Bihag 6

560 42 0
                                    

Kabanata 6: Tayong Dalawa

John's POV

Unting-unti hinuhubad ni Bi ang kanyang damit. Nakikita ko ang pagtulo ng kanyang luha habang ginagawa iyon. Nanginginig din siya habang tinataas and damit niya. Kitang-kita ito sa kanyang mga kamay.

Malapit lang ako sa kanya. Nasa harapan niya lang nga ako. Gusto kong siyang yakapin ng mahigpit. Pero nag-aalinlangan ako, dahil baka sa paglapit ko papatayin nila si Marie pati na rin ako.

Maraming rebelde ang nakapalibot sa amin at nakatutok ang mga baril nila sa aming dalawa. Gusto ko silang patayin dahil tuwang-tuwa pa sila sa kanilang nakikita.

Nagngingitngit ako sa galit.

Napatingin sa akin si Bi. Tumitig ako sa kanya na puno ng pagmamahal. Kahit na sa pagtitig lang ay maramdaman niyang nandito lang ako na dadamay sa kanya sa lahat. Narito lang ako upang maramdaman niya na hindi siya nag-iisa sa pagharap niya sa takot niya ngayon.

"Itaas pa yan! GANYAN!....Igiling mo! BILIS!" utos ng isang rebelde. Tumingin ako ng matalim sa rebeldeng nagbigay ng utos na yun.

Binalik ko agad ang aking atensiyon kay Bi. Nasa ibaba na ng dibdib niya ang damit. Napayuko siya habang nasa ganoong posisyon siya.

"WOOOH!...Hubarin na yan!" sabay-sabay na sigaw ng mga rebelde.

Hindi ko parin nilulubayan ng tingin si Bi. Nakita kong tumitingin siya sa akin. Tumutulo pa rin ang luha niya.

Tinulak ako bigla ng isang rebelde at napalapit ako kay Bi.

"Hubaran mo yan! Antagal maghubad. Para hindi na mahirapan iyang nobya mo sa paghubad." nakakalokong sabi ng rebelde.

Hindi ko iyon pinansin. Pero kailangan kong gawin ang sinasabi nila. Kahit labag man sa loob ko ay tinaas ko ang damit niya. Hanggang sa mahubad ko na ang damit niya.

Nakita ko ang malulusog niyang hinaharap. Napasinghap ako. Nalunok ko bigla ang laway ko. Pero alamkong normal lang ito. Ang hindi normal ay mas nasasapawan ang takot ko sa paghanga sa kagandahan ni Marie.

"Maganda ka Bi. Pero dapat ako lang ang nakakakita nito. Sa ngayon..titiisin lang muna natin ang mga nangyayari. Wala tayong magagawa sa sitwasyong ito. Patawad...kong hindi kita kayang maipagtanggol sa mga rebeldeng ito. Ang gusto ko lang isipin mo ngayon ay ako at ikaw lang ang nandito. Wala sila. Tayong dalawa lang."

Yinakap ko siya para isegurado sa kanya na nandito lang ako. Yumakap rin siya sa akin at humagulgol sa iyak.

"Itigil na yang drama! Rated SPG na!" sabi ng isang rebelde at nagtawanan naman ang iba.

Hindi ako gumalaw. Hindi ko sila sinunod.

Boogsh!

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon