Hello! First time ko po itong gumawa ng fanfic at magsulat ng story sa Filipino/Tagalog. Kaya pasensya na po kung medyo magulo at mabagal pa ang mga pangyayari.
Sana po i-support, comment, like, vote, and fan kung nagustuhan ninyo. :) Pagbigyan niyo po hanggang chapter 5. I'll try to spice it kahit umpisa pa lang. :)
At hindi pa po final yung title, baka magbago pa. :) Salamat pala kay @snowflakes06 sa pagbabasa/edit/comment bago ko ito ma-post. xD
[Notice: Dialogues are bold due to readers' requests and for easy reading.]
...............................................................................................................................................
Kabanata I: "Nakaksawa."
[Ella's Point of View]
Naglalakad ako habang dala-dala ang tray ng lunch ko. Nandidito ako ngayon sa canteen kasama sina Tammy at Britney, nauna na sila sa table namin. Nag-thank you ako sa ate nang mabayaran ko na yung mga kinuha ko.
Habang papunta ako sa table, nakita ko ang napaka-pamilyar na ulo na gustong-gusto ko nang kalbuhin. Kay Patrick. Si Patrick Rivero, ang crush ng halos lahat ng babae sa campus na ito pero para sa akin, isa siyang asungot na walang alam na gawin kundi mang-asar, manggulo, at mang-lait! Akala mo naman kasi napakagwapo niya noh. Asungot lang naman na nagdamit. Ugh. Di ko pa siya kaharap naiinis na ako, imagine na lang kung kaharap ko na talaga at nang-aasar na.
As if na-sense niyang gusto kong nang pasabugin ang napakalaki niyang ulo, napalingon siya sa direksyon ko at ngumisi nang makita ako. Inirapan ko naman siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Pero may mga nagkumpulang estudyante sa harapan ko at naharangan ang daan, kaya kailangan ko umikot at dumaan sa tabi ng table nung asungot.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na lang siya papansinin, baka kasi maibuhos ko pa sa kanya itong sinabawang ulam at orange juice ko.
Nang dadaan na ako sa likod niya, ramdam ko na nakatingin siya sa akin at syempre, hindi mawawala yung ngisi niya na siguro ngayon ay lapat na lapat sa mukha niya. Okay na sana eh pero hindi ko namalayan na inilabas niya yung paa niya na nagsanhi ng pagkapatid ko.
Na-out-of-balance yung kaliwa kong paa. Parang slow motion ang pakiramdam ko pero ayaw pa ring sumunod ng paa ko kahit anong utos ng isip ko. Gumalaw ka na kasi! Sigaw ko sa isip ko.
Napapikit na lang ako, hinihintay na bumagsak sa tiled-floor ng canteen Pero hindi ang malamig at maruming sahig ang yumakap sa akin kundi mga brasong maliliksi ng hindi ko na nakita kung kanino.
Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung sino ang sumalo sa akin hanggang sa nagsalita siya.
"Uy, Ella! Okay ka lang ba?!" Bakas ang pag-aalala sa boses niya. Tinulungan niya akong tumayo ng mabuti. Nilingon ko siya agad.
"Tikoy?!" Akala ko si Patr- hindi! Eh, bakit parang disappointed pa ako? Si Tikoy ay mukhang nagtataka at nagulat ako na siya ang sumalo sa akin. Ako rin naman nagulat eh. Paano naman kasi, buong akala ko, si asungot yung nagligtas sa akin pero ayun lang siya sa kinauupuan niya. Gulat na hindi matanto ang pagmumukha. Sarap lang sapakin eh.
BINABASA MO ANG
Kahit Kailan (A Kathniel/Elrick Fan Fic)
Fanfiction[summary under construction] Sina Ella at Patrick ay parang aso't pusa kung nagsasama, pero nasanay na ang kanilang barkada. Pero si Britney, napuno na. Magpapakabait na kaya sina Ella at Patrick dahil dito, at magiging "Elrick" tulad ng s...