"Gears for two please." Cool na cool na sambit ni Cole at binigay sa incharge dito sa Eyes Horror Stadium.
Napataas ang kilay ko nang tingnan ko ang incharge na chararat na ngiting ngiti na tinitingnan ang pinsan ko. Nako ha! Para pa siyang kinikilig nang kunin ke Cole ang pass namin dalawa. Hayy nako. Girls these days. Rare na nga lang kaming mga Maria Clara.
Nako ah! Kala mo naman kinaganda niya ang pagpapacute sa pinsan kong nagpapapogi rin. Nakoo. I just rolled my eyes heavenward at tinalikuran silang dalawa at sumandal sa counter.
Eyes. Ito yung last game na pupuntahan namin ni Cole. Horror ito and is consisted of 4 players. Dalawa lang kami ni Cole na nandito na players kaya maghihintay muna kami ng 2 pang players.
"Eto na." At ibinigay ni Cole sakin ang 3D animation eye glasses na gagamitin sa laro. The stadium kung nasan kami ay malaki at madilim. You'll see the animation pag susuotin mo na yung glasses.
I tried on the glasses. Napa sigaw ako konti sa gulat nang nakita ko ang 3D animation! Woah! Its so realistic!
Nubayan! Oo nga Yseatte! Its 3D kaya realistic! Estupida ka rin eh 🙄
"Woah. Easy horse-- este Xam." Sambit ni Cole at parang hinaharangan yung sarili niya sakin.
"The animation is freakin' cool, Cole. Anlaki ng improvement." Sabi ko. Matatakutin kasi ako and this is the second time nang bumalik ako dito.
Lagi naman kaming pumupunta rito pero di dito na game. Matakutin kasi talaga ako eh. Nung last time kaming naglaro dito sa game was 2 years ago nung grand opening. Triny namin lahat ng laro, kasali 'to. Kaya ayun last game rin namin to kaya ayun natakot ako ng sobra di ako bumalik sa larong 'to.
"Himala ah, sumama ka sakin sa larong to." At napatawa si Cole.
Napatawa rin ako at napatingin sa dumating. Pagpasok niya napatingin agad siya sa akin. He was staring at me na parang ako lang ang tao. I hate being stared at, at umirap ako. Napatawa siya at naki-apir kay Cole.
Si Dominic. Kaklase ko since 2nd year high school. Kahit na matagal na kaming magkaklase, hindi kami friends. Naiirita ako tuwing nakikita ko siya. Kasi nga ayaw ko makipag kaibigan sa mga playboy na katulad niya. Maliban na dito sa pinsan ko. May past naman rin si Cole kung ba't siya ganyan kaya naiintindihan ko siya.
Eh si Dominic? Nakikisabay sa uso. Duuh. Akala mo ikinagwapo niya yun. Wag bobo please. 🙄
Nang napatingin ulit ako sa entrance, nagulat kami nang magkatinginan kami.
Si Estupido.
Nung nagkita kami kanina nung nahulog yung isa kong pass na kukunin niya sana'y ibigay sakin, inunahan ko siya at inirapan at tumungo na kay Cole. Sa halos lahat ng laro na pinupuntahan namin, nakikita ko siya dun. Parang minsan ay nakikilabutan ako sa mga tingin niya. Ayun iniirapan ko siya at hindi pinapansin.
"Uy, Ms Sungit! Cole!" Bati niyang nakangisi. Ampogi--- teka wala akong pake. "Just in time!" Sabi niya nang nakita niyang tatlong players na ang nandito. "Naglalaro ka rin pala nito, Ms Sungit?"
Inirapan ko siya at di sinagot. Ugghh. Ewan ko nag-iinit ulo ko tuwing nakikita ko siya.
"Ganda nga," bulong niya pero di ko masyadonh narinig kasi ang pabebe niya lang at may alam pa siyang bulong-bulong diyan. "Sungit naman!" Ayun narinig ko na.
"Hayaan mo na yan pre." At nag-apir sila ni Cole.
Pumunta na siya sa incharge kung nasan si Dominic, "Uy! Pare!" Kahit naka talikod ako sa kanila, alam kong si Dominic yun.