HIS
"You mean to tell me, may anak na si Kenneth?" Tumango naman ako. "At ngayon naman ay inaakala nila na ikaw siya?" Tumango ulit ako. "Ay tangna mo pre! Ano pumasok sa utak mo at ginawa mo yon?"
"Tangna mo din!" Sabay ganti ko ng batok sa kanya. "Hindi ko naman ginusー"
"Ang sabi sayo magsorry ka para sa kanya, hindi magpanggap na siya gago!"
"E hindi na ko nakasabat e! Ikaw ba naman bungangaan ng dire-diretso? Pinalalayas pa nga ako ng magkita kami e."
"Malamang! Kung ako din naman nasa situasyon nung Elle ba kamo?" Tumango ako pagkukumpirma sa pangalan niya, "Yun nga, kung ako lang din naman siya, ganoon din gagawin ko base sa kwento mo na mukhang may malaking kasalanan yang kambal mo sa kanya."
Napabuntung-hininga na lang ako sa sinabi niya. This day is suppose to be stress free for both of us, pero dahil kaibigan ko naman siya, nasabi ko sa kanya lahat. Hanggang doon sa pagpayag ni Elle sa akin kamakailan lang. Hindi ko na rin kasi alam gagawin ko. Nakokonsensya ako for both the good and bad reasons.
Isa pang problema ko ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ginawa ni Kenneth para magalit ng ganoon sa kanya si Elle. Wala akong makuhanan ng impormasyon dahil ang alam ko, si Elle din ang matalik na kaibigan niya bago maging sila. Wala naman akong kilala na iba pa na pwedeng pagtanungan. All I want is to grant my brother's last wish and get this all over with. Pero hindi ko magawa.
"You could have just told her the truth, pre." Payo niya. "Ngayon, paano mo yan lulusutan?" Napatingin naman ako sa kanya. "Base from your story, that woman isn't someone you should mess up with. Kilala ang mga Chua sa business industry. Hindi malayong malaman niya ang totoo, at kapag nangyari yuon, hindi lang isa ang maapektuhan kundi pati ang kambal. Isipin mo sila, pre."
Natahimik naman ako sa sinabi niya. Bakit ko ba nakalimutan yun? "Those kids might get attached to you kapag pinagpatuloy mo yan. Would your conscience allow that? Hindi lang isa ang masasaktan. Then what if that Elle falls again for you, well, too Kenneth then malalaman niya na hindi pala ikaw yung taong inaakala niyang ikaw. Mahirap yan, pre. Masasaktan mo ulit siya."
"I don't know." Yuon na lang ang nasabi ko saka inubos ang isang baso ng kape.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Geoffrey. Alam kong nagiisip siya, ganoon din naman ang ginagawa ko nang magawi ang tingin ko sa labas. Nasa malapit lamang kami ng glass wall ng cafe kaya kitang-kita ko ang labas. At kung hindi ako nagkakamali, ang pulang Audi na kakaparada lang sa labas ay sa kanya. Kay Elle. Pero napailing na lang ako ng isang lalaki ang lumabas sa driver seat. Hay Elle... ang sakit mo sa ulo.
Pero hindi ko inaasahan na buksan nito ang back seat at lumabas ang dalawang batang lalaki na kilalang-kilala ko kasabay ng psglabas ng isang babaeng ginugulo ang utak ko. Hindi ko alam pero napahigpit ang hawak ko sa arm rest habang nakatingin sa kanila.
Si Elle at ang kambal! Hindi ako maaring magkamali duon. Sila iyon pero sino naman ang lalaking kasama nila na ngayon ay hawak sa magkabilang kamay ang dalawang bata. Nagmumukha silang isang larawan ng isang pamilya... pamilyang sana ay sa kapatid ko na.
BINABASA MO ANG
Lie With Me
RomanceLies turned his life upside down. Lies broke and changed her. Yet, it was lies that brought them together. The question is, will they continue to lie or will it be time for them to be honest to make it through?