Chapter 4

141 2 1
                                    

Third person's POV

Andito ngayon sina Nikki, Luke at Yseatte sa isa sa mga resorts na pagmamayari nila somewhere in Visayas.

Nag jejet-ski ang tatlong mag best friend habang nagtatawanan kasi laging nahuhulog si Nikki sa tuwing binibilisan nito ang andar ng sinasakyan kahit ilang beses na silang sumasakay.

They're having a lot of fun with each other's company.

"Sir nakahanda na po ang hot bubble bath niyo." Bulong ng Butler ng isang binata na kanina pa nakamasid sa malayo sa anak ng may-ari ng reosrt na ito.

"Be right there." Sagot naman ng binata na tinitingnan na para bang ang dalagita lamang ang kanyang nakikita.
Ang kinis kinis ng balat at gumanda pa siya lalo, sambit ng binata sa kanyang utak.

Kahit naninibago siya sa blonde na buhok nito, sa tingin niya ay mas gumanda ang dalagita.

"I'll be back for you.. Yseatte." At sinuot na nito ang kanyang Wayfarer.

Yseatte's POV

Nagtatawanan at nag kwekwentuhan kami ngayon dito sa table na pina reserve namin sa labas ng Café kung san malapit ang Sea View.

"Ah talaga? Tapos pag nasira? Ano na?" Said Luke with a teasing voice.

Nagtawanan naman kami.

"Eh kasi abnormal yung nakapulot eh. Kaya malamang wag na kayong magduda na sira na yun!" Sagot naman ni Nikki. Hahaha!

"Wooh. Ang sarap magtawanan ng ganito kasama kayo! Namiss ko talaga kayo huh!" Hirit ko naman.

"Oo nga! May pa girl's day out pa kayo kahapon. Di niyo naman ako sinasama." -Luke

"Girl's nga no?" Baling ko sa kanya.

"Nga pala, kamusta si Cole?"

"Ayun okay naman. Napagalitan at di muna pinalabas ni Tito." Sagot ko.

"Ba't daw napaaway siya?"

"Di ko alam. Di pa kami nakakapag-usap. I hope its not about that bitch again--"

"Nakabalik na siya?!" Sabay na sigaw ni Luke at Nikki.

"Hindi ko alam! Kutob ko! Hindi naman rin mang-aaway si Cole as long as inaaway o binabastos kasama niya. At kahapon wala siyang kasama. Eh malamang baka andun yung bitch na yun!" Ugh nag-iinit nanaman dugo ko!

"Chill, bessie. Baka naman nalasing lang si Cole kaya ganun--"

"Hindi naman siya amoy alak! Kaloka siya ah! At may mukha pa siyang iharap dito sa Pinas! Sabi ko na nga ba, dapat pinaputol ko na transactions niya dito! Yung babaeng yun! That gold digger! Pera lang naman habol niya kay Cole! Ang tanga ko namang pinsan nagpadala--"

"Bessie. That was years ago! Nakapag-move on na nga si Cole! Ikaw pa kaya!" Nikki said trying to calm me down.

"Bahala na nga siya! Nakakastress yung bitch na yun!" At napainom ako sa iced tea ko. "Tara surfing tayo?"

"Let's gooooo." Una tumayo si Luke.

Nag cable car kami papunta sa sea side kasi mejo malayo-layo eh. Malawak ang resort kaya ganun.

Melting the Ice Queen's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon