Kabanata III: "Tabi tayo, ha?"

1.2K 15 6
                                    

Sorry po dahil hindi ako naka-update agad! Pero ito na po yung pangatlo, sana magustuhan ninyo. :) Thank you po sa mga nagbasa ng unang dalawang chapters. Lalo na sa mga nag-comment! :D Hindi niyo lang alam kung gaano nakakatuwang maka-receive ng comments and votes. Salamat ulit! :*

May point of view pala si Patrick dito. ;D Pagpasensahan niyo na dahil hindi naman ako lalaki para malaman ang nasa isip nila. I tried my best naman. :]

Dedicated to my cousin! Dahil sa wagas niyang reaction nang mabasa niya. xD

[Notice: Dialogues are in bold due to readers' requests and for easy reading.]

.............................................................................................................................................

[Third Person Point of View]

Afternoon classes na at first period na nila. Kaya obviously, si Miss Ortega ang teacher nila. Para sa tropa, si Miss Ortega ang pinakamasayang teacher na kasama. Siguro'y dahil na rin sa mas bata siya kung ikukumpara sa iba nilang mga guro.

Sa isang gilid ay nilalambing pa rin ni Winston si Britney. Mukhang hindi pa rin kasi nakaka-get over sa nangyari kanina.

"Vanilla-baby, ayos ka lang?" Tanong ni Winston na hindi mapakali sa kinauupuan niya.

Nilingon siya ni Britney at masiglang sumagot, "Oo naman!" Ngiting-ngiti pa ito.

"Talaga? Hindi naman kasi talaga sinasadya ni Patrick at Ella yung nangyari eh, aksidente lang yun." Hindi makapaniwalang sabi niya. Parang kanina lang kasi sa canteen ay galit na galit si Britney. Nagulat din siya, dahil yun ang unang beses na nag-react ng ganoon si Britney sa awayang Patrick at Ella.

Nawala ang ngiti ni Britney sa mukha at tinalikuran siya. "Patrick at Ella na naman! Magsama-sama na nga kayo. Hmp." Pagtatampo niya.

"Vanila-baby naman..."

Idinikit ni Tikoy ang lamesa niya sa lamesa ni Winston at pasimpleng bumulong sa kanya. Kaso napalakas, mukhang nagpaparinig. "Hayaan mo na si Britney. Mas lalong magsusungit yan kung pinapansin mo."

"Eh..." Syempre, ayaw gawin ni Winston yung sinabi ni Tikoy.

"Don't corrupt my Mocha-baby's mind ha!" Sabi ni Britney nang biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok si Miss Ortega.

"Oh mga bata, bumalik na kayo sa mga upuan ninyo. Tikoy, ayusin mo na yang desk mo." Na-special mention pa si Tikoy. Ibinaba ng guro ang kanyang dala-dalang mga gamit tulad ng libro, notebook, whiteboard marker, at mga kung anu-ano pa sa teacher's table.

Nang i-check niya ang attendance ay may tatlong kulang at may apat na bakanteng upuan. Alam niya na kung sinu-sino ang mga nakaupo roon dahil advisory class niya ito.

"Britney." Tawag niya at nilingon naman siya nito. "Nasaan sina Ella at Patrick?"

"Ma'am, hindi ko po alam." At ngumiti ng pilit.

Alam ni Miss Ortega na may nangyayari na naman sa barkada, pero hindi niya akalaing nagtatampo pa rin si Britney.

"Eh, si Tammy, may nakakaalam ba kung nasaan siya?" Tinanong niya ang buong klase pero walang sumagot, kahit sina Tikoy at Winston ay umiling. Nag-aalala na siya kung saan pumunta yung tatlo. Ngayon lang kasi nag-cut ang kanyang mga estudyante na 'yon.

"Bago ko pala makalimutan, may ipapakilala ako sa inyo. Halika, pasok ka na." Sumenyas si Miss Ortega sa pintuan. Pumasok ang isang babaeng matangkad, maputi at may mahabang itim na buhok. Lahat sa klase ay pinapanood ang pagpasok niya. Tumayo siya sa tabi ni Miss Ortega at ngumiti sa lahat. "So, heto si Cassie, bago ninyong kaklase. Homeschooled siya at kagagaling sa Amerika kaya dapat maging mabait kayo sa kanya."

Kahit Kailan (A Kathniel/Elrick Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon