A r k i n.
It was Keira's birthday today. Hinanap ko siya sa buong campus pero absent pala siya. Balak ko pa naman siyang ilibre.At saka, may ibibigay sana akong regalo sa kanya.
Malungkot kong tiningnan ang masterpiece ko. Isang portrait...ni Keira. Ito ang unang beses na nakagawa ako ng maayos at magandang portrait.
Kuhang kuha ko kasi rito ang bawat anggulo ng mukha ni Keira, hindi katulad ng iba kong portraits na sa iisang anggulo lang maganda.
Di bale, bukas ko na lang ibibigay sa kanya.
--
Kasalukuyan kong hinahanap si Mr. Concepcion, may ipinabibigay kasi si Mrs. Sandoval sa kanya at sa mahigit 40 na estudyante sa room, ako pa ang nautusan niya.
Masyadong maraming tao sa hallway. Naghahanda na kasi ang lahat para sa susunod na event, ang Valentines' Day. Halos isang buwan pa naman bago iyon pero mas mabuti na raw ang handa. Sa sobrang siksikan, hindi ko na napansin na may nabangga akong babae.
Long sleeves, scarlet hair ends, pale skin.
It's Keira.
"Oh? Anong tinitingin-tingin mo? Tara na!" Hinatak niya ako hanggang sa makarating kami sa likod ng building na isang mataas na pader lang ang dapat akyatin para makalabas ng campus.
"H-hoy. Kung anuman 'yang binabalak mo, hwag mo akong idamay..."
"Dali na, cutting tayo. Birthday ko naman kahapon eh," pangungulit niya.
Oo nga pala, iyong regalo ko.
"Eh bakit ka nga ba absent kahapon?," tanong ko sa kanya.
"I'll give you an honest answer pero sasama ka sakin ah?"
"Okay, payag ako."
"I wanted to celebrate my birthday like just an ordinary day but because I'm Keira Dione Villafuerte, hindi pupwede 'yun... So ayun, umabsent ako para makaiwas sa mga babati sakin dahil sikat ako at hindi dahil sa birthday ko."
"Writer ka nga." Tinawanan niya lang ako. "Sige, tara na. Pero daan muna tayo sa bahay ko..."
Keira gave me a weird look and hugged herself. "Grabe ka, pinagkatiwalaan kita tapos rereypin mo ako!," naghihysterical niyang sigaw.
Jusko naman. Ano na lang kaya ang magagawa ko sa babaeng 'to kung hindi mahaba ang pasensya ko?
"Keira. Calm down. I'm not going to rape you," natatawa kong sabi sa kanya.
Hinawakan ko siya sa balikat at tiningnan nang diretso sa mata. Hay. Ito na naman yung puso ko...nagwawala eh. "Calm. Down."
Huminga siya nang malalim. "Okay. Kalmado na ako. Kung hindi mo ako rereypin, bakit tayo pupunta sa bahay mo?"
"Nandun yung regalo ko sa'yo eh. So ano, tara na?"
She nodded. Hinagis niya ang backpack niya papunta sa kabila ng pader at ganoon din ang ginawa niya sa backpack ko bago niya sinimulang akyatin ang pader sa pamamagitan pagkapit ng rehas sa taas niyon.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako magkacutting sa klase. At hindi ko akalaing isang babae pa ang mag-aaya sakin.
Mas matapang pa pala kaysa sakin si Keira.
--
"Wow. Ako ba talaga 'to?," hindi makapaniwalang sabi ni Keira at dinuro-duro pa ang gawa kong painting niya.
"Hindi mo ba kamukha?," nag-aalala kong tanong sa kanya.
Proud pa naman ako sa gawa ko... Hindi kaya na-overlook ko lang kaya akala ko, maganda yung pagkakapintura ko?
"Sira. Kamukhang kamukha ko kaya lang..."
"Kaya lang ano?"
"Ganyan ba ako kaganda?" Natawa siya sa sinabi niya. "Sht. I think I sounded conceited... Pero ganyan ba ako kaganda?"
"That's how I see you, Kei."
YOU ARE READING
keira || ✔️
General FictionKeira is definitely out of Arkin's league. What he didn't know was Keira isn't as great as she seems. ©floeful 2016 || completed The photo used in making this book cover is a painting entitled "Luna Czechowska" of Amedeo Modigliani. It is not the au...