First Lie

17 0 0
                                    

HIS








"What the hell are you doing? Nagpapakamatay ka ba talaga?" Asik ko sa kanya. Pero ang gago, nginitian lang ako. Halata nga lang na pilit.


"Don't worry, bro. Matagal pa kong mamamatay."



Hindi ko na lang siya sinagot pa imbes, inayos ko na lang ang kwarto niya. Alam kong alam niya sa sarili niya na nagsisinungaling lang siya sa sinabi niya. Kayanin man niya, katawan na niya ang kusang bumibitaw. Ang hindi ko lang talaga alam kung bakit ayaw niya pang magpa-confine sa ospital o magpagamot man lang.


Habang nagliligpit ako ng mga nabasag, narinig ko soyang umubo. Lalapitan ko na sana siya pero umiling lang siya. Ang tigas ng bungo at ayaw magpaubaya na lang.



"I can... manage..." hirap niyang bigkas habang humihinga nang malalim. Tinanguan ko na lang siya at nagpatuloy.



Nagulat na lang ako nung biglang boses ng babaeng kumakanta ang narinig ko. Hinanap ko ang pinanggalingan at nakita ko siyang may hawak na cellphone at mukhang doon iyon nanggagaling. Maganda at malumanay ang boses ng babae. Kundi ako nagkakamali isa tong cover ng original na kanta. Halata mo kasing nakarecord lang iyon.


Tahimik lang sa kwarto at tanging iyon lang ang naririnig. Actually, madalas ko itong marinig galing dito pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung kanino ang boses ng babae.


Pasimple akong sumusulyap sa kanya at pansin ko rito sa mukha niya ang saya. Kung sino man ang may-ari mg boses na iyon, tiyak na mahalaga para sa kanya.






So I lay my head back down

And I lift my hands and pray

To be only yours

I pray to be only yours

I know now

You're my only hope

I give you my destiny

I'm giving you all of me

I want your symphony

Singing it in all that I am

At the top of my lungs

I'm giving it back







"Didn't you know that this is the song she sang for me?" Umiling ako sa tanong niya. "It was actually the first song I've heard her sing with her permission." With her permission? Ano ibig niyang sabihin doon?



Mukhang nakita naman niya at tumawa siya. It was the first time I'm hearing him laugh like that since he had been bed ridden for a year. Tumigil rin naman siya nung nahihirapan na siyang huminga.



"Tawa pa. Malagutan ka na niyan ng hininga." Biro ko sa kanya na ikinailing na lang niya.

Lie With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon