Bihag 5

583 57 0
                                    

Kabanata 5: Mahal Kita

Marie's POV

Bang!

Tumigil ako sa paggapang pagkarinig ko ng putok na iyon. Kahit na medyo malayo na kami ay alam kong makikita pa rin kaming tumatakas. At ang tunog ng putok ay medyo malapit sa amin.

Bang! Bang!

Dalawang putok pa ang sumunod.

Tumingin ako kay Hag. Lumaki ang kanyang mata. Binalingan ko ng tingin ang tinutuunan niya ng pansin. Nabigla rin ako, hindi dahil sa natakot ako, kundi dahil sa hindi ko inaasahan na mababaril na sana ako kung hindi rin nabaril ang mga rebeldeng nagtankang pumatay sa akin.

Biglang natuwa ang aking puso. Pero nawala agad iyon ng mapagbalingan ko ng tingin kung sino ang bumaril sa mga rebeldeng bumihag sa amin. Mga rebelde rin pala.

Akala ko may magliligtas na sa amin. Akala ko matatapos na ang lahat ng ito. Ganun pala ililipat lang kami sa ibang kamay na parehas din ang hangarin.

Nakita kong ngumisi pa ang mga rebelde. Lima sila. Maya-maya ay dumating pa ang iba nilang kasamahan. Napakadungis ng kanilang mga mukha. Ang iba ay mahahaba na ang buhok at iba hindi pa nakapag-ahit. May ibang may mga peklat sa mukha.

"Akala niyo nakaligtas na kayo. Mangarap kayo. Hahaha." sabi niya sabay ihip sa dulo ng baril na ginamit niya sa pagpatay sa mga rebeldeng unang bumihag sa amin.

"Tayo! Anong dapa-dapa niyo diyan. Gusto niyo bang sumunod kayo sa hukay ng mga rebeldeng iyan." sigaw niya sa amin ni Hag.

Unang tumayo si Hag at lumapit siya sa akin at inalalayan niya ako.

Noong una hindi ako masyadong natatakot. Pero ngayon, iba ang pakiramdam ko. Kumakabog ang dibdib ko sa di malamang dahilan. Nagiging malikot na rin ang imahinasyon ko.

Marami akong iniisip at hindi ko namalayan na hinahawakan na pala ako ni Hag sa kamay at tinutulak -tulak pa kami ng mga rebelde gamit ang mga baril na hawak nila. Tumatawa pa sila habang ginagawa nila iyon.

Pinaglalaruan pa kami nila minsan. Minsan rin sinisipa pa nila si Hag. Pero hindi nagpapatinag si Hag. Pinapakita niya sa akin na hindi siya natatakot, na okay lang ang lahat, kahit alam kong hindi.

Patuloy lang kami sa paglalakad. Walang hinto naming tinahak ang mga bundok. May matinik kaming nadadaanan. Minsan naman mabato. May ilog rin kaming natatawid. May mga insekto rin na kumakagat sa akin.

Minsan umaakyat pa kami sa bundok. Kay minsan sa pag-akyat ko ay nadudulas ako. Mabuti na lang nandiyan si Hag na handang umalalay sa akin upang hindi ako gumulong pababa.

Hinihingal na ako at alam ko pati na rin si Hag. Sumasakit na rin ang paa ko. Nangangalay na ang kamay ko. Marami na rin pawis ang tumulo at natuyo. Nagugutom na rin ako. Nauuhaw na rin ako. Gusto ko ng uminom. Pero kailangan magtiis.

Kaya minsan sa ko na lang pinapa-ibsan ang uhaw ko. Ayaw ko rin kasing magreklamo at baka pagbalingan kami ng mga rebelde. Mas mabuti na ang tahimik upang tahimik at buhay pa rin kaming makakrating sa paroroonan namin. At kung may oras pa ay makakatakas kami mula sa mga rebeldeng bumibihag ngayon sa amin.

"Mga kasama...tumigil muna tayo dito. Magpahinga muna tayo dito." utos ng isang rebeldeng mahaba ang buhok at may makapal na balbas.

Salamat naman at naisip pa nilang magpahinga. Akala ko hindi sila nauubusan ng lakas.

Habol ko ang aking paghinga habang tumitingin sa paligid. Doon ko lang napansin nang tumigil na kami sa lilim ng mga puno, na dalawa lang kami ni Hag ang nadakip nila. Nasan na ang iba? Patay na ba sila? Mas lalo akong natakot.

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon