Violet's POV
Nagising ako sa pagyuyugyog ni kuya Zac.
"Ahm, Miss Daphne. Nandito na tayo sa bahay." sabi niya.
"Ah, ganon ba kuya Zac. Salamat sa paggising sa akin at pagsama dito sa mortal world. Daphne na lang ang itawag mo sa akin wag na ang miss." sabi ko.
"Walang anuman yun. Ok kung yan ang gusto mo Miss Daphne este Daphne pala. Sige na magpahinga kana bukas na tayo magsisimula ng training." sabi niya.
"Ok po. Good night kuya Zac." sabi ko.
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto. Mabuti na lang pinayagan ako nila mama.
*flashback*
Sumakay na ako sa royal carriage. Pumunta agad ako sa room nila. Nakita ko sila sa couch naguusap.
"Oh hi my princess." sabi ni papa.
"Hi my baby." sabi ni mama.
"Ma I'm not a baby anymore." sabi ko sabay pout.
Natawa naman silang dalawa.
"Ma, pa pwede ba tayong magusap?" sabi ko.
"Ok princess/Baby." sabay na sabi ni papa at mama.
"Ma, pa gusto kung bumalik sa mortal world." pagsisimula ko.
Nabigla naman sila.
"Bakit baby? Kakarating lang natin kaninang umaga. Inaway ka ba nila? Sino yan at ipabubugbog ko." sabi ni mama.
"Kasi po parang hindi ako nababagay dito. Dahil kayong lahat may magic parang ako lang ang naiiba dito." sabi ko.
"Princess this is right where you belong." sabi ni papa.
"Pero pa, sa mortal world doon ako magsasanay. Para madiscovered ko ang element ko. Please ma at pa. Diba you trust me naman?" sabi ko.
"Pero paano kung may mga dark magic user?" sabi ni mama.
"Isasama ko naman po si kuya Zac. Kaya please lang po. Babalik naman po ako dito. " sabi ko
"Okey, pero magingat ka." sabi ni papa.
"Thank you po talaga. Teka kailan po magsisimula ang klase dito sa T.A.?" sabi ko.
"Next week pa." sabi ni papa.
"Okey doon ako babalik dito. Sana kami pa rin nina Nathalie, Cathelina at Mariena ang dormate." sabi ko.
"Okey." sabi nina mama at papa.
"Ilang araw kang magsasanay don?" tanong ni papa.
"Siguro apat na araw. At yung tatlong araw magbabonding kami nila Drake. Dahil miss na miss ko na po sila." sabi ko.
"Okey, wag ka masyadong magpapagod." sabi ni papa.
"Opo pa. Sige pa aalis na kami." sabi ko at tumayo.
"Teka lang kumain muna kayo bago kayo umalis. Sigurado akong gabi ng makaabot kayo sa bahay." sabi ni mama.
Tumango na lang ako. At pumunta sa dining hall kasama sila mama, papa at kuya Zac. Pinapapunta agad kasi ni papa siya.
*end of flashback*
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz
*kringggggg* *kringgggggg* *kringgggg* *kringgggggg*

BINABASA MO ANG
Terativean Academy: School Of Magic
FantasíaSi Violet ay isang simply na babae at mayroong din na simply na buhay na nag-aaral sa Hemmings Academy na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Pero pagka 16th birthday niya may nangyaring hindi inaasahan. Pagkatapos noon pumunta na sila sa kakaibang ac...