ng pictures na nilalagay sa newspaper?" tanong ni Christophere.
Tumango na lang ako.
"So, my newspaper kayo dito?" tanong ko.
Tumango naman sila.
"Pero all about sa Hemmings family." sabi ni Joshua.
Kaya pala. Pero I think hindi masyadong advance ang technology dito.
"Okey." sabi ko.
"Lapit kayo guix mga grugrufie tayo." sabi ko.
Lumapit naman silang lahat. Himala kasali si bitter girl. Kaya ayun pose dito pose doon. Ako lang ang hindi madumi. Pwede na akong awardan ng neat and clean na magic user.
"Daphne, pahiram." sabi ni Rhea.
Inabot ko naman ang camera.
"Bakit ikaw lang ang malinis ang mukha dito." sabi ni Nicole.
"Wait, teka patingin nga." sabay na sabi ni Nathalie, Cathelina at Mariena.
Hinablot nila ang cam.
BINABASA MO ANG
Terativean Academy: School Of Magic
FantasySi Violet ay isang simply na babae at mayroong din na simply na buhay na nag-aaral sa Hemmings Academy na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Pero pagka 16th birthday niya may nangyaring hindi inaasahan. Pagkatapos noon pumunta na sila sa kakaibang ac...