Kabanata V: "Saan kayo galing?"

581 9 3
                                    

Dahil sa long weekend at katatapos lang ng exams, natapos ko rin ito sa wakas! \(^u^)/ Hindi ko na alam kung ilang buwan na akong hindi nakapag-update kaya pasensya na po. <(_ _)>

Random po pala ang pagpili ko sa dedication, kung sino po yung makita ko sa news feed ko. :)

Sana po ay magustuhan ninyo ang chapter na ito kahit maikli siya kumpara sa iba. At, hindi ko pa nae-edit ito kaya po baka may makita kayong typo o anumang mali. Paki-comment na lang din po kung gusto niyo.

'Yun lang! :D

 ..........................................................................................................................

Kabanata V: "Saan kayo galing?"

[Third Person Point Of View]

Mga 5:30 na ng hapon bumalik sa school sina Ella at Patrick. Sinadya nilang sa ganoong oras upang pagdating nila roon ay wala nang gaanong mga tao at madali silang makauuwi.

Bumaba na sila ng kotse at nauna nang pumasok si Ella sa gate kung saan sila lumabas kaninang tanghali. Sinabihan ni Patrick si kuya Henry na hintayin na rin sila dahil kukunin lamang naman nila ang kanilang mga bag at iba pang mga gamit.

"Hoy Patrick, bilisan mo naman dyan oh! Ang bagal mong maglakad." Sigaw ni Ella kay Patrick sa normal na tono ng kanyang boses sa tuwing siya ang kaniyang kausap: parang asar na asar kahit wala namang dahilan.

Nag-jogging si Patrick sa direksyon ni Ella. "Bakit ba ang sungit-sungit mo na naman? Hayaan mo, lalabas tayo ulit sa isang linggo. O kung gusto mo bukas." Sabi nito nang nasa harap na siya ni Ella sabay kindat pagkatapos.

Hindi alam ni Ella kung matatawa siya sa itsura nito o magagalit dahil sa napakayabang na naman. Muntik na siyang mapangiti pero pinigilan niya ito at sumagot sa tonong alam niya ay tama. Oo, tama. "K-kapal talaga ng mukha mo. As if sasama ako sayo, manigas ka, noh." Tinalikuran niya ito at nagsimula nang maglakad.

Si Patrick naman ay napansin na naman ang ikinilos ni Ella, at ngayon ay nakangisi na. Maituturing niyang "kaaway" si Ella kaya natutuwa siya sa tuwing nakikita niyang apektado ito ng mga sinasabi niya. Para sa kanya ay "nanalo" ulit siya ngayon laban kay Ella.

Sinundan niya si Ella sa loob ng school nang biglang may sumigaw sa kanila.

"Hoy! Bawal nang pumasok ha!" Yun pala ay ang guard; ang guard na sa gabi naka-assign at sobrang sungit. Hindi tulad ng ibang mga guard. Ito, laging nakasimangot at kakainin ka na lamang diyan.

Nagkatinginan ang dalawa at nagkaintindihan kahit walang kibu-kibo. Kumaripas sila sa pagtakbo papasok sa pinakamalapit na academic building.

"Huminto kayo! Bawal nang pumasok!" Sigaw ulit ng guard na hinihingal na sa pagtakbo. Hindi na niya sinubukang habulin ang mga ito dahil sa alam niyang maraming alam na lugar ang mga estudyanteng pagtaguan. Alam niya naman kung anong year ng isang estudyante sa isang tingin pa lamang; third years ang mga iyon.

Dahil sa mas mabilis tumakbo si Patrick kay Ella ay nawala na siya sa paningin ni Ella. Hinahanap niya ito habang tumatakbo pa rin sa takot na mahabulan siya ng guard.

"Nasaan na ba 'yon?" Tanong niya sa sarili habang lumilingon sa paligid. Nagulat siya nang may biglang humawak sa kamay niya mula sa likod at hinila siya. Sa gulat niya ay nawala ang kanyang balanse at napaupo. Akala niya hanggang roon lamang, ngunit tinakpan pa ang bunganga niya na para bang mapigilan siya sa pagsigaw.

Natakot na siya at sinimulang sikuhin ang taong hanggang ngayon ay tinatakpan pa rin ang kanyang bunganga. Kakagatin na niya sana ang kamay nito ngunit inalis na nito ang kanyang kamay.

Kahit Kailan (A Kathniel/Elrick Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon