Kabanata IV: "Kainin mo!"

979 21 9
                                    

Siguro konti na lang ang magbabasa nito dahil sa napakatagal kong mag-update - alam ko po. :) Mabagal lang po talaga akong makausad sa isang kwento dahil siguro sa katamaran ko.

Pero salamat po sa mga nagbabasa pa rin nito! Maikling update lang po ito. May susunod pa naman ngunit hindi ko alam kung kailan ulit. Sana mabilis na lang dahil bakasyon naman na. :)

Okay, sana po ma-enjoy niyo. Advance ko na pong sasabihin, pasensya kung may typo. Kung may nakita po kayo, pasabi na lang. :D Open po ako sa kahit anong klase ng comment. (^_^)/

[Notice: Dialogues are in bold due to readers' requests and for easy reading.]

.................................................................................................................................................................. 

[Ella's Point Of View]

Ewan.

Ewan ko na talaga kung anong nangyayari sa lalaking 'to! Masisiraan na yata ako ng ulo dito sa loob ng kotse eh! Paano ba naman kasi, bigla-biglang nag-iiba ang ugali. Mamaya nang-aasar, tapos mamaya... ewan ko na! Alam mo yung feeling na hindi mo alam kung paano ka magre-react kapag may lumapit sayo ng ganoon? I mean, sa mukha. Parang hahali- la la la la, ano bang iniisip ko? Erase, erase!

Bakit ba ganito ang epekto ng isang Patrick Rivero sa akin? Alangan namang dalawa? Ella rin eh, makulit.

Mukha na siguro akong baliw dito pero wala na akong pakialam. 'Di ko na lang siya pinapansin kahit ilang beses niya akong tawagin. Ngunit nang nag-speech siya tungkol sa ano daw ba ang dapat niyang gawin para mawala na ang init ng ulo ko, muntik ko nang sinagot na, "Talon ka sa tulay at magpakain sa buwaya." Pero hindi ko sasayangin ang ganitong pagkakataon noh, lalo pa't 'kahit ano' raw.

Bwaha. Oras na para gantihan si gold fish!

Lumapit ako kay Kuya Henry at bumulong sa kanya. Kita ko sa dulo ng mga mata ko na pilit na iniintindi ni Patrick ang binubulong ko. Well, sorry siya, master na yata 'to sa mga bulong-bulong na 'yan.

Umupo ako ulit sa tabi niya nang nakangisi pagkatapos. Yung mukha niya, parang ewan lang eh, yung nakakunot ang noo at ang sarap pagtawanan. Hindi ako tumawa pero smiling face pa rin ako, siguro pangdagdag sa pag-iisip niya. Ngayon ko kasi siya balak bawian. At sa tulong ni Kuya Henry, magagawa ko ang pinaplano ko.

Nang huminto na ang kotse at sigurado kong nandidito na kami, dali-dali akong bumaba. Tumingin ako sa paligid, wala gaanong nagbago mula noong huli akong pumunta rito. Narinig kong bumaba si Patrick at tumingin sa kanya.

"Bakit tayo nasa plaza?" Tanong niya habang tumitingin sa paligid tulad ng ginawa ko kanina. Base sa mukha niya, hindi niya talaga inaasahang dito kami pupunta. Hmm, expect the unexpected, sabi nga nila.

"Bakit, masama ba?"

Tumingin na siya sa akin, naghahanap pa rin ng sagot. "Hindi, pero makakain ba ang plaza?" Sarcastic niyang tanong may kasama pang ikot ng mga mata.

"Hoy, Patrick Rivero, common sense namang hindi nakakain, 'di ba? At hindi ko naman sinabing dito noh, dun oh. Tara!" Hinablot ko ang kamay niya at tumakbo papunta sa foodcourt sa may tabi ng plaza. Nakakaewan lang eh, pero hindi ko maiwasang hindi mapansin kung gaano kainit ang kamay niya at gaano kalaki compared sa akin. Uh, syempre lalaki siya! Hay, ano ba yan...

Binitawan ko na ang kamay niya nung malapit na kami. Baka kasi ano pang isipin ng mokong na 'to't asarin pa ako.

"Naiilang?" Sabi niya na nakangisi pa.

Kahit Kailan (A Kathniel/Elrick Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon