Bihag 4

765 81 1
                                    

Kabanata 4: Bakbakan Na!

John's POV

Medyo namula ako sa naging reaksiyon. Tumayo bigla ang ahas ko. At alam kong ramdam ni Marie..a ni Bi pala. Napangiti naman ako sa bilis ng pangyayari. Hindi ko mawari na makakaranas ako ng isang magandang bagay sa gitna ng kalungkutang naramdaman ko.

Tila nakawala ako sa hawla na noon pa ay nakapalibot sa akin. Mula sa pamilya ko na napakahigpit sa lahat ng galaw ko. Kaya nga lumayas ako. Hindi niyo pa alam to kasi hindi ko naman sinabi at hindi rin kayo nagtanong. Ngayon nagkukusa na ako. Kasi para daw tumakbo ang istoryang ito.

Balik tayo sa nararamdaman ko ngayon. Tila uminit ang lahat sa akin. Umakyat ang temperatura ko. Naging 42 degrees na. Lalagnatin yata ako ngayon. May kinalaman ba dito ang kamay kong nakahawak sa dibdib ni Bi.

Nang marinig ng isipan ko yun. May tenga ba ang utak? Bahala kayong mag-isip sa tayutay ko. 

Dahan-dahan kong pinatayo si Bi. "Ayos ka lang ba, Bi? Hindi ka ba kinagat ng ahas?" patay malisya kong tanong. Pero nag-alala pa rin ang tono ko pagkasabi ko ng mga salitang iyon.

"Okay lang ako...Hag. Eh..ahas..ah-eh...hehehehe? Malaki ang ahas." namumulang sabi niya. Bigla naman siyang napayuko.

Nakita kong kinakalma niya ang sarili niya at tumingin siya ng diretso sa akin. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako naano. Salamat pala, Hag, sa pag-alalay sa akin pagkahulog ko. Kahit na mababa lang naman ang pinaghulugan ko." Ngumiti siya sakin. Napangiti rin ako.

"Anong drama to? Bilis pasok!" tumingin kami sa sumigaw. May nakabantay pala sa amin. Hindi ko napansin ah.

Mas lalong naging demonyo ang pagmumukha niya nang mapansin niyang nakatitig kami ni Bi sa kanya. "Kung ayaw niyo masaktan. Huwag na huwag niyo akong hamunin sa ganyang tingin. Naglalandi pa ang mga p*ta. Hala, pasok!" sabay tulak sa amin paakyat pati na pagpasok namin. "Maya na ang pagkain niyo." dagdag niya pa.

Sinarado niya ang pwertahang yari sa kawayan. Saka umalis na. Pero alam kong nagbabantay siya sa baba. Hindi ko kasi narinig na masyadong lumayo ang kanyang yabag mula sa kinaroonan namin.

Tumingin ako kay Bi. Hindi ko nahihimigan ang takot sa kanya. Yinakap ko siya. Kahit na medyo delikado ang aming sitwasyon ngayon, nagpapasalamat pa rin ako kasi kasama ko ang babaeng tila magkakaroon ng malaking bahagi sa buhay ko. Napangiti na naman ako sa mga naiisip ko ngayon.

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon