Kabanata II: "Gutom ka ba?"

1.3K 20 10
                                    

Ito na po ang chapter 2! Sana po magustuhan ninyo. :)

Thank you po pala sa mga nag-vote at nag-add nito sa reading list nila!

Dedicated to @the_cats_eyes itong chapter na 'to. Thanks, roommate, sa pagbasa ha. :D

Tama na ang daldal, on with the story na tayo!

[Notice: Dialogues are bold due to readers' requests and for easy reading. Flashbacks are italicized.]

.........................................................................................................................................

Kabanata II: "Gutom ka ba?"

 

[Ella's Point of View]

Pinulot ko ang unang maliit na batong nakita ko at ibinato ito sa nakaalsang ugat ng isang puno na malapit sa akin. Simula nang makarating ako dito ay ito na ang ginagawa ko. Napapaisip lang ako sa mga bagay-bagay, kasama na roon yung mukhang goldfish na Patrick na yun. Wala na siyang ibang ginawa kundi mang-asar kahit pa noong unang araw ko siyang makilala.

Naalala ko, mga tatlong taon na rin ang nakalipas. Dahil sa hindi ako mahilig makisalamuha sa ibang tao ng mga panahong iyon, nagdra-drawing lang ako sa tapat ng bahay namin. Kung tama ang pagkakaalala ko, damit ang iginuguhit ko nun, mahilig kasi akong magdisenyo ng damit kahit "tomboy-ish" daw ako, sabi ng ibang tao.

Nagbibisikleta siya nung napadaan siya sa tapat namin at huminto ng makita ako. Puti ang shirt niya noon at hindi itim tulad ng karaniwang sinusuot niya ngayon. Naka-itim na pants at sapatos. Siyempre hindi mawawala ang dog tag na lagi niyang suot at wristbands sa kanang kamay. Mayaman na 12-year old ang dating. ang hindi ko alam ay totoo pala ang iniisip ko.

 

Okay nga eh. Aaminin kong na-cute-an ako sa kanya, kaso nakaka-TO nung nagsalita na siya.

 

"Ang pangit naman ng drawing mo, pwedeng pangkiskis ng pwetan ng kaldero." Diring-diring sabi niya, naka-scrunch pa ang ilong. Parang flip-topper lang ah, kailangan rhyme?

 

Ang yabang naman nito, pumasok sa isip ko. Pero hanggang dun lang, 'di ko na lang siya papansinin dahil unang-una, hindi ko naman siya kilala.

 

Nang inisnab ko siya at tumuloy sa pagguguhit, nakita ko sa dulo ng aking mata na bumaba siya mula sa bike niya at lumapit sa akin.

 

"Alam mo, sayo lang magkakasya ang ganyang kasikip na damit. Para ka kasing stick sa payat mo eh."

 

Aba't-! Akala moo kung sino 'to ah.

 

"Excuse me." Irap ko sa kanya. Siya'y nasa tapat ko  na mismo.

 

Ngumiti siyang pilit at itinaas pati ang mga kilay habang nakapikit. "Dadaan ka?" Sarcastic niyang tanong.

 

Kahit Kailan (A Kathniel/Elrick Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon