Bihag 1

1.7K 144 2
                                    

Kabanata 1: Sa Biyahe

Magtatakipsilim na sa mga panahong iyon. Galing ang silver na van na sinasakyan ko mula sa Tacurong City at patungo ito sa Kidapawan City. Malayo-layo na rin ang nabiyahe ng sasakyan. Papalabas na kasi ito ng M'lang, North Cotabato. Maya-maya ay biglang tumigil ang van na sinasakyan namin.

Akala ko lang bababa at iihi yung nakaupo na nasa harapan na katabi ng driver. Pero nagulat na lang ako, pati na rin yung ibang pasahero, nang biglang may nagsulputan na mga di ko kilalang mga tao sa harapan ng Van. Natatakpan ang pagmumukha nila ng bonnet maliban sa mata.

'Akala mo magaganda ang mga mata.' Komento ng isip ko.

"Baba ang lahat ng pasahero!" isang malakas na sigaw ng isa mga lalaking humarang sa amin.

May hawak siyang baril. Katulad niya ay may hawak din na baril ang mga kasamahan nito.

"Bilis! Ang hindi bababa, papatayin namin." utos niya sa lahat ng tao sa loob ng van habang nakatutok ang baril na hawak niya sa ulo ng drayber.

Sumunod naman agad kami sa utos ng rebelde.

Rebelde nga sila. Sa inaasta pa lang nila, alam ko na.

Natakot ang lahat at siyempre pati na rin ako. Nagkukumahog akong bumaba kasama ang iba. Ginawa ko ito na tila wala na akong daratnan na sisikat na araw.

Kahit na nagkabungo-bunggo na ang ulo ko sa bubong ng sasakyan, hindi ko ininda iyon. Mas nauna ang takot na nararamdaman ko kaysa sakit ng ulo ko at mukhang magkakabukol pa ako.

Nasa gitna akong bahagi ng sasakyan kaya mga ilang segundo pa ang nakalipas bago ako nakababa. May isang naiwang payat na lalaki (aywan ko kung lalaki nga ba, basta) sa loob na ayaw yata lumabas. Tila mas gustong doon na lang siya habambuhay.

BANG!

Umaliwangwang ang isang putok ng baril. Napaestatwa kaming lahat sa pangyayaring yaon.

"Waaaah. Maawa kayo sa amin." Sigawan ang lahat ng pasahero habang pinapadapa kami.

Hindi ako sumigaw kagaya nila. Iniisip ko kasi kung ano ang kailangan nila sa amin at mga posibilidad na gagawin nila sa amin. Nadagdagan ang takot na nararamdaman ko sa mga naisip ko.

Napatingin kaming lahat sa tarangkahan ng van. Lumabas ang isang tao na may kasamang isang lalaking na may butas ang ulo. Kinaladkad ito ng nagpaputok na parang patay na aso. At siguradong akong patay na nga ito.  Parang wala lang sa lalaking pumatay ang kalagayan ng namatay. Tinapon niya lang ito sa gilid ng daan.

Inumpisang talian ng mga rebeldeng grupo ang bawat isa sa amin. Nilagyan rin kami ng mga piring at nag-umpisang lumakad.

Mga apatnapu't tatlong minuto at labin-isang segundo bago kami huminto at inalis ang aming mga piring.

Tumingin ako sa paligid. Masukal ang lugar. Ang ilaw mula sa apoy na nilulutuan ang siyang isang nagbibigay liwanag sa gabi dahil ang buwan ay hindi ko mahagilap sa taas. Nagtago siguro.

Hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang takot na bumalot sa akin.

Napangiti ako na may pait na nararamdaman sa biglang naisip ko. Pwede na siguro akong mamatay. Wala namang nagmamahal sa akin eh. 

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon