A Change Of Heart

726 24 7
                                    

A CHANGE OF HEART

ARIA’S POV

 

Gusto ko sumigaw. I’m more than ready to scream my heart out but then natigilan ako nang biglang..

TOK! TOK! TOK!

“Ma’am Aria, pinapatawag na po kayo sa baba. Kakain na daw po..”

Si Manang Eska. Siya yung most loyal katulong namen dito sa bahay. Simula nung bata pa ako, siya na yung nag-aalaga saken. At ngayon, syempre hindi ko na kelangan ng yaya, pero dito pa din niya piniling magtrabaho. Hindi katulong turing namen kay Manang Eska, she’s actually like a part of my family na yet she keeps calling me Ma’am. Ayaw niya ako tawagin Aria lalo na daw at dalaga na ako ngayon. Tsss! Ano naman kung dalaga ako? Mga matatanda talaga, ang hirap intindihin.

Tuluyan ko nang tinuyo at pinunasan yung mga mata ko. Baka kasi mahalata pa nila kasi for sure, they’ll bombard me with stupid questions. Ganun talaga parents ko eh.. Kung makatanong, wagas.

“Jan na po. Saglit.”

Nagsuot lang naman ako ng slippers at lumabas na para kumaen. Tahimik kami the whole time. ‘Twas pretty much awkward kasi dati, madami naman silang tanong saken. Like, how my day went and stuff like that.. Pero okay na din ‘toh. Atleast, iwas interrogation.

Pagkatapos maghapunan ay nag-toothbrush na ako’t bumalik na agad sa kwarto. Binuksan ko na ulet yung laptop ko, and no, hindi siya sumabog. Trip lang yung ‘BOOM’ para may sound epek.  Hmm.. wala namang nagbago sa FB. Ganun pa din except dun sa 1 friend request. Malamang isa na naman yun sa classmates or schoolmates ko. I didn’t bother opening it kasi naman I still had my eyes fixed sa monitor.

Search: LEX MARQUEZ

No results found.

Naiiyak na naman ako. Bat ganito kahirap hanapin yung profile niya? Bihira ko na nga makita sa school, pati ba naman sa facebook, wala pa din? Pinigilan ko na yung luha ko sa pagtulo this time.. She’s not worth it. At ang sabi ko nga, last na yun. Binaling ko na lang yung attention ko sa Friend Request. Ayoko nang mag-isip pa dahil lang sa lubos lubos na frustration ngayong gabi.

Love At First Sight: College [GXG: Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon