HIS
"It's a pleasure to meet you, Miss Chua." Bati ko sa kanya, pero nanatili siyang nakayuko at ni tingin ay hindi ibinagay sa akin. Masungit pala siya.
Nanatili akong nakatingin sa kanya at inaantay na pansinin ako, pero lumipas na ang ilang minuto at wala pa rin nangyayari. Ni hindi niya rin ako sinabihan na maupo man lang, kahit yun lang naman hindi pa nagawa. Uugatan na ata ako dito, hindi pa rin niya ako papansinin. So, I did the last option I have in mind.
"What theー"
"Finally." I sigh kasabay ng pagbaba ko ng mga papeles na inagaw ko sa kanya sa gilid ng table niya. Bastos na kung bastos, siya naman na una. "Now, I have you're attention."
Tinitigan lang naman niya ko, well, more like a glare for me. Medyo akaawang din ang bibig niya at parang gulat na gulat na nakatitig sa akin ngayon. And no that I have her attention, I feel weird, more like intimidated. Hindi ko kinaya ang titig niya kun kaya't iniwas ko ang tingin sa kanya. But damnit, kahit hindi ko alam, I could still feel th weight of her stares. Ano ba problema nito? Kung makatitig parang nakakita ng multo e.
"Didn't you know that staring is rude?"
Mukha naman siyang natauhan doon at naging blanko ang mukha niya. "What are you doing here?"
Ako naman ngayon ang naguluhan at napatingin sa kanya. Isn't she the one who let me enter? Hindi rin ba niya alam na may meeting kami ngayon? Ano 'to? Gaguhan?
"I'm Arch. Ferrerー" pero hindi pa man ako nakakatapos magsalita, bigla siyang napamura at napatayo.
"Damn. Bakit hindi ko naisip? Shit." Nakailang mura pa siya habang nagdadial sa phone niya na hindi ko alam kung ano at sino. Naguguluhan din ako sa inaasta niya ngayon.
Pinanood ko lang siya at nanahimik. At ngayon ko lang din napansin ang itsura niya. Ang laki ng pinagkaiba nito sa picture na nasa akin. Umikli na ang buhok niya at nagmature din ang features niya. She's beautiful before, she still is, but with a mixture of maturity and class. Hindi na ako nagtataka kung bakit niya siya nagustuhan. Ilang sandali pa at nasa harapan ko na siya at nakapameywang.
"I don't know what shit you're pulling off this time, but it ends here." Sigaw niya habang nakaduro sa akin. What is she saying? Alam ba niyang ako ang nagpapahanap sa kanya? Impossible. It's confidential. "You get the hell out now and stay far away from me, Ferrer. I don't want to see you ever again!"
Naguguluhan ko siyang tinignan habang masama pa rin ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam ang problema niya sa akin kaya hindi ko alam ang sasabihin. Pero ang utos niya ang hindi ko kayang gawin. I can't leave this place without talking to her.
"I can't do that Miss Chua." Mahinahon kong saad. Ayokong pairalin ang init ng ulo ko gayung mainit na ang kanya. "I'm here for two things and any problems you have will need to wait until my business here with you is finish." Mukha naman nakuha niya ang ibig kong sabihin.
I see how she rolled her eyes, pero nananatili ang sama ng kanyang tingin. "I'll be be fine discussing it to anyone in your firm except you."
I smile secretly at her stubborness. Mukhang totoo nga yung sinabi niya sa akin dati. "I'm sorry to inform you, but there's no one but me is available for this meeting."
"I don't give a damn." She hiss and glare. "Why don't you call your boss and tell him or her to pick someone else. I don't like you."
I smirk. "Liking me isn't part of the deal." Saad ko ng kalmado pa rin. "This is business, Miss Chua, just to remind you of that fact. So you have no choice but to stick with me."

BINABASA MO ANG
Lie With Me
RomantikLies turned his life upside down. Lies broke and changed her. Yet, it was lies that brought them together. The question is, will they continue to lie or will it be time for them to be honest to make it through?