Bihag 7

452 34 0
                                    

Kabanata 7: Pagbabagong Magaganap

Marie's POV

Akala ko katapusan na namin ni Hag ng mga panahong iyon. Hindi pa pala. Kasi sumulong ang mga sundalong pinadala  ng gobyerno sa kuta ng mga rebelde upang iligtas kami. At ngayon narito kami at ninanamnam ang mga sandaling magkasama pa kami.

Uuwi na kasi kami sa sarili naming mga pamilya at  ipagpatuloy ang sarili naming buhay. Kung magkakatagpo man kami ulit. Tadhana na ang magdidikta nun.

Pero hindi ko alam kong magiging masaya ako o malulungkot sa mga pangyayari dahil sa wakas nakawala kami sa mga rebeldeng nakabihag sa amin.

"Salamat at nakawala rin tayo Bi."

"Akala ko mamamatay na tayo doon. Akala ko hindi na tayo makakaligtas, Hag." niyakap ko siya at umiyak sa dibdib niya.

Masaya talaga ako na nakilala ko siya. Pero nalulungkot ako sa mga darating na pagbabagong mangyayari sa aming buhay, pagkatapos naming umuwi sa pamilya namin.

"Ma'am, Sir. Narito na po ang mga sundo niyo. Puntahan niyo na po. Yung bilin po naman sa inyo Ma'am, Sir, dapat gawin niyo po yun. Yung pagpapasailalim sa counseling. Para malampasan niyo ang traumang dala ng pagkabihag sa inyo." sabi sa amin ng sundalo.

Tumango lang kami ni Hag. Bago kumalas si Hag, may sinabi siya sa akin.

"Maraming salamat po sa tulong ninyo at sa pagligtas sa amin. Mabuti naman ay may mga sundalong handang ibuwis ang buhay para iligtas ang iba pang mga buhay." pagpapasalamat ni Hag sa mga sundalo naroon. Tumango lang sila.

"Oo nga po. Lubos kaming nagpapasalamat at nailigtas niyo po kami. Maraming-maraming salamat po." dagdag ko pa.

Nakipagkamay kami sa mga sundalo. 

"Bi, hintayin mo ako rito, hah. Hahanapin kita at babalikan. Pangako iyan." saka niya ako hinalikan sa noo at huli sa labi.

Pagkatapos noon ay inakay ng isang sundalo si Hag, patungo sa pamilya nito. Ako naman ay pumunta kung saan naroon ang magulang ko.

Ito yung sinasabi ko. Hindi lang kasi ako nakawala sa pagkabihag ng mga rebelde. Nakawala rin ako sa pagkabihag sa yakap ni Hag. Hinahanap na ng katawan ko ang yakap at halik niya.

Habang patungo ako sa pamilya ko, nasasaktan ako sa mga iniisip ko ngayon. Kaya sinundan ko si Hag at mas nasaktan ako nang may sumalubong sa kanyang magandang babae at hinalikan siya sa labi.

Hindi nakawala sa akin ang lahat ng nangyari. Hindi tinulak ni Hag ang babae. Masaya ang kanyang mga magulang sa nakita nila. Pati na rin ang iba nilang kasamahan.

Alam ko, base sa kanilang damit at gawi, pati na rin sa sasakyang dala ng mga magulang ni Hag na mayaman sila. Hindi lang siguro mayaman, kundi mayamang-mayaman. Pati rin ang babae, mukyang may kaya rin. Wala akong panama sa kanya.

Nanliit ako sa nakita ko at hindi ko na nilapitan si Hag. Tumakbo ako pabalik sa mga magulang kong naghihintay sa akin.

Yinakap ko sila at umiyak sa mga balikat nila.

Akala ko magiging masaya na ako sa mga panahong nakawala kami ni Hag. Hindi ko inakalang mas nakakalungkot pala ang makawala sa pagkabihag mula sa kanya. Naglandas sa mga mukha ko ang mga luha na dulot ng isipang iyon.

Sana hindi na lang kami nailigtas doon. Sana hindi na kami nakatakas. Sana masaya pa ako ngayon.

"Mang, Pang." tawag ko sa aking ama at ina. Pinunasan ko ang aking mga luha. Nakita ko rin na naiiyak rin ang aking mga magulang.

"Pwede bang humingi na pabor?" tanong ko sa kanila kahit na alam kong pagbibigyan nila ako. 

"Ano iyon anak?"

"Pwede bang huwag na tayong umuwi sa atin? Pwede bang sa General Santos na lang tayo tumira muna. Alam niyo naman siguro kung ano ang mga pinagawa sa amin ng mga rebelde. Pwede po ba?"

Ngumiti sila sa akin at tumango. Mahal na mahal talaga ako ng magulang ko. Ako rin naman mahal na mahal ko rin sila.

Umalis na ako doon at hindi na hinintay si Hag sa lugar na paghihintayan ko sa kanya. Masyadong masakit ang mga nakita ko. Hindi matanggap ng puso ko ang sinasabi ng utak ko. Pero kailangan kong gawin iyon.

Mula sa kampo ng mga sundalo ay agad kaming pumunta ng pamilya ko sa lungsod ng General Santos. Doon nakatira ang mga lolo at lola ko. Ang nanay at tatay ni Mamang.

Namuhay ako roon ng payapa. Hindi ako masyadong lumalabas sa bahay. Pinapahupa ko muna ang mga balita tungkol sa nangyari sa pagkabihag namin.

Ang ginagawa ko lang doon ay maglinis ng bahay. Magluto. Maglaba. Magtanim ng halaman. Magbasa ng kahit anu-ano.

Pumunta rin ako sa isang counselor, upang malagpasan ang mga kaunting takot na nararamdaman ko at para naman mawala kahit konti ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang mga eksenang nakita ko pagkasalubong niya sa pamilya niya.

Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga sandaling kasama ko ang taong minahal ko kahit konting panahon pa lang ang pagkakilala namin sa isa't isa. Kahit konting panahon lamang ang nailaan namin upang sumibol ang pag-ibig raw namin sa isa't isa.

Hindi ko alam kong totoo ba talaga ang sinabi niya noon na hahanapin at babalikan niya ako. Pero hindi na ako umasa at baka mas lalo akong masaktan.

Ilang gabi ko na ring iniyakan ang mga nangyari sa amin. Lagi ko siyang nakikita sa panaginip ko. Minsan nga akala ko nandito lang siya. Akala lang pala.

Isang buwan na ang nakalipas at humupa na rin ang balita.

Ngayon na mag-uumpisa ang panibagong buhay ko, panibagong yugto para hilahin ang sarili ko pataas kahit konti lang.

Nag-apply ako sa mga mall sa gensan at natanggap naman akong cashier sa KCC Mall.

Nakakapagod man ang pagtayo sa buong oras kong trabaho ay ininda ko iyon. Isa ito sa mga paraan upang kahit ilang oras lang ay makalimutan ko siya. Para na rin malampasan ko na ang pagiging malungkot.

Gusto ko ng maging matapang sa buhay. Haharapin lahat ng hamon kasama ang isang nilalang na ngayon ay kasa-kasama ko.

Tit! Tit! Tit.

Ipinanch ko ang mga binili ng isa sa mga nakapila sa akin.

"May Loyalty Card po kayo, Sir?" Tanong ko sa nakapila.

Patuloy pa rin ako sa paglagay sa kompyuter ng code ng pinamili ng nakapila. Pero hindi ako nakatingin sa kanya.

Iniabot ko lang ang aking kamay. Bigla na lang hinawakan ito ng nakapila. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso.

Hindi ko magawang tignan ang nagmamay-ari ng mga kamay na iyon. Unti-unting tumulo ang aking luha.

"Bi..." Biglang napalukso ako sa boses na iyon. Ito ang nagkumpirma sa lahat. Narito siya at ngayon nasa harap ko na.

Hindi ko pa rin siya tinitignan. Baka hindi ko kayanin. Baka mapahiya ako sa harapan ng mga tao rito.

"Bi..kausapin mo na ako. Sige na. Bi...tumingin ka naman sa akin oh. Sige na Bi." pagmamakaawa niya sa akin.

Hindi ko pa rin talaga siya nakakalimutan. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko pa rin siya. Nangungulila pa rin ako sa kanya. Sa mga yakap niya at pati na rin sa mga halik niya.

 -------------------------------------

Haynaku. Malapit na talagang matapos to. Baka hindi na makaabot ng sampung kabanata ang kwentong ito. Pero masaya ako at marami ang bumabasa.

Masaya ako at nakasulat ako ng ganito. Drama pagmaytime din. XD

BihagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon